Umagang umaga na nang makita ko ang isang malaking kulungan na nandito sa labas ng bahay namin.
Nang makita ko ito kanina, nagulat talaga ako kasi may nakita akong white rabbit sa loob. Kanino naman ang rabbit na ito?!
Maaga akong nagising at gan'on din si Lolo at si Tonsi. Naligo na siya sa banyo ngayon kasi pupuntahan niya raw si Roni.
Ganito kaaga pupunta siya kay Roni?? Hindi pwede na nandoon siya baka magalit pa si Yuan sa kanya! Hindi ko pa naman nasabi sa kanya na sinabi ko kay Yuan ang totoo.
Nandito lang ako at nakamasid ako sa isang rabbit na kumakain ng carrot sa harapan ko.
Siguro si Tonsi ang bumili nito para kay Roni. Bakit nga kaya hindi ko naisipan na bilhan si Roni ng rabbit noon? Eh di sana hindi na bibili si Tonsi ngayon 'diba? Hays! Wala talaga akong isip!
"Borj, pupunta ka ba ila Yuan ngayon?" Tanong ni Lolo sa akin.
"Uhmm, siguro po." Sagot ko.
"Anong siguro lang? Pumunta ka na doon ako na magbabantay sa bilyaran mo." Ngumiti si Lolo sa akin.
Tumango ako. "uhmmm, sige po."
I sighed. Namimiss ko na rin si Roni. Kamusta na kaya siya? Hindi na ako nakapunta sa kanila kahapon, sana okay lang siya..
"Kuya, sama ka na sa akin!" Anyaya sa akin ni Tonsi nang makalabas na siya sa banyo.
"Nga pala Tonsi, pwede mo bang samahan ang Lola mo mamaya na bumili ng gulay sa palengke?" Sabi ni Lolo kay Tonsi.
Tumango si Tonsi. "Sure, Lolo." Tanging sagot niya.
"Ah sige sige. Alis na muna ako." Pa-alam ni Lolo sa amin bago umalis sa bahay.
Tiningnan ako ni Tonsi. "Sasama kaba Kuya? Pupunta ako ila Roni ngayon."
"Ah, oo pupunta ako." Ani ko. Tumingin ako sa rabbit. "Binili mo ito?"
"Yeah." Napahawak siya sa ulo niya. "Maganda ba?" Tanong niya.
"Huh?"
"I mean, okay ba para sa'yo?" Tanong niya pabalik.
Tumango lang ako. "Oo naman."
"Naks! For Roni 'yan. I r-regalo ko sa kanya.' Ngiting sabi niya. "Hope she will like it."
"Sure! Favorite niya iyan eh. Sana pala, bumili nalang din ako nang ganyan para sa kanya." Sabi ko naman.
"Really? I think, hindi na niya matatanggap 'yong sa'yo kasi meron na sa akin eh." Sagot pa niya.
Tsk. Yabang yabang mo naman, kung hindi lang kita kapatid siguro mananahimik ka nalang.
"Well, tingnan lang natin kung sino nga talaga ang pipiliin ni Roni." Maangas kong sabi.
"What do you mean?"
"I mean, sa rabbit 'yon." Ani ko.
"Huh?" Kumunot ang noo niya. "So, bibili ka rin for her?"
Umiling ako. "Hindi na Tonsi. Kunwari lang 'yon."
Tumango siya. "Ahh" he chuckled. "Ikaw talaga Kuya! Anyway, let's go?" Anyaya niya.
Lumapit siya sa akin at kinuha niya iyong kulungan na may rabbit at binitbit niya iyon.
Naglakad siya paalis sa pwesto ko. Mariin ko siyang tiningnan at nagbuga ako nang malalim na hininga bago siya sinundan.
"Kuya, ano pa ang mga hilig ni Roni? I need to know." Tanong niya sa akin habang naglalakad kami papunta sa bahay nila Yuan.
"Alam mo Tonsi, para sa akin kasi, bakit hindi mo nalang itanong kay Roni ang mga hilig niya?" Tanong ko pabalik. Nakatingin lang ako sa kalsada habang naglalakad.
YOU ARE READING
MORE THAN FRIENDS [Season 01]
RandomAUTHOR'S POV. Sana po ay magustuhan ninyo ang kwentong ito. I cried while writing this. Sakit sa bangs, sakit pa sa dibdib. Kinailangan ko tuloy na madalas tumigil at magpahinga para huminga. *ang drama ko naman*. Isang pakiusap lang sa magbabasa ni...