..
Daniel
Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang anak ko. Natutulog siya sa tabi ko, nakalipas na ang ilang linggo matapos ko makalabas sa Hospital, nung una mahirap dahil pinagbawalan ako na gumalaw nang gumalaw kaya iniaasa ko sa mga kasama ko sa bahay ang halos lahat.
Napapadalas na rin ang pagbisita nila Nanay sa akin at sa tuwing dumadating sila ay kung ano anong mga dala nilang gamit at damit ng baby. Ang mas nakakatawa nga rito ay may choices ang bawat dala ni Tatay, may pang soft boy at may pang bad boy type of clothes and toys, lagi niyang tanong.
"Alin mas maganda? Eto o eto? Kasi malay natin malamya rin siya katulad ng anak natin, mabuti na yung handa hindi ba? O baka magmana sa lolo na sigang siga, pwede rin to."
Napapailing na lang si Nanay sa sobrang OA ng tatay ko. Katwiran niya ay sa kaniyang apo niya raw ibubuhos yung mga hindi ko naranasan nung bata ako dahil daw sa pagiging toxic niya.
Isa pa sa laging nandiyan ay si Zayche, madalas siyang walang pasok sa trabaho at dahil kaibigan ni Tatay ang may ari nung kumpanya ay alam ng boss ni Zayche ang dahilan kung bakit wala si Zayche sa trabaho.
Madalas namang tumawag sila Mang Karo para kumustahin ako at ang baby ko. I felt loved, iyan ang naramdaman ko simula nung dumating sa buhay ko si Kyster. Tama nga sila, blessing sa atin ang magka-anak.
Lumipas pa ang ilang buwan at ang saya saya ko sa tuwing nasusubaybayan ko ang paglaki ng anak ko. Parang siyan na buwan palang ay maalam na itong gumapang, sobrang bibo ni Kyster kaya tuwang tuwa kami.
Spoiled na spoiled din siya sa mga laruan dahil sa lolo niya. Napapailing na nga lang ako dahil baka lumaki pang malaki ang ulo ng anak ko pero hindi ko naman masaway si Tatay dahil pinangangaralan din niya ang anak ko sa mga bagay bagay kahit na hindi pa naman siya naiintindihan nito.
Nakikita kong nagbago na nga talaga si Tatay, palagi rin niya akong kinukumusta.
Isa pa pala ay nakikipag video call minsan si Cole para tanungin ang pamangkin niya. Hindi ko naman siya pinagbabawalan dahil pamangkin niya ito, sa ngayon hindi pa siya ganoon kakilala ni Kyster dahil siyam na buwan palang naman ito.
"Kumusta si Caile?" Tanong ko kay Cole ng isang araw ay tumawag ito, tulog si Kyster sa kwarto niya at nandito ako sa balcony ng kwarto nito dahil tumawag nga si Cole.
"Heto, day by day bumubuti ang kondisyon niya. Kayo ba? Hindi kayo uuwi ng Pilipinas para bisitahin si Caile?" Tanong ni Cole, naka video call siya at pinapakita niya si Caile, mahaba haba na rin ang buhok ni Caile at konti na lang magiging magkamukhang magkamukha na sila ni Cole, ang maganda nga rito ay pinanatili ni Vole ang pagiging malinis sa mukha ni Caile.
"Masyado pang bata si Kyster para ibyahe eh, siguro bago pumasok sa school si Kyster ay pupunta kami riyan." Nakangiting sagot ko sa tanong niya.
..
"P-papa, Dada?" Tanong ni Kyster pagkalapit sa akin.
Tatlong taon na si Kyster at medyo tumutuwid na ang salita nito. Ganoon parin si Kyster, bibo at clingy na bata lalo na sa mga nakapaligid sa kaniya. Mabait na bata rin siya pero napapansin kong kapag nagagalit siya ay tatahimik ito at ang matalim na mata nito ang mangungusap. Parang si Caile lang.
Ang itinatanong pala niya ay si Zayche, Dada kasi ang tawag niya rito dahil gusto niya raw ito, nagulat pa nga ako nang sabihin niya yun mismo, utal utal pa siya noon pero sabi niya si Zayche raw ang Dada niya dahil si Caile raw ay wala rito at nasa Pilipinas.
BINABASA MO ANG
Mafia Series #4: The Mafia's Psychopathy [BxB]
ActionMafia Series #4 : The Mafia's Psychopathy This is a work of fiction. Names, characters, business, song, places, events and incidents are either product of Author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living...