Kanina pa ako nandito sa library. Nag chat kasi sa akin si Trisha na pumunta ako rito.
Hays ano kaya ang gagawin nila Roni sa faculty office? May ginawa ba siyang kasalanan? Kanina pa talaga ako nag-iisip tungkol sa kanya. Baka mamaya, may ginawa na naman sila Nelia kay Roni kaya pinatawag siya sa faculty office. Nakakairita talaga 'yang si Nelia!
"Huy! Kanina kapa nag-iisip ah?" Isang boses ang narinig ko na nasa bandang gilid ko. Nakita ko si Trisha. Sa pag-iisip ko, hindi ko namalayang nandiyan na pala siya.
May dala siyang mga libro at agad naman niya iyong inilapag sa mesa kung saan ako nakapwesto saka siya umupo pagitan ko.
"Sino iniisip mo?" Ngumiti siya sa akin saka binaling ang mukha sa libro at binuklat iyon.
"Si Roni." Diretsong sagot ko.
Patango-tango siyang sumang-ayon. "Ahhh"
"Oo."
"Nakita ko siya kanina. Actually, papunta na siya sa room namin. Galing sila sa faculty office." Sabi niya.
"Eh, alam mo ba kung bakit sila pumunta doon?" Tanong ko.
"Hindi eh." Umiling siya. "Kakalabas ko lang din kasi. Nagkasalubong lang kami."
"Ah" tango kong saad.
"At bakit ba nag-aalala ka riyan?" Tanong niya at agad akong napailing.
"Wala wala. Anyway, mag-aral na tayo." Agap ko.
Ngumiti naman siya. "Sus! Nagkukunwari ka pa Borj. Alam ko naman eh. Huwag ka na mahiya sa akin." Pangiti-ngiting sabi niya
"Ang alin?"
"Na crush mo si Roni." Ngumiti siya. "Alam mo kasi, halata ko na talaga noon pa" Tumawa siya.
I sighed. Alam na pala ni Trisha na may gusto ako sa kanya? Talaga bang ganoon lang kadaling mahalata iyon?
"So, alam mo?" I asked.
"Yes!" Diretsong sagot niya. "I feel it. Halata naman."
"A-hm...sino pa ang nakakaalam maliban sa'yo?" Tanong ko.
Nilingon niya ako. "I guess....si Roni?"
Fuck! Oo nga si Roni! Pero, sinabi ba ni Roni sa kanya?
"Maliban kay Roni?"
"Ahmm....si Jelai siguro?" Tumawa siya. "Ano ka ba. Bakit mo ba natanong?"
"Kasi hindi pwedeng malaman ni Yuan." Saad ko.
Napatigil siya at humarap sa akin. "Hindi alam ni Yuan?"
Tumango ako. "Hindi pa niya alam, sa ngayon."
Tumawa siya at bahagyang ngumiti. "Naks! Low-key pala kayo!" Asar niya sa akin.
"Shhh 'wag ka maingay!" Agap ko.
"No, seriously, okay lang 'yan. Lahat naman tayo may secrets eh." Ngiting sabi niya.
"Oh, ano naman ang secret mo?" Saad ko.
Ngumiti siya sa akin. "Sasabihin ko sa'yo pero, promise mo na hindi mo rin ipagsasabi."
Inangat ko ang isang kanang kamay ko. "Promise. Ano ba iyon?"
Ngumisi siya. "Wala akong balak sabihin." Patawa-tawang sabi niya.
I frowned. "Ano ba 'yan. Nag promise na ako eh."
"Joke lang." Lumapit siya sa akin. "Si Yuan..." Bulong niya.
"Ha? Oh, ano kay Yuan?" Bulong ko din.
"Crush ko siya!" Bulong niya pabalik.
YOU ARE READING
MORE THAN FRIENDS [Season 01]
AcakAUTHOR'S POV. Sana po ay magustuhan ninyo ang kwentong ito. I cried while writing this. Sakit sa bangs, sakit pa sa dibdib. Kinailangan ko tuloy na madalas tumigil at magpahinga para huminga. *ang drama ko naman*. Isang pakiusap lang sa magbabasa ni...