SIDE STORY NINE

13 0 0
                                        

M I L L E R

Dalawang taon na ang anak na kambal ng Supreme at ni Mateo, at dito sa bansa nila ito ipinagdiriwang.

"Sa pictures ko lang nakikita ang mga bata."

"Really? Well, me too. I thought you'd seen them in person when you were in Spain five months ago," tugon ni Axel.

Nasa sasakyan na kami ngayon at patungo na sa lugar na pagdarausan ng kaarawan nila. Matagal ko nang hindi nakikita ang Supreme, habang madalas ko naman na kasama si Mateo sa tuwing bumibisita ako sa bahay nila sa Spain. Dumadaan ako sa training ground nila para magturo ng mga batang bampira. Mga basic technique lang naman ang tinuturo ko lalo na at hindi ako pwedeng magtagal.

May bago silang sistema. Maaari nang pumili ng sarili nilang kadalubhasaan ang mga bampira. Hindi na sila bumabase sa kanilang mga ranggo. May mga beta na gustong lumaban at mga alpha na nais mag-aral ng agham, at mga gamma na mahuhusay pagdating sa paggawa ng mga estratehiya.

One could say that the new Supreme prioritizes each vampires' desire to motivate them to do great in their own field. Hindi na uso ang sapilitan na training dahil isa kang alpha.

She basically added humanity in the vampire's inhumane rules.

"They are really celebrating their birthday at a beach?" Hindi makapaniwala na sambit ni Axel habang pumaparada ako sa parking area ng venue.

Yup. The venue is at a beach.

"I thought Maxine was just bluffing. Who could have imagined that?"

Tunay nga na kakaiba. Sinong mortal ang hindi tatawa kung sasabihin ko na nag-cecelebrate ng kaarawan ang mga bampira sa tabing dagat? Sa lugar kung saan tirik na tirik ang sikat ng araw.

"Noong unang mga araw na nalaman kong magiging bampira ako, I worried about not being able to walk outside in the morning."

Tumawa ng mahina si Axel. "Surprise, surprise! Mali ka ng inakala."

Yes, dahil hindi naman kasi nila talaga kahinaan ang sikat ng araw. Hindi sila nasusunog o nasasaktan dito. It just happened that they are nocturnal beings. Pretty similar to their ancestors, the bats.

"Are we late?" Axel curiously asked while checking his watch.

"Hindi naman ata." And just as I uttered my reply a knife was tossed into my direction. Umikot-ikot ito at nagliliwanag sa sikat ng araw.

"Ah!" I mouthed the moment I caught it with my hands.

"Oh, God!" Axel exclaimed pero hindi siya nag-panic. He just calmly looked at me and disappeared.

Habang tiningnan ko ang hawak kong kutsilyo. Dito ko pa lang napagtanto na hindi ito kutsilyo. The sharp thing that went flying on me is a sharp and short sword.

Light Bringer

Ito ang dalawang salitang nakaukit sa talim ng espada.

Hindi na ako nagpadalos-dalos pa at tumungo na rin sa loob. I don't even have to search for sword's owner dahil naghihintay na ito sa entrance.

"Hello, Miller," bati sa akin ng Supreme. Karga-karga niya ang isang batang lalaki na may kulay pulang mga mata at maputlang balat. Takot itong nakatitig sa mga kamay ko at mangiyak-ngiyak pa. Sa binti naman ng Supreme ay nagtatago ang isa pang batang lalaki. Pareho sila ng mukha ng batang lalaking karga ng Supreme. Matangos na ilong at bilugan na mga mata, maputlang balat at matatabang pisngi. Sa unang tingin ay aakalain na namalik-mata lang ako, subalit kung tititigan ng mabuti ay makikita na kalahati lang ng kaliwang mata ng batang nakatayo ang may pulang tinta.

Taming the VampireStories to obsess over. Discover now