SIDE STORY FIFTEEN

14 0 0
                                        

M I L L E R

Niyakap ko si Axel sa sandali na nakita ko siya. Walang pasabi akong nag-teleport sa tapat niya. May bitbit siyang karton na muntik pa niyang maibagsak dahil sa padalos-dalos kong pagyakap sa kanya.

Marahil ay nagtataka siya sa kinikilos ko kay ay tinanong niya ako ng, "What's wrong with you? You look freaked out."

Inilapag niya muna ang bitbit na karton saka hinawakan ang noo ko na para bang pina pakiramdaman ang temperatura ko. Nagmistulang tuloy akong may lagnat nito. Pero alam ko naman na binibiro niya lang ako. I never had a fever since I became a vampire. But that doesn't mean na hindi nagkakasakit ang mga bampira. Matibay lang talaga ang resistensya nila.

Inabot ko ang kamay ni Axel na nasa noo ko. I held it tightly at mahinang sinabi sa kanya na, "Bigla ka na lang nawala."

"Nawala?" He cleared his throat. "Why would I go missing? Carlos and Sabina just brought me to the spring to wash off the remaining ambrosia in my body."

Nagtungo naman sa dalawang tao na nasa likod niya ang direksyon ng mga mata ko. At doon ko pa lang napansin na may dalang timba si Carlos kung saan nakasilid ang mga gamit panligo. Basa rin ang ibabang bahagi ng katawan nilang mag-asawa.

"Oh. Akala ko naman kung saan ka n— wait. What? They washed off the ambrosia in your body?"

Napatitig ulit ako sa dalawa, mula ulo hanggang paa.

Ang sabi ni Axel ambrosia daw ang inalis nila sa katawan niya. Eh, paano 'yun matatanggal sa pamamagitan ng pagligo kung nasa loob ng kan–

"Oops. Oops! Darling, darling. Huwag mo munang papuntahin kung saan-saan 'yang imagination mo. Nope. No. Definitely no."

"Ano? Wala pa nga akong sinasabi."

Lumingon lang ng bahagya sa direksyon ni Carlos si Axel, at agad na itong umabante tapos ay nagsimulang magpaliwanag.

"Hindi karaniwan sa mundong ito ang tubig sa bukal namin. May kakayahan itong balansehin ang malalakas na pwersa sa katawan ng isang nilalang." At dahil nagmula lang sa proseso ng ambrosia si Axel ay puno rin nito ang kanyang katawan. Hindi raw balanse ang mga pwersa at elemento sa kanyang katawan. Makakasama ito sa bata kung hindi maagapan. Kaya naman naging bahagi na ng kabuuang ritwal ang pagligo sa bukal na iyon para masiguro ang kalusugan ng mag-ina.

I've been around with the beast men for more than a week subalit hindi pa rin ako masanay-sanay. Hindi kasi sila kagaya ng mga bampira na anyong tao lang din. The beast men are literally half-animal and half-human. At ang makasama sila sa isang komunidad ay nagbibigay sa akin ng fantasy movie setting na pakiramdam, which is quite inappropriate since they are the real thing.

Pagkatapos nilang magpaliwanag ay bumalik na kami sa talasius para ilagay ang mga kagamitan na kailangan mamayang gabi.

"Para saan ito?" tanong ko kay Axel.

Iniwan na kami ng mag-asawa dahil kailangan na naman nilang maghanda ng tanghalian. There will be an afternoon feast bilang pagdiriwang daw sa kataika, o mas kilala rin sa salitang Ingles na consummation.

Nagkibit-balikat lang si Axel nang makita ang bitbit kong kulay gintong ugat.

"I have no idea at all. I only brought this because they told me to do so."

"Hindi ba nila sinabi sa'yo kung para saan ang mga 'to?"

"They did, but my world was spinning and their words were unclear when they told me the purpose of these things. I was still high in ambrosia, so I never got to understand a thing."

Taming the VampireStories to obsess over. Discover now