..
Daniel
"Saan ka na naman pupunta?" Tanong ni Zayche nang makita niya akong paalis ng bahay kasama si Wilbert.
Nakaboxer lang ito habang nakain ng ice cream at may hawak na papel, hindi ko alam kung anong meron sa papel na yun at mukhang importante kasi hindi pa nagawang makapag bihis ng ayos itong mokong na to.
"Sa hospital." Sagot ko naman at nagpunta sa harap ng salamin para tingnan kung maayos ba sarili ko.
"Ano!? Bakit!? Anong nangyari sayo?" Napablikwas ako sa gulat dahil sa pasigaw na tanong ni Zayche, nagkukumahog pa itong lumapit sa akin at pinaikot ikot ako na mukhang may hinahanap.
"Jusko po! Hilong hilo na ako, Zayche! Magtigil ka nga! Ang OA mo, may dadalawin lang ako." Anas ko naman at saka siya binatukan.
"Aray... Akala ko lang naman." Nakanguso niyang reklamo, "Sino bang dadalawin niyo ron?" Tanong niya sabay tingin kay Wilbert.
"Edi yung jowa ni Clyde, kapatid ni Caile." Sagot ko sa kaniya at saka humarap na ulit sa salamin, nakita ko pa nga siyang naglakad paalis, "Saan ka pupunta?"
"Magbibihis, sasama ako. Huwag ka na kumontra, wala kang magagawa." Anito at inilabas pa ang dila para mang asar kaya napangiwi ako.
"Parang bata."
Ngayong araw na ako pupunta sa hospital na kinaroroonan ni Draken dahil nagpadala na sa akin si Alastair ng message na kailangan ko na raw pumunta. Lumipas na ang ilang araw noon at sa ngayon, kinukutuban ako ng masama kaya mabagal akong kumilos ngayon.
Nung nakaraan ay dumalaw talaga ako sa hospital para humingi ng tawad kay Clyde para kay Caile. Alam ko kung gaano kamahal ni Caile si Clyde, saksi ako sa mga iku-kwento sa akin ni Caile noon tuwing magkasama kami.
Gusto ko ring sabihin kay Clyde ang mga planong nalaman ko kay Alastair, nung malaman ko yon nung araw na iyon ay talagang hindi ako mapakali dahil balak ni Caile na patayin ang tatay ni Draken. Ayaw kong may patayin na isa pang tao si Caile.
Nakiusap ako kay Clyde noong araw na iyon, alam kong mahirap para sa loob niya dahil nawalan siya ng ama pero ayaw ko namang pati ang ama ng anak ko ay mawala, nakapag desisyon na ako nung mga oras na yun na hayaang walang makilalang ama ang anak ko hangga't hindi nagtatagumpay si Cole sa plano niya.
Sandali lang din naman kami naghintay ni Wilbert dahil parang dinaanan lang ng hangin si Zayche sa pagdadamit.
Ilang saglit lang ay nasa daan na kami, nasa back seat ako nakaupo habang si Zayche ang nasa passenger seat sa unahan, kailangan daw ay siya ang nandoon kasi baka raw kung anong mangyari at mapahamak daw ako saka yung baby ko.
Ilang minuto ang itinagal ng byahe dahil hindi naman ganoon kalayo ang hospital saka wala ring traffic. Malayo palang ay napakunot na ang noo ko dahil may mga nagkukumpulang mga tao sa tapat ng hospital, ang iba pa ay nagtatakbuhan palayo.
May mga pulis din sa unahan ng mga tao na may hawak pang yung shield ba yun.
"Anong nangyayari? May hostage taking yata." Saad ni Zayche at saka tumingin sa akin, magsasalita na sana ito nang makitang lumabas na ako, "Daniel! Delikado!"
"I'm here, don't worry." Biglang singit ni Wilbert na tumabi agad sa akin.
"Sasaluhin mo ba yung bala kapag nagkaputukan don?" Tanong ni Zayche na sumasabay sa paglalakad namin, nakaalalay pa ito sa akin.
"It's not hostage taking, just come with us and get yourself together. Baka mahimatay ka sa masasaksihan mo." Saad ni Wilbert sa kaniya bago naglakad ng mabilis papunta roon.
BINABASA MO ANG
Mafia Series #4: The Mafia's Psychopathy [BxB]
AkcjaMafia Series #4 : The Mafia's Psychopathy This is a work of fiction. Names, characters, business, song, places, events and incidents are either product of Author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living...