Hindi ako pumasok ngayon dahil pinapahinga ako ni Mommy dito sa bahay dahil may lagnat daw ako. Pero okay lang naman sa akin iyon. Gusto ko rin naman mag pahinga muna. Buti nalang at naibigay ko kay Jelai lahat kanina ang mga ingredients ko para dalhin sa school. Ngayon sana kami magluluto pero excuse ako kaya may grades parin ako. I sighed. Kung hindi lang sana ako nilalagnat ngayon, nagluluto na siguro ako ngayon.
Hawak ko ang cellphone ko kaya naramdaman ko agad nang may biglang nag text.
Jelai:
Roni, pagaling ka ah!Ngumiti ako sa nabasa ko, kumirot ang ulo ko at bahagyang sinapo ito.
Me:
thank you Jelai!!Jelai:
Welcome sis, para makapasok ka na agad.Napairap ako sa kanya bago nag reply.
Me:
Grabe ah, miss mo ako agad.Jelai:
Syempre naman, wala na akong makokopyahan.Napanguso ako at gusto ko siyang kurutin sa cellphone. Basta talaga si Jelai eh daming alam na asar sa akin.
Me:
asan si Borj?Natagalan bago siya nag reply kaya mejo nagtaka ako. Alam kong lunch time na ngayon kaya sigurado ako na wala nang klase.
Jelai:
hindi ko nakikita ngayon, baka kasama na naman si Trish?I rolled my eyes. Oo nga naman bakit ko naman siya hahanapin? baka kasama talaga niya ngayon si Trisha. Pero, may rehearsal si Trisha ngayon eh. Pero impossible rin na hindi niya kasama!
Habang mag t-text ulit sana ako sa kanya, bigla ko napansin ang chat ni Borj sa akin. 9+ unread messages. Ano kaya ito? Chat nya ba ito kahapon?
Agad ko naman itong binuksan.
Borjingg:
Roni, wag ka na tumuloy sa palengke. Ang lakas ng ulan eh baka mapano ka pa.Borjingg:
Roni, nasaan ka? Wala ka rito sa labas. pauwi na ako.Borjingg:
Naka uwi ka na? Chat moko pag nakarating ka na.Borjingg:
Roni, naka uwi na ako. Ikaw ba? sorry na—Hindi ko na pa tinapos na basahin ang iba. Nag chat pala siya sa akin kahapon, bakit hindi ko napansin?
Hays naiinis parin naman ako sa kanya hanggang ngayon eh. Nakakainis lang talaga kahapon kasi sa mga sinabi niya. Mas inuupa na niya si Trisha! Bahala siya sa buhay niya!
Nakita ko na lumabas si mommy sa bahay, tutulungan siguro niya si daddy sa labas narinig ko rin kasing may huminto na kotse. Customer siguro ni daddy.
I closed my eyes and tried to rest. Ni hindi man lang ako tin-next ni Borj. Siguro tama si Jelai busy siya kay Trisha. Baka iniaalo pa rin niya si Trisha.
With those bothersome thoughts. I managed to sleep.
Nagising nalang ako nang maramdamang may nagpupunas sa mukha ko ng malamig na twalya. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko inaasahang si mommy ang makikita ngunit para akong niloloko ng sarili ko dahil si Borj ang nakita ko.
Masakit ang ulo ko at mejo nagdidilim pa rin ang paningin ko kaya napapikit ulit ako.
He couldn't be here! May klase pa siya panigurado!Nang nabawi ay muli akong napamulat ng mata at nagulat ako na si Borj talaga ang nakita ko!
"B-borj?" Mahinang tanong ko dahil wala akong lakas.
Inilagay niya ang bimpo sa noo ko. "Magpahinga ka, Roni. Dito lang ako."
YOU ARE READING
MORE THAN FRIENDS [Season 01]
De TodoAUTHOR'S POV. Sana po ay magustuhan ninyo ang kwentong ito. I cried while writing this. Sakit sa bangs, sakit pa sa dibdib. Kinailangan ko tuloy na madalas tumigil at magpahinga para huminga. *ang drama ko naman*. Isang pakiusap lang sa magbabasa ni...