04: BASTI (Roni Salcedo POV.)

256 25 0
                                    






Nandito pa ako ngayon sa loob ng kwarto ko, kakatapos ko lang basahin ang buong pahina ng libro kahapon. Hindi ako nakatulog ng mabuti dahil doon.

Napatingin ako sa cellphone ko na katabi nito ang libro.

Marami nga akong natutunan sa librong iyon.

Kinuha ko yung libro.

"Dahil sayo, hindi ako nakatulog ng maaga!"

Agad namang tumunog ang cellphone ko at hudyat iyong nang pag-alarm.

Alas-siyete punto na. Ginulo ko muna yung buhok ko at dali dali na akong lumabas sa kwarto.

Paglabas ko, nakita ko sa dining area sila mommy kaya lumapit ko.

"Goodmorning Roni!" Bati ni mommy sa akin.

I smiled a bit at umupo ako kasabay nila saka kumain.

"Anyway, wala ba kayong gagawin ngayon?" Tanong ni daddy.

Sabado ngayon at wala kaming gagawin.

"Wala po." Sagot naman ni kuya.

"Edi... Kung ganon... maglilinis nalang tayo dito sa bahay" Ngiting sabi naman ni daddy sa amin.

"Po? Ay! Tama! May gagawin pa pala kami ni Borj ngayon." Pagiiba naman ni kuya nung marinig niya ang sinabi ni daddy.

"Yuan, kailangan nating linisin muna ang buong bahay bago ka gumala." Sabi pa ni daddy sa kanya.

"Ha? Si Roni nalang po." Pagpasa niya sa akin.

"Ano ka? Dapat tumulong ka din!" Marahas kong sabi.

"O sige, si Roni nalang dito sa bahay. Ikaw naman Yuan, samahan mo ako doon sa talyer." Sabi ni daddy.

"Ha? Ako lang mag-isa dito sa bahay? Eh, ang lawak dito eh!" Reklamo ko.

"Ganito nalang. Para walang gulo, kayo nalang dalawa mag-lilinis dito sa bahay at kami nalang ng daddy nyo doon sa talyer tutulungan ko siya." Sabi pa ni mommy sa amin.

"Wala ka bang tuturuan ngayon?" Baghagyang tanong ni daddy kay mommy.

Umiling naman agad si mommy.

"Wala. Last na iyong kahapon." Sagot niya.

"Ahh sige. Kayo nalang dalawa ni Roni dito Yuan." Ani ni daddy.

"Tss. Si Roni nalang po dito daddy. May gagawin-"

"Sige na Yuan." Mommy cut him off. "Pagkatapos niyong maglinis, saka ka na pumunta kay Borj."

Wala naman kaming nagawa kungdi pumayag nalang.

Pagkatapos kumain ay nagligpit muna ako ng mga pinggan bago naligo. Lumabas na sila mommy papuntang talyer, kami nalang ni kuya ang naiwan dito sa loob.

"Sa labas muna 'ko ah? Bisbisan ko lang yung mga halaman." Pag-paalam ni kuya sa akin saka siya lumabas sa bahay.

Ako naman, nagsimula na akong mag-linis sa loob.

Abala ako sa paglilinis dito sa buong sulok ng kusina. Mejo matagal na din kasing hindi nalilinis kaya sobrang kapal na nung mga maiitim na duming nakadikit.

Kumuha ako nang isa malapad na kahoy para tanggalin ang makidikit na dumi sa sahig. Idinidiin ko ang pag mop ko sa sahig para matanggal ito at nilagyan ko nang konting sabon.

Pagkatapos, pinunasan ko na ito ng tuyong basahan.

Natapos na din yung paglilinis ko dito sa loob ngunit si kuya naman nandoon parin sa labas. Lumabas ako para tingnan kung ano naman ang ginagawa niya doon! Bakit hindi niya ako tinutulungan dito!

MORE THAN FRIENDS [Season 01]Where stories live. Discover now