I was sweating bullets while waiting for Jelai. Sinuot ko ngayon ang dress na hiniram ko nga kay Trisha, simple lang ang itshura ko, para hindi halatang pinaghahandaan ko ito. Kanina pa umalis sila kuya, nasabi rin naman na gabi mag s-start ang prom kaya nagpaiwan muna kami para makapag-ayos kami nang maayos ni Jelai.
"Roni, bakit nakaganyan ka lang? Nakakahiya ka! Mag make-up ka Roni!"
I rolled my eyes. Huwag mo'ko pangunahan Mommy, prom lang ang pupuntahan ko, hindi ko kailangang magpaganda.
"Mommy... Okay na po ako." Ngumiti ako sa kanya.
"Ang ganda ng dress mo ah?" Ngumiti siya. "Binili mo?"
Umiling agad ako. "Hindi po, hiniram ko lang po ito."
"Roni!!" Narinig ko ang pagtawag ni Jelai sa akin sa labas.
"Sige po Mommy.. aalis na po kami." Pa-alam ko.
"Sige, mag-iingat kayo!" Ngumiti siya sa akin.
Lumabas ako para puntahan si Jelai. Sinuot niya 'yong dress na hiniram niya rin kahapon. Ang cute niya at ang ganda niya sa itshura niya ngayon. Bukod sa akin na simple lang at walang masyadong make-up sa mukha, siya naman ay sobrang kapal lang ng foundation niya. Pero, nababagay rin naman sa kanya ang itshura niya.
Nakita ko siya na kasama si JunJun sa labas.
"Mag-iingat kayo, ah?" Ani JunJun. "Sabihin mo sa akin Roni pag may ibang magsasayaw sa Jelai ko ah?"
"Nako, JunJun. Prom 'yon eh, malamang meron talaga 'yan." Sabi ko sabay asar.
"Hayss, sana pala nag-aaral nalang pala ako no?" Pang-hihinayang niyang sabi.
Umiling ako. "Joke lang 'yon. Syempre sasabihin ko sayo."
Natawa naman si Jelai. "Sige na JunJun, salamat sa paghahatid mo sa akin. Umalis ka na kasi aalis na rin kami ni Roni" Utos sa kanya ni Jelai.
"Basta Jelai ah? Wag ka papasayaw sa iba." Saad ni JunJun.
"Oo. Huwag ka na magselos?" Natawa siya.
"Bakit hindi? Ang ganda mo kaya ngayon!" Ani JunJun.
Inirapan naman siya ni Jelai. "Ngayon lang?"
"Hindi. I mean, maganda ka naman araw-araw pero iba 'yong ganda mo ngayon eh." Ngumisi si JunJun.
"Sus! Sige na, umalis ka na." Ani Jelai.
Ngumiti si JunJun. "Okay. Ingat ka ah? Basta Roni, sabihin mo sa akin ah?"
Tumango lang ako kay Junjun at umalis naman agad siya. Natawa nalang ako sa kanila. Ang sweet talaga nila. Buti pa si Jelai may JunJun sa tabi niya.
"Ang kulit talaga niya." Ani Jelai.
"Oh, bakit?" Nilapitan ko siya.
"Siya kasi eh, gusto niya na mag make-up ako ngayon." Sabi ni Jelai. "Tapos ngayon parang nagseselos? Ewan ko talaga kay JunJun."
"Maganda ka eh. " Ngumisi ako. "Syempre mag-alala talaga si JunJun niyan." Asar ko.
Natawa siya. "Sus! Ikaw nga rin eh, ang ganda mo ngayon!" Asar niya sa akin.
"Pareho lang tayong maganda ngayon, Jelai. Di 'ba? Twin sisters!" Asar ko.
Nagtatawanan muna kami at sumakay kami papunta sa venue kung saan ang prom namin. Sa isang malaking school gym lang ang venue at kinakabahan ako ngayon habang papunta roon. Hindi ko alam pero, parang hindi ako excited o ano ba ang bumabagabag sa puso ko. Ano kaya ang mangyayari ngayon? Sana naman ay maging maganda ang araw ko ngayon!
YOU ARE READING
MORE THAN FRIENDS [Season 01]
RandomAUTHOR'S POV. Sana po ay magustuhan ninyo ang kwentong ito. I cried while writing this. Sakit sa bangs, sakit pa sa dibdib. Kinailangan ko tuloy na madalas tumigil at magpahinga para huminga. *ang drama ko naman*. Isang pakiusap lang sa magbabasa ni...