Naglakad ako ngayon papunta sa clubhouse. Nasaktan ako sa mga sinabi ni Basti kanina kay Roni. Lalo na yung sinabi niya na liligawan niya ulit si Roni. Hindi ko alam. Pero, biglang kumirot ang puso ko sa sakit. Nasasaktan ako kahit walang kami. Nasasaktan ako.
Gusto ko sanang tanungin kanina si Roni kung papayagan ba niya pero hindi naman niya sinasagot ang mga tanong ko. Bakit ba Roni? Bakit ba hindi mo makalimutan si Basti.
Inilagay ko ang dalawang kamay ko sa bulsa habang naglalakad. Nang biglang nasalubong ko si Jelai.
"Hi Borj! Galing ka ila Roni?" Tanong niya sa kin.
Napatingin ako sa kasama niya. Si Jun Jun. Ang pinsan ni Roni na matagal na ring nanliligaw kay Jelai.
"Oum." Walang ganang sagot ko.
"Ah, pupunta ba siya sa clubhouse ngayon?" Tanong niya ulit.
"Hindi ko alam." Sagot ko naman.
"Ahh sige, puntahan ko muna siya." Sagot naman niya.
"Saan ka pupunta pare?" Tanong ni Jun Jun sa akin.
Classmate ko na din sana itong si Jun Jun ngayon. Palibhasa tumigil siya sa pag-aaral niya at ang pinagkaabalahan nalang niya ay ang pagiging house boy. E pano ba naman mas pinili niya yung diskarte keysa sa diploma.
"Sa clubhouse." Sagot ko
"Ahh, sige sabay nalang din ako sayo." Ani niya.
"Ikaw bahala." Tugon ko.
"Eh, si Yuan ba? Hindi ba siya pupunta?" Tanong niya.
Umiling ako.
"Hindi eh. Galit pa kasi siya." Sagot ko. Nagtaka naman sila.
"Galit si Yuan? Kanino? Sayo?" Tanong ni Jelai sa akin
Napatawa ako. "Hindi. Dumating kasi si Basti kanina." Tanging sagot ko.
"Ha? Galit siya kay Basti? Bakit naman?" Tanong naman ni Jun Jun.
"Napansin ko rin kanina na dumaan yung kotse ni Basti nung papunta kami dito. Ano ba ginawa ni Basti bakit naman nagalit si Yuan?" Tanong ni Jelai.
Panay ang tanong nila sa akin.
Napasinghal ako saka nagsalita.
"Si Basti kasi may dalang sira sa ulo." Walang ganang sabi ko.
"Ha? Anong ibig mong sabihin?" Ani Jelai.
"Ahh gets ko na! Inasar niya si Yuan no?" Sabi pa ni Jun Jun.
Umiling ako. "Hindi. Nagalit kasi si Yuan sa kanya. Kasi sabi ni Basti, liligawan daw niya ulit si Roni. O diba sino ba naman kasi ang hindi magagalit don." Paliwanag ko sa kanila
"Ano! Ang kapal naman ng mukha ni Basti na manligaw ulit! Sinaktan nga niya yung kaibigan ko eh!" Galit na sabi naman ni Jelai sa akin.
"Oo nga naman. Pati ako magagalit din sa kanya." Ani pa ni Jun Jun
Galit silang nakatingin sa akin.
Agad ko namang tinaas ang dalawa kong kamay.
"Oh, wag kayo sakin magalit. Hindi naman ako si Basti." Sabi ko sabay tawa.
Natawa naman din sila
"Dapat lang pala na hindi na bumalik yang si Basti eh." Ani Jelai.
Nasasaktan nga din ako sa sinabi ni Basti eh. Pano pag ligawan niya ulit si Roni? Pano na ako? May nararamdaman din naman ako. Paano nalang. Mawawala na lahat? Hindi pwede. Sasaktan lang din naman ni Basti si Roni kung tutuusin.
YOU ARE READING
MORE THAN FRIENDS [Season 01]
RandomAUTHOR'S POV. Sana po ay magustuhan ninyo ang kwentong ito. I cried while writing this. Sakit sa bangs, sakit pa sa dibdib. Kinailangan ko tuloy na madalas tumigil at magpahinga para huminga. *ang drama ko naman*. Isang pakiusap lang sa magbabasa ni...