"hulog na hulog ka no?" Si Jelai habang nagbabasa ng kung ano sa notebook niya.
Nasa loob kami ng kwarto niya, nag-kwe-kwentuhan kami tungkol sa mga nangyari kagabi.
"Ano pa ang mga sinabi niya sa 'yo?"
Bahagya akong napangiti. Hindi ko kasi sinabi sa kanya ang mga sinabi ni Borj sa akin kagabi.
"Ang cute niya Jelai! Grabe! Ang pogi niya malasing kagabi!!" Kilig kong tili.
"Sus!! Nagkukunwari kapa ah, alam ko naman na may ginawa ka sa kanya kagabi!"
Mabilis ang paghampas ko sa balikat niya, napaaray siya sa malakas na pag palo ko.
"Wala ah!"
Kagabi matagal pa talaga akong natulala dahil sa ulo ni Borj sa balikat ko. It was one of the most peaceful nights I'd ever had. For several minutes, I did not move. Antok na antok si Borj sa oras na iyon at nararamdamam ko ang bawat paghinga niya habang natutulog siya sa balikat ko. Hindi ko rin inaasahan ang mga sinabi niya sa akin pero palihim naman akong napangiti pag naalala ko. Buti nalang talaga at sinundo kami ni Mommy kagabi dahil kung hindi, siguro doon kami sa bahay nila Borj natulog. Kaya ayon, pinagalitan ni Mommy si kuya. Kaya nga ako pumunta rito kay Jelai kasi ayoko na makita kung paano pagalitan si kuya ni Mommy kasi alam ko na aasarin lang niya ako tas sasabihin na naman niya na kasalanan ko kahit siya naman talaga.
"Arayy sis ah, joke lang eh." Agap niya.
"Alam mo ba kung ano ang nangyari kagabi?" Pagsusumbat ko sa kanya.
"Eh ano ba?" Agap niya.
"Secreeet!" Pangiti-ngiting sabi ko.
Nakita ko na parang nainis siya. "Hay nako Roni..Ewan ko sayo!
Napatawa nalang ako sa kanya.
"Oh, Ano ginawa kay Yuan?" Tanong niya sa akin.
"Pinagalitan siya ni Mommy. Kaya ayon, sabi ni Mommy, hindi na raw siya makakauwi pa pag inulit pa iyon." Sagot ko.
"Nako, kawawa naman." Asar niya. "Pero, di ba, legal na si Yuan? 18 na siya eh. Pwede na siyang uminom di ba?"
"Ano ka ba, hindi pa legal age 'yon. Pag 20 na siya, syempre pwede na siyang uminom sa edad na 'yon. Pero, hindi parin talaga papayagan ni Mommy yon. Ayaw kasi ni Mommy na magaya nalang si kuya sa mga lasengero sa tabi tabi, eh lalo na at mababa pala ang alcohol tolerance niya." Paliwanag ko.
"Sabagay hindi ko rin naman masisisi si Tita Marite." Ani Jelai.
"Di ba?"
"Pero alam mo, si JuJun rin pinagalitan rin siya ni Tita." Bulong niya
"Ha? Talaga?" Ani ko.
"Oo. Kaya ayon, hindi siya pwedeng lumabas sa bahay nila.." patawa-tawang sabi niya.
"Ha? Grabe naman iyon." Napangiwi ako. "Kawawa naman."
"Yon na nga eh. Sabi ko naman sa kanya, huwag na siyang uminom nang marami pero ayaw makinig." Sabi niya.
"Ewan ko rin sa mga lalaki no? Pag may alak sa harapan, hindi magagawang tumigil." Ani ko.
"Kaya nga eh, naawa nga ako kay JuJun kasi hindi siya pwedeng lumabas ngayon." Sabi niya.
Nakita ko ang isang malaking salamin sa kwarto ni Jelai at lumapit ako roon para tingnan ang sarili.
"Hay nako, hayaan mo muna 'yan si JuJun. Bukas makakalabas na rin 'yan. Ano Jelai, maganda ba ang suot ko ngayon?" Ngumiti ako sa salamin.
"Ano?"
"Maganda ba ako ngayon? Okay ba ang suot ko?" Pag-uulit ko at napangiti ako habang tinitingnan ang itshura ko.
YOU ARE READING
MORE THAN FRIENDS [Season 01]
RandomAUTHOR'S POV. Sana po ay magustuhan ninyo ang kwentong ito. I cried while writing this. Sakit sa bangs, sakit pa sa dibdib. Kinailangan ko tuloy na madalas tumigil at magpahinga para huminga. *ang drama ko naman*. Isang pakiusap lang sa magbabasa ni...