..
Daniel
Lumipas ang ilang araw at heto, nakasakay kami sa private jet ng pamilya namin. Ito na ang hiniling ni Kyster dahil mas mabilis daw ito kesa sa public airplane. Gustong gusto na raw niya kasing makita ang Daddy niya.
Hindi naman halata na sobrang excited niya na makita ang Daddy niyang gising dahil sa sobrang dami niyang gamit na dala. Halos hakutin niya ang lahat ng gamit niya, hindi ko maintindihan kung bakit ganito karami ang dinala niyang gamit dahil malinaw naman sa aming dalawa na isang linggo lang ulit kami rito dahil kailangan niyang bumalik sa Spain dahil sa kaniyang pag aaral.
Naiintindihan naman niya iyon pero hindi ko parin maintindihan bakit ang dami dami niyang dala. At isa pa hindi ko makita ang laman ng maleta niya dahil ayaw niyang makita ko ito dahil para lang daw sa Daddy niya iyon.
Tingnan mo! Parang pinagpalit niya agad ako sa Daddy niya samantalang ako itong kasama niya simula fetus siya ha! Pero hindi naman ako totoong nagrereklamo dahil gets na gets ko kung anong nararamdaman ni Kyster, lumaki siya na hindi niya kasama at katabi ang Daddy niya, kaya sigurado akong nangungulila siya sa pagmamahal ng biological father niya.
Noong nakaraan nga ay nagda-drama itong si Zayche kay Kyster. Natatawa pa nga ako sa pag uusap nung dalawa dahil sobrang apektado ni Kyster sa drama ni Zayche, paano eh may kunwaring paiyak iyak pa ang mokong.
Grabe deserve niya ang oscar award dahil sa acting niya. Muntik pa ngang umiyak si Kyster noon dahil ayaw niya raw makitang nasasaktan ang Dada niya, lalo na raw kapag dahil sa kaniya.
"Papa, matagal pa ba?" Tanong ni Kyster sa akin nang makabalik ako sa upuan ko rito sa private jet.
May cr din kasi itong jet na pagmamay ari ni Tatay kaya pwedeng pwede kami umihi or ano pa man yan during flight.
"Malapit na po, sobrang excited ka naman." Natatawa kong sabi at nakita ko naman ang kinakabahang ngiti niya.
"Kinakabahan po kasi ako, ano kayang maging reaction ni Daddy? Maayos po ba ako? Baka mukha na po akong batang beggar." Nakangiwing tanong ni Kyster na ikinakunot ng noo ko.
"Why? What's wrong if you look like a beggar, it's not that bad being like that." Malumanay kong sambit para iparating sa kaniya ang punto ko at mukha namang naintindihan niya.
"I'm sorry, pa. I meant, what if I look dugyot, and then Daddy won't hug me if he see me or worse he would push me away." Nakita ko ang unti unting paglungkot ng mukha ni Kyster.
"No, no! Don't say that, I'm sure that no matter how you look like... He will... Accept you." Kagat labi kong saad sa kaniya.
May pag aalinlangan sa sagot ko dahil maging ako rin naman ay hindi sigurado sa magiging reaction ni Caile. Natatakot ako para sa anak ko pero nananalig ako na sana ay maging maayos man lang ang pakikitungo ni Caile sa anak namin.
Hindi naman na nagsalita ang anak ko at nakita ko na lang na umupo ito ng ayos saka naglaro sa kaniyang ipad. Nagsalamin pa nga ito para protection sa mata niya sa radiation ng ipad niya.
Natahimik na lang din ako dahil sa napag usapan naming iyon. Si Zayche naman ay ito nakanganga pa habang natutulog, mabuti na lang at tulog ito saka hindi narinig ang usapan namin dahil baka kung hindi ma-sugarcoat ang isip ng anak ko ay prangkahin naman nito si Kyster sa possibleng maging reaction ni Caile.
Makalipas ang ilang oras ay maayos na nakarating ang private jet nila Tatay sa private property nila kung saan nagla-landing ang ganitong sasakyan ni Tatay. May helicopter din kasi ito dahil naiinggit daw siya sa mga napapanood niyang ganito sa kdrama.
BINABASA MO ANG
Mafia Series #4: The Mafia's Psychopathy [BxB]
ActionMafia Series #4 : The Mafia's Psychopathy This is a work of fiction. Names, characters, business, song, places, events and incidents are either product of Author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living...