M I L L E R
"The beast men live in a forest mountain that is said to be haunted. Pero syempre gawa-gawa lang nila 'yun para takutin ang mga mortal. Lumayo sila at hindi abusuhin ang kagubatan," panimulang kwento ni Axel.
"Talaga? Kung ganun, ano ang itsura nila? May mga sungay ba sila? Ah! Malalaki rin ba silang bulas? May mga buntot o-or mabalahibo?"
"Err, yeah," he reluctantly replied. "There are certainly some that have horns, and are big in size. Majority of them have tails and furs. They are half animals after all."
Hindi agad nagawa ni Axel ang hiningi niyang long break. Since he also had to have a day off that day for the twin's party. He had a mountain of work waiting in his office. Kaya naman kailangan niya munang tapusin ang naiwan niyang mga trabaho sa loob ng tatlong araw.
He sure likes what he's doing dahil bilang may-ari ng kumpanya pwede naman niyang ibigay sa iba ang mga gawain. But I guess there were projects that he really wanted to have so he worked it out personally.
"I liked their bags. I really want a partnership with them." Ito ang sabi niya sa akin nung isang beses na may niligawan silang kumpanya ng designer's bags para sa isang modelo ng Axellerate.
He was in a working mode and didn't want to hand it over to someone else to make sure they got the deal. Ilang beses pa nga niya itong ikinuwento sa akin that's why I can't forget about it until now.
Pero ngayon ay tila ba bumalik kami sa mga panahon na hindi pa siya aktibo para sa Axellerate. The talks about endorsements and promotions, and his artists' images are replaced with questions about the beast men society. Mabuti na lang at walang kapaguran niya rin akong sinasagot.
"Woah. So, are there beast men among humans? May kilala ka ba na nasa syudad ngayon?"
"Hmm... I know one, but that was about half a century ago. He was a cat. And someone used to live in our mansion, but he's no longer in the city."
"Oh. So, the one who's still in the city, is he a cat type beast man?"
"No... But also, yes."
Ipinaliwanag ni Axel sa akin kung ano ang mga beast man. Those creatures are just like the animals, medyo mababang uri nga lang ang mga hayop. Kagaya ng mga bampira na nagmula sa mga paniki, ang mga beastmen ay nagmula rin sa hayop. The difference is that they came from a whole class, and that is the class mammalia. Ang pinagkaiba nga lang ng mga ito is that their appearances is a literal combination of human beings and mammals. May mga kalahating pusa, aso, oso, kuneho at marami pang iba. Sing laki at sing tangkad nila ang mga tao, subalit may mga tenga sila na kahalintulad ng kingdom nila.
It's beast men's term. Kingdom ang tawag nila sa mga species ng hayop. Canis para sa mga aso, felis sa mga pusa, ursus naman ang mga oso, oryctolagus ang mga kuneho, at marami pang klase ng kingdom na nasa listahan.
Chiroptera ang tawag sa kingdom ng kalahating tao at kalahating paniki. Since bats are also mammals. But instead of having the exact appearance like the vampires, they have wings of a bat and their animal abilities. Hindi uso sa kanila ang fast healing at longer life span.
"They have many, many differences with us. Vampires and beast men are completely different creatures even if we have the same ancestors."
Ayon sa paglalarawan ni Axel, hindi naman nabigo ang imahinasyon ko pagdating sa anyo ng mga ito.
"They have the stereotypical appearance you would imagine about beast men. Except the scary fangs and sharp claws. They do have that but they don't use those to hurt others. They are civilized creatures." Paliwanag ni Axel na agad naman niyang dinagdagan ng, "Yet, they are still half-human and half-animal so there are times that they are controlled by their animal instincts. Can you guess when it is?"
"In a full moon?"
He smiled and formed a check with his finger. "Correct!"
Nagpatuloy si Axel sa pagkukwento, nabanggit niya ang tungkol sa kakayahan ng mga ito na magbago ng anyo. A beastman from kingdom canis can transform into a dog, and so can the other beastmen of another kingdom.
"The man I met half a century ago was a friend's family cat. Mas komportable siya sa anyong hayop niya dahil hindi niya na kailangan na makipag-usap sa iba. He's also an introvert."
A beastman for a family cat? Woah. Ang weird lang. Especially knowing that they can understand human speech even in their animal form.
"Uh, tao ba ang pamilyang nag-aalaga sa kanya?"
"Yup. He also loved the family. It was the main reason why he chose to stay." Nagbuntong-hininga si Axel, "... and a few years– uhm, mga 20 years ata o mahigit? It's only a few years for a vampire's life but within those years, my cat friend died. Mahaba na ito para sa mga normal na hayop. 20 years and above is the beast men's lifespan in their animal form while in their actual form, they can live pretty much the same as humans. But that friend of mine chose to spend his whole life with that human family."
A lifespan the same as humans, huh. Does it mean that they can live 80 to 100 years old? At kung suswertehin ay baka mabuhay pa sila ng higit isang-daan. This normal lifespan is the main force that drove the beastmen to innovate.
Isa sila sa mga unang nilalang sa mundo, pero sa mga panahon na iyon, sa bagal nilang magparami, ramdam na ng kanilang lahi na sila rin ang mauuna na mauubos sa mundo. At sa pagdaan ng panahon, napansin nila ang pagbabago ng pananaw ng kanilang lahi. May mga beastman na natutong magpakatotoo.
"LGBT also exists in their society."
"Naisip ba nila na sayang?"
"Maybe..." Axel chuckled as if he realized something. Tumingin siya sa akin ng nakangiti. At sa pagkakataon na ito ay sigurado na siyang tumango. "Malamang. Naisip nila na sayang. Love is love anyway. No matter what or who the person is. Beast men are peaceful beings. They only want to be one with nature as it is how their animal instincts work. So, they easily accepted the changes and made something— they innovate out of it."
The way Axel tells me dinig ko sa tono ng pananalita ni Axel ang galak. Para ba na ang bawat mga salita ay iniingatan ng kanyang dila bago binulalas ng kanyang bibig. Idagdag pa ang manipis ngunit masayang ngiti sa kanyang mukha. Puno rin nito ang kanyang mga mata na bahagyang kumukurba.
Kapansin-pansin ang mga detalyeng ito sa gilid ng kanyang mukha. Hindi nagtagal ay lumingon na rin siya sa wakas sa direksyon ko.
"What? Do you have anything else to ask?" aniya.
Nginitian ko rin siya bago sumagot. "Paano naging posible ang pagbubuntis ng isang lalaki? Anong proseso...?"
Now that I think about it I might have sounded a little mistrustful. Mali ata ang binitawan kong tanong.
Pero kahit ito ang palagay ko ay tila ba wala namang napansin na mali sa tono ng pananalita ko o sa mismong tanong si Axel. Kagaya ng sa buong biyahe ay mahinahon pa rin niya akong sinagot.
"That... I don't know. Mateo and I only knew that they have the way but we are not equipped with the knowledge on how or what's the process. If we continue to pursue it, it will also be the first time for me."
"Malapit na po tayo," banggit ng driver namin.
Sa sandaling narinig ko ito ay agad naman akong napasilip sa labas ng bintana. Pumarada ang sasakyan sa daan na pinalilibutan ng matayog na mga pine tree. Nasa tapat kami ng isang lumang entrada na gawa sa kahoy. May mga kalmot at sira-sira na ang mga haligi nito. Ngunit malamang dahil sa laki ng kahoy ay nanatili pa rin itong nakatindig.
"Ito na ba ang lugar?"
Umiling-iling si Axel. "Nope. Entrance pa lang ito. It's like the first gate. Maglalakad pa tayo papasok."
"Hindi ba makakapasok ang sasakyan?" tanong ko lalo na at mukhang kasya pa naman ang sasakyan namin sa daan.
"Makakapasok pa po, sir," tugon ng driver sabay lingon kay Axel.
"But the chieftain might mistake us for hunters if we use noisy vehicles," dagdag na paliwanag niya.
YOU ARE READING
Taming the Vampire
VampireMiller grew up privileged. Mayaman at iginagalang ang kanyang mga magulang, gayunpaman, nagbago ang lahat nang malugi ang kumpanya ng kanyang ama. Worse, his mother died. When the course of his luxurious life suddenly maneuvers to downfall Miller re...
