"Looking in your eyes I see the paradise, this world that i found is so good to be true. Standing here beside you, want so much to give you this love in my heart that I'm feeling for you..." Kanta ni Jelai habang sinasabayan ang pagtutug ng malaking speaker.
Kinuha ko ang bote ng tubig sa mesa at ginawa kong mic...
"Let them say we're crazy! Don't care about that! Put your hand in my hand. Baby, don't ever look back...Let the world around you,
Just fall apart..Baby, we can make if we're heart to heart..." Maingay kong kanta.Naramdaman ko ang pagbato sa akin ni JunJun ng stick kaya nilingon ko siya.
"Ang basher mo, JunJun!"
"Hindi ako basher, panget lang talaga boses mo." Matapos sabihin 'yon ay pumunta siya kay Borj na abala sa pagluluto sa gilid. Inikotan ko siya ng mata.
Dahil wala naman kaming ginagawa at sabado naman ngayon, naisipan namin na mag barbecue party sa bahay nila Borj.
Medyo masakit pa 'yong ulo ko sa mga nangyayari kahapon sa prom. Maraming nangyari kahapon, bukod sa mga sayawan nila, nakisali na rin 'yong kuya ni Trisha na maki-inom ila kuya ng wine. Hindi ko alam pero, buong gabi hindi naman ako nadatnan ng saya eh. Paano ba naman, habang nagsasayawan sila eh ako naman parang isang bata na laging nasa gilid. Wala nga akong nasayaw kasi wala naman din akong partner. At gusto ko rin naman na maaga kami napauwi kahapon kasi bukod sa naiinip ako, naiinis din ako kay Trisha at kay Borj! Eh hindi man lang ako pinansin. Pero hindi ko pinapakita 'yong inis ko, alam ko naman na wala akong karapatang mainis eh. Kahapon ko lang nalaman na, sobrang boring pala talaga ng prom!
Nandito lang kami sa labas ng bakuran nila. Kompleto kami na narito. Nandito si Jelai, si JunJun, si kuya at si Borj!
"So, ano ang ginawa niyo kahapon?" Tanong ni JunJun kay Jelai.
"Wala. Sumayaw lang." Sagot ni Jelai.
"Sino? Maliban kay Yuan?" Ani JunJun.
"Hay nako, ayan ka na naman." Sabi naman ni Jelai. Panay talaga ang tanong ni JunJun sa kanya.
"Nasaan si kuya, Borj?" Tanong ko sa kanya kasi napapansin ko na wala si kuya.
Nakaupo na kami ni Jelai sa lapag dahil picnic style ang inihanda namin. Total, malapit naman din ang summer!
"Baka nasa loob, may ginagawa." Malamig na tugon niya sa akin.
Tumango ako.
"Eh, ano ba ang pwede kong maitulong?" Tanong ko ulit.
"Huwag ka na tumulong. Hindi na kailangan." Malamig niya ulit na sagot. Napatango naman ulit ako.
"Hindi ba kayo nag-away ni Borj?" Bulong sa akin ni Jelai.
"Hindi, bakit?" Bulong ko rin sa kanya. Mukha kaming tanga dalawa na parang may sekreto kasi nagbubulong-bulongan.
"Mukha siyang galit ah"
Hindi ko napigilan na singhapan ang sinabi niya. I mean, bakit naman magagalit sa akin si Borj?
Lumapit ako sa taenga niya at bahagya siyang nakiliti
"Paano mo naman nasabi?"She shook her head. "Wala lang. Na f-feel ko lang."
"Ano naman ang pinag-uusapan niyo diyan?" Tanong ni JunJun bago ilapag ang niluto sa lapag.
Sabay kaming umiling ni Jelai. Girls talk to JunJun! Hindi ka makakarelate.
Tumingin ako kay Borj na inaayos ang mga pinag-iihawan.
Likod palang ni Borj, alam mo nang napakagwapo niya. Maayos ang buhok niya kaya sigurado akong maaliwalas siya ngayon. Naka puting muscle tee lang siya at shorts pero sobrang gwapo niya talaga sa sout niya!
YOU ARE READING
MORE THAN FRIENDS [Season 01]
عشوائيAUTHOR'S POV. Sana po ay magustuhan ninyo ang kwentong ito. I cried while writing this. Sakit sa bangs, sakit pa sa dibdib. Kinailangan ko tuloy na madalas tumigil at magpahinga para huminga. *ang drama ko naman*. Isang pakiusap lang sa magbabasa ni...