Months passed. Nanliligaw na sa akin si Borj.
"Happy Valentine's!" Malakas na sigaw ni Jelai pagpasok na pagpasok palang ng room. Dumiretso siya sa white board at nag-lettering doon. Ni hindi muna ibinaba ang bag at inuna muna ang kalokohan.
Sumandal ako sa upuan at pinanood siya. She's swaying her lips na para bang may pakikinggan siyang kanta. Nang matapos ang ginagawa ay humarap siya sa amin.
"I-suggest niyo na dapat walang klase."
Nagtawanan naman ang mga classmates ko.
"Wala ka namang ka date, Roni!" Pang-aasar ni Gilven sa akin
"Dika sure ang daming nang-aya sa kanya no!" Sabi ni Jelai. Pasalampak siyang umupo sa tabi ko at huminga nang malalim.
"Nangyari sa'yo?" Natatawang tanong ko.
"Sana naman yayain din ako ni JunJun." Malungkot niyang saad.
"Ano ka ba! Yayain ka no'n for sure!" Agap ko.
"Oo nga Jelai. Sana nga ako rin eh " Sabi pa ni Trisha.
"Huh? Sino ba crush mo?" Asar ko.
"Basta!" Tawang saad niya.
"Roni, may lakad ba kayo ni Borj? Tayo nalang ang mag date." Sabi ni Trisha sa akin.
Napaisip ako. Wala namang sinabi sa akin si Borj kung may plano ba siya o wala.
"Saan naman tayo?" I asked. "Eh busy nga tayo dahil sa exam na paparating eh!"
"Ay oo nga pala!" Sabi niya.
Napatawa lang kami.
Kakalabas lang namin ng room para kumain pero may lumapit sa aking isang lalaki na grade 12 student rin. May dala siyang isang red rose kaya naging tumpok ako ng asaran.
"Uh..gusto ko lang ibigay Roni, sana ay t-tanggapin mo...." Aniya habang inaabot sa akin ang bulaklak.
Narinig ko ang tilian sa paligid kaya hiyang hiya ako sa nangyayari.
"Tanggapin mo na. Valentine's naman!" Asar sa akin ni Jelai.
I looked at the guy and I noticed how red his cheeks were. Hindi ko siya kilala pero ang alam ko, kilala siya ni Borj. classmate eh! I gulped. He pulled his courage together to give it to me. I should accept it. Wala namang masama.
"Salamat" I said. Dahan dahan ang pag-abot ko sa kanya ng bulaklak. Nginitian niya ako pero ako naman bahagya lang akong tumango.
Nang makatalikod kami ay inulan ulit ako ng tukso ng mga kaklase na nakakita sa mga nangyayari. Hindi ko tuloy maiwasan ang mahiya dahil kung saan saan kami dumaan ay marami ang nakatingin sa akin.
"Wala, aantayin ko parin ang pakulo ni Borj!" Sabi naman ni Jelai.
Sinang-ayunan siya ng mga kaklase ko kaya bahagya akong namula. I can't imagine him doing that!
Naglakad pa kami papunta sa canteen nang harangan kami ni Luke. Classmate ko siya. Pero umamin siya sa akin noong grade 8 ako na may gusto siya sa akin. Well hindi ko na iyon iniisip kasi friends naman na kami ngayon.
This time, Luke is holding a bouquet of chocolates! Yes! A freaking bouquet! Diretso ang lakad niya patungo sa akin at bawat hakbang niya ay kinakabahan ako. Please, tell me it's not for me! Ni hindi ko nga kayanin halos ang pagtanggap ng isang rose, iyan pa kaya?!!
"Ang ganda ni Roni, talaga!" Tili ni Trisha nang inilahad sa akin ni Luke ang bouquet.
"Huh.. Luke...ano to?" Tanong ko.
Pinandilatan ko siya nang mata dahil sobrang nahihiya ako sa nangyayari. We're in the middle of the pathway! At lahat sila nakatingin sa amin!
YOU ARE READING
MORE THAN FRIENDS [Season 01]
De TodoAUTHOR'S POV. Sana po ay magustuhan ninyo ang kwentong ito. I cried while writing this. Sakit sa bangs, sakit pa sa dibdib. Kinailangan ko tuloy na madalas tumigil at magpahinga para huminga. *ang drama ko naman*. Isang pakiusap lang sa magbabasa ni...