29: PAG-AARAL (Roni Salcedo POV)

149 16 0
                                    

"Nasaan na ba si Borj?" Tanong ni kuya. Actually kanina pa siya naghahanap kay Borj.

"Oo nga, nasaan na ba siya?" Tanong naman din sa amin ni Empoy.

Kanina pa sila inip na inip kakaantay kay Borj rito sa canteen. Pati ako, hinihintay ko rin siya! Lunchtime na ngayon ah? Akala ko ba sabay na kaming mag-lunch? Bakit ngayon parang wala pa siya?!

"Eh baka, nag-aaral pa sila ni Trisha ngayon?" Sabi ko sa kanila.

"Ang tagal naman? May assignment kami ngayon no. Pwede naman ipagpaliban 'yon." Iritang sabi ni kuya.

"Eh bakit sila mag-aaral ni Trisha? Tutulungan ba siya ni Trisha sa assignment natin?" Tanong ni Nico sa kanya.

Ano? May assignment pala si Borj? Bakit hindi niya sinabi kanina. Ang sabi niya wala! Nagsisinungaling pa siya!

"Alam nyo, hayaan nyo na muna iyon." Agap ko sa walang ka emosyong boses.

"Hayaan? Eh gagawin namin assignment namin ngayon eh." Ani kuya.

"Oo nga, napapansin ko rin sa kanya. Lagi nalang si Trisha eh, baka naman mamaya may something na sa kanila." Sabi pa ni Empoy

"Alam nyo, kayo ha Roni. Pagsabihan nyo nga yang si Trisha. 'yong grades ni Borj, naapektuhan na naman. Kilala nyo si Borj di 'ba?" Sabi ni kuya sa amin.

"Eto kasing si Roni eh." Sabi pa ni Jelai tila parang kinakampihan pa niya si Kuya.

"Bakit, si Roni ba may kasalanan?" Tanong ni Empoy.

"Hoy! Anong ako Jelai?" Tiningnan ko si Jelai.

"Eh kasi......."

"Alam mo Roni, ang dami mong alam. Bakit hindi mo nalang hanapin si Borj? Tingnan mo nga kung nandoon ba siya sa classroom niyo." Sabi ni Kuya.

"Ano? Bakit ako?" Sabi ko.

"May gagawin kaming assignments dito sa canteen. Sige na." Utos niya sa akin.

"Tara Roni, samahan kita." Aya naman ni Jelai sa akin.

"Pag nakita n'yo, sabihin nyo nandito kami, okay?" Sabi pa ni Kuya.

Tumayo naman kami ni Jelai para hanapin nga si Borj. Gusto ko rin siyang puntahan at hanapin!

"Hoy Jelai, bakit mo ako dinamay kanina?" Ani ko habang naglalakad kami.

"Kasi dapat sabihin mo na kay Trisha na crush mo si Borj. Alam mo, pati si Yuan nagtataka na sa kanina eh." Sabi ni Jelai.

"Alam mo? Wala akong balak sabihin kay Trisha. Ayokong malaman ni kuya iyon. At isa pa, narinig mo naman kanina di ba? Sabi ni Borj, wala raw siyang assignment, tapos sabi naman ni Kuya meron. Ibig sabihin, nagsisinungaling siya sa 'kin." Irita kong sabi.

Pumasok kami ni Jelai sa loob ng room na nilibot namin ang paningin. Similip ako sa mga aisle pero wala sila Borj. Wala sa buong first floor ang dalawa kaya umakyat ako sa second floor. Wala rin sila dito.

Naisipan ko na i-text nalang siya.

Me:
Borjingg, nasaan ka?

Hinayaan ko muna iyon, hindi pa siya nakapag reply kaya naghahanap muna kami ni Jelai. Maya Maya pa, tumunog ang cellphone ko.

Borjingg:
nasa library, nag-aaral.

Napakunot noo naman ako sa reply niya. Oo nga pala! Pupunta siya sa library, bakit ngayon ko pa naalala? Nag-paalam nga pala siya kanina sa akin! Nakakainis! Nakalimutan ko pa agad! Nilingon ko si Jelai.

"Nandoon nga pala sa library siya no?."  Sabi ko sa kanya.

"Ay oo nga pala! Sabi niya kanina!" Sabi niya.

MORE THAN FRIENDS [Season 01]Where stories live. Discover now