Ang cute ni Borj kanina, hindi niya lang alam na sobrang p at kinikilig ako sa mga sinasabi niya! Grabeng pamumula ang natama ko kanina. Parang bata talaga siya! Nang-aasar pa eh. Buti nalang talaga at dumating si Kuya dahil kung hindi, hindi ko alam kung mamamatay ba ako kakatawa pag nasa harapan ko siya.
Ang saya sa feeling na nasabi ko sa kanya na may gusto ako sa kanya. Masaya rin ako kanina na binigyan ako ni Tonsi ng rabbit. Paboritong hayop ko kasi iyon! Sobrang saya ko para magpasalamat sa kanya. Hindi ko rin naman matatanggihan 'yon, ang cute rin ng pangalan eh.
"Ang cute cute mo talaga Boni!" Para akong tanga na kinakausap ang rabbit na nasa harapan ko ngayon.
mula dito sa loob ng bahay namin, nakarinig ako ng isang kotseng pumarada mula sa labas.
Binalewala ko lang iyon dahil ang alam ko naman ay customer lang ni Daddy iyon binaling ko na ang attention ko sa rabbit na kinakausap ko kanina.
"Ano Boni, sa tingin mo ba, magagawa—"
"Good morning po"
Napatigil ako dahil sa isang boses na narinig ko sa labas ng bahay namin. Tila familiar rin ang boses niya para sa akin. Boses ng isang babae.
"Oh, ano ipapagawa mo, Ma'am?" Rinig kong tanong ni Daddy.
"Wala naman po. Ahm, nandiyan po ba si Roni?"
Narinig ko ang pangalan ko kaya napa-angat ang ulo ko. Sino naman iyon?
"Roni! May naghahanap sa'yo." Tawag ni Mommy sa akin mula sa labas.
Agad naman akong napatayo para lapitan sila sa labas.
Nang makalabas ako, gan'on nalang ang ngiti ko nang makita ko si Trisha.
"Trisha!" Ngiting bati ko at tumakbo ako papunta sa pwesto niya.
"Hi, Roni!" Ngiting bati naman niya.
"Anong kailangan mo kay Roni?" Tanong ni Daddy sa kanya .
"Ahm, ako po si Trisha, kaibigan po ako ni Roni." Pagpakilala ni Trisha sa sarili. "Nandito po ako kasi may kailangan ako."
"Classmate ko po kasi siya." Agap ko.
"Ahh"
"Pwede ko po bang makausap si Roni?" Tanong ni Trisha.
Nakakatuwa talaga buti naman bumisita siya dito. At ano kaya ang kailangan niya??
"Sige lang, doon kayo sa loob." Sagot ni Mommy.
Ngumiti si Trisha sa akin at lumapit siya. Hinawakan niya ang kamay ko.
"Tara, pasok ka!" Anyaya ko.
Pumasok kami sa loob at pinaupo ko siya sa sofa namin sa sala. Kumuha rin ako ng juice sa ref namin at binigay ko sa kanya.
"Thanks."
"Kamusta Trish?" I asked.
"Eto, mabuti naman." Ngiting sagot niya. "Kayo ba?"
"We're fine tho." Sagot ko. "Ahm, medyo namiss ko kakulitan mo ah!" Asar ko.
"Sus! Ako nga rin eh, namiss ko na rin kayo!" Asar niya pabalik sa akin. Napatawa naman ako.
"Anyway, sila Jelai ba, nasaan?" Tanong niya.
"Ewan ko eh. Hindi naman pumunta sila Jelai rito ngayon. Oh, bakit ka pala napadalaw? Ano ang kailangan mo?" Sagot ko.
"Uhm, pwede bang makausap ko kayong lahat?"
"Kaming lahat?"
"Yeah. " Sagot niya. "Urgent kasi ito eh. Kailangan ko kayong makausap lahat."
YOU ARE READING
MORE THAN FRIENDS [Season 01]
RandomAUTHOR'S POV. Sana po ay magustuhan ninyo ang kwentong ito. I cried while writing this. Sakit sa bangs, sakit pa sa dibdib. Kinailangan ko tuloy na madalas tumigil at magpahinga para huminga. *ang drama ko naman*. Isang pakiusap lang sa magbabasa ni...