"Okay,"
walang ka ngiti-ngiting sagot ni Borj sa sinabi ko. "Actually, masaya akong marinig 'yan sa'yo. Hindi ko alam kung bakit ang sungit mo sa akin Roni. Pero walang kinalaman 'yon kung magkasama man tayo ngayon. Alam ko naman na hanggang kaibigan lang ang tingin mo sa akin. Pero huwag mo namang ipamukha sa 'kin na wala akong halaga sa iyo." He smiled.
"Anyway, masaya ako kasi sumama ka parin papunta rito sa restaurant. What I did for you today was sincere. Gusto ko lang talagang gumaan ang pakiramdam mo. Dahil parang gagaan din ang pakiramdam ko sa ginawa ko. Pero hindi pala. I'm sorry. Hindi ko na pala dapat sinunod ang instinct ko." Dugtong niya.
Pagkasabi niyon ay pinahid niya ng table napkin ang bibig saka muling tumingin sa akin. Hindi parin ako kumilos hangang sa makatayo siya.
"Thank you for the rudeness. Maiwan na kita," sabi niya at naglakad na palayo. Ngunit saglit din lamang muli siya bumalik sa harap ko. "Huwag mo nang bayaran ang mga 'yan. Kanina ko pa nabayaran 'yan."
Nanatiling nakaupo ako hanggang sa tuluyan na akong iwan ni Borj. Hindi ko magawang kumilos dahil parang may kung anong mabigat na bagay na bumagsak sa akin. Borj's eyes darkened. Alam ko na nasaktan siya sa mga sinabi ko kaya hindi na ako nagulat sa naging reaksiyon niya. Ngunit, bakit parang ako ang nasaktan? Parang gusto kong pagsisihan ang mga nasabi ko. Pakiramdam ko ay mali ang ginawa ko kay Borj. Mali yung mga sinabi ko! Hindi ko dapat sinabi ang mga iyon! Nadala lang ako ng galit ko. Bigla ko kasing naisipan si Basti nang makwento niya sa akin ang mga nangyayari sa clubhouse no'ng nakaraang araw.
Ano ka ba Roni, bakit mo sinabi kay Borj 'yon. Kilala mo naman si Borj di 'ba? Nakakahiya! Hindi mo dapat sinabi 'yon. Kay Basti ka nagagalit, hindi kay Borj!
Bakit ko ginawa 'yon? Bakit parang ganoon nalang iyon. Bakit parang ako pa ang nagmamataas gayong naging mabait naman sa akin si Borj?
Nagbaba ako ng tingin. Parang nanghina ako. Naisip ko na lang na sana ay natuluyan na lang ako nang sakalin ako ni Basti. Hindi nalang sana dumating si Borj. Hindi ko nalang sana sinaktan si Borj nang ganoon.
"Ma'am." Napaangat ang ulo ko nang marinig ang tinig ng waiter. Nakangiti ito sa akin. "Para po sa inyo"
Hindi ako kaagad nakahuma nang iabot sa akin ng waiter ang isang talutot ng red rose. Mahaba ang tangay niyon at malaki ang mismong bulaklak. Wala sa sariling napahawak ako sa ulo ko at tiningnan ang waiter.
"Ibinibigay po namin talaga ito sa female customers namin. Iyon pong mga first time na magpunta dito sa restaurant. Welcome gift na rin po ito sa mga kagaya n'yo." Nakangiting sabi ng waiter.
Tinanggap ko ang rose ngunit may inabot na naman uli sa akin ang waiter.
"P-para saan naman iyan?" Naitanong ko habang nakatingin sa isang puting card na hawak ng waiter.
"Dedication card po. Isusulat n'yo po dito kung ano'ng masasabi ninyo sa restaurant at service namin. Pagkatapos po ay ididikit po sa malaking cork board na nasa tabi ng counter." Sagot ng waiter.
Kinuha ko agad ang card. Binitawan ko ang rose saka tumayo. Lumapit ako sa counter at nanghiram ng ball pen saka nagsulat sa card.
Borj,
I'm really sorry. Na-gets na kita. Hindi ko lang maamin sa 'yo pero nag enjoy ako today. Thank you. Sana patawarin mo ako. Hindi ko sinasadya na sabihin 'yon. I promise, magiging mabait na ako sa'yo. Sorry..
-Roni Salcedo.
Matapos magsulat ay bingyan naman ako ng pin ng waiter at ako na mismo ang nagdikit sa board. May mga pictures para ng mga customer na minsan nang pumunta sa restaurant.
YOU ARE READING
MORE THAN FRIENDS [Season 01]
DiversosAUTHOR'S POV. Sana po ay magustuhan ninyo ang kwentong ito. I cried while writing this. Sakit sa bangs, sakit pa sa dibdib. Kinailangan ko tuloy na madalas tumigil at magpahinga para huminga. *ang drama ko naman*. Isang pakiusap lang sa magbabasa ni...