SIDE STORY ELEVEN

9 0 0
                                        

M I L L E R

Iba't ibang uri na ng puno ang natatanaw namin habang nasa daan. Napapansin ko rin na mas dumadami ang mga puno habang palayo kami nang palayo mula sa entradang pinasukan namin kanina. At halos naglalaho na ang nabuong daan gawa ng mga paang tumatapak rito.

"Are we still on the right path?" tanong ko kay Axel.

Baka kasi nagkamali kami ng nilalakaran at nasa gilid lang ang tamang daan.

Tag-iisang backpack ang dala naming dalawa. It's not even hiking bags, these are the regular travel bags and are way lighter. No wonder Axel told me not to be too detailed on my belongings. Tanging mga importanteng gamit lang daw ang dalhin ko.

"Yup. We're on the right path. Don't worry, honey."

"Talaga? I just notice... nawala na 'yung daan..." Pahayag ko habang sinusuyod ng tingin ang buong paligid na nakain na ng berdeng damo at matayog na mga puno.

"This is a hidden place. Not open to any human and other destructive persona, no matter what kind they are. Don't worry, the beast men made sure that no creature could disturb their peace. So, if you're not welcome, there will be traps to stop you from coming further or someone who will scare you away. The vanishing of paths is just normal."

Right. May nabanggit nga pala si Axel kanina na haunted ang gubat na ito. Sira-sira at nakakatakot ang aura na pinapakita ng entrance kanina. Wala rin akong nakita na streetlight nung nasa sasakyan pa kami. The place was too dark and eerie na sa layong sampung metro pa lang ay sinasabi nang ayaw nitong maistorbo ng kahit sino.

Habang papalayo kami nang papalayo ay nagkakaroon na rin ng sense ang mga kuwento ni Axel kanina. Lalo na at mas na-iimagine ko ang pamumuhay ng mga beast man. Subalit, kasabay ng kalinawan na ito ay ang nakakakabang realization.

"Wait..." mutawi ko sabay bahagyang napahinto, dahil dito ay nauna ng konti sa paglalakad ni Axel.

Kinailangan niyang tumigil bago niya ako nilingon.

"What is it?"

Sinipat ko muna saglit ang paligid at saka bumulong ng, "Kung ganito na kalayo ang nilakad natin, at puno nga ng patibong ang gubat na ito... Ibig sabihin ba... may sasalubong din sa atin na mga patibong? Is there a trap for us too?"

Sa sandaling iniwan ng mga katanungan na ito ang bibig ko ay agad ko naman na naisip na baka alam ng pinuno nila na paparating kami. Kung alam ni Axel ang daan patungo sa lugar ng mga beast man, siguro naman napagsabihan niya ang lider ng pamayanan nila. Siguro naman may komunikasyon pa rin ang mga ito sa mga bampira.

I really want to believe that I was right about the permission thing, kaso iba ang sagot ni Axel sa inaasahan ko.

"Oh. That? I am not so sure. Uhm, seryoso kasi talaga sila sa pagprotekta sa tirahan nila kaya..." Binigyan ako ng matamlay na ngiti ni Axel.

Mukhang alam na niya na may dalang masamang balita pahayag niyang at hindi na tinapos pa ang sasabihin niya.

"Let's continue walking?" pagbabago niya ng paksa at tumalikod sa akin na suot pa rin ang ngiti na nagsilbing pantakip ng pagkakamali niya.

Nagsimula nang humakbang si Axel pero sa sandaling lumapag sa lupa ang kanyang paa ay may narinig akong tahimik na pagpitik sa hindi kalayuan.

Sh*t. Iyan na nga ba ang sinasabi ko!

I instinctively dragged Axel as I wrapped him with my body. Sabay kaming lumundag palayo sa humaharurot na ilaw sa lupa. Hindi ko gaanong natitigan ang bagay dahil sa pagmamadali, ngunit base sa nahagilap ko ay tila ba tumatakbo ito sa tuwid na linya at patungo sa direksyon kung saan ay ilang segundo lang ay nakatayo si Axel.

Taming the VampireStories to obsess over. Discover now