Nandito ako ngayon sa school hawak ko ang librong hiniram ko nung nakaraan. Isasauli ko na ito ngayon doon sa library. Naglakad ako papunta doon. Si Jelai naman, nandoon lang siya sa classroom namin. Wala kaming teacher kaya lumabas muna ako.
Malapit na akong makarating sa library. Nang makarating na ako, pumasok agad ako.
Pumunta ako sa librarian para ibalik na ito.
Kinuha ko muna yung bag ko para kunin yung library card ko. Pero nagulat ako. Nawawala ito. Ha? Saan ko ba nilagay yon?
"Asan yung library card mo?" Tanong sa akin.
"Ha? Ah...saan nga ba yon?" Nag-iisip ako. "Teka lang po ah?"
Umalis muna ako sa pwesto ko at lumipat sa kabila. Tinawagan ko si Jelai.
"Hello? Jelai?" Sabi ko.
"Oh, bakit?" Sagot naman niya.
"Nakita mo ba yung library card ko? Kailangan ko kasi yon eh." Tanong ko sa kanya.
"Ha? Wala eh." Sagot niya.
"Pwede mo bang tingnan sa bag mo? Please?" Pagpumilit ko sa kanya.
"Okay, sandali ah." Napahinto muna siya sa pag-salita at rinig ko na binuksan niya ang bag niya.
"Wala din sa loob ng bag ko Roni eh. Saan mo ba nilagay?" Tanong niya.
"Ewan ko nga Jelai eh. Nakalimutan ko. Paano na ito? Anong gagawin ko?" Nataranta kong sabi.
"Sabihin mo nalang na nawawala yung card mo." Sabi naman ni Jelai.
Napatingin uli ako sa librarian
"Sige. Salamat." Binaba ko na ang tawag ko.
Lumapit ako sa librarian. Saan ko ba kasi nilagay yung card na yon!
"Nawala po yung card ko." Nanlumo ako sa sinabi ko. Hindi ko talaga alam kung nasaan ang card na iyon.
Ngayon ko lang din napansin na nawawala ang card ko. Ang tanga mo talaga Roni.
"Tingnan mo uli" Nangungulit na sabi ng librarian.
Nakita ko ang pag-ismid ng ibang estudyante.
"Sorry po, wala talaga dito sa bag ko eh. Kahit tingnan nyo pa po."
Naghihimok ang attendant ng Lost and Found ng school library at inabot niya ang container na may lamang mga card. Lumabi ako. Kailangan kong mahanap ang card ko. Penalty ang naghihintay sa akin. Hindi pa ako makakapasok dito sa library. Makapasok man ako ay kailangan munang mag-declare ng loss. Lalakarin ko pa ang administration. Abalang katakot-takot wala akong panahon sa ganoong bagay.
"Sige, salamat nalang." Malungkot kong sabi sabay balik sa container, saka nakasimangot na lumabas sa library.
Bad trip talaga. Mahalaga sa akin ang library card. Dahil sa silid-aklatan ko lang nahahanap ang peace of mind. Sa library walang masyadong tao, may ilan man na tinitingnan ako, ngunit bawal ko namang pagsalitaan ng masama dahil bawal ang maingay. At sa library lang din ako malayang makapag basa ng mga gusto kong basahin.
Napaupo ako sa upuan sa gilid ng library at dismayadong kumamot sa ulo. Hawak ko parin ang nahiram ko na libro.
"Hi."
Hindi na kailangan na lingunin ko pa ang nagsalita dahil kilala ko na naman kung sino ang nag mamay-ari ng boses na iyon. Umikot bigla yung mata ko.
"Kumusta?"
Tanong ni Borj sa akin kahit hindi ko sinagot ang pagbati niya. Mapangahas pa siyang umupo sa tabi ko. "Bad mood ka ata" Sabi pa niya.
YOU ARE READING
MORE THAN FRIENDS [Season 01]
RandomAUTHOR'S POV. Sana po ay magustuhan ninyo ang kwentong ito. I cried while writing this. Sakit sa bangs, sakit pa sa dibdib. Kinailangan ko tuloy na madalas tumigil at magpahinga para huminga. *ang drama ko naman*. Isang pakiusap lang sa magbabasa ni...