..
Daniel
Napabuntong hininga ako dahil ganito rin yung nangyari kanina. Bago magkagulo sa loob ay naparaan kasi ako kanina sa banyo at narinig ko ang pagkakahuli ni Clyde sa panloloko ng jowa niya.
Nakausap ko si Clyde rito sa labas dahil doon tapos nalaman ni Caile yung mga nalaman ko. Akala ko nga magagalit lang si Caile kaya bumalik ako sa loob para tumulong ulit mag-serve pero ayun nga, nagkagulo sa loob dahil sa ginawa ni Caile.
Hinintay ko na lang na makaalis si Clyde at Draken bago ako lumabas at magpahangin, hindi na ako nakinig sa mga pagtatalo nila para makaiwas na rin sa problema, alam ko kasing isa ako sa dahilan bakit nagkagulo sa loob kanina.
"Nandito ka lang pala." Narinig ko ang boses ni Wilbert kaya napatingin ako sa kaniya.
May hawak siyang isang basong tubig at inabot niya sa akin iyon. Ngumiti at nagpasalamat naman ako sa kaniya nang abutin ko yun.
"Hinahanap mo pala ako." Nangingiti kong saad kasi nakalimutan kong may kasama nga pala ako.
"Of course, you're my responsibility." Tugon naman niya kaya napatango na lang ako, "Hindi pa ba tayo uuwi? Wala ng ibang tao sa loob." Sabi pa niya kaya napaisip ako.
Sapat na siguro yung oras na pagpunta ko rito ano? Siguro okay na yun at nakikita ko namang ayos lang si Caile. Makaraan ang ilang saglit ay napagpasyahan kong umuwi na rin baka madagdagan pa ang galit ni Caile sa akin, topak pa naman yon.
Sinabihan ko na rin muna si Wilbert na hintayin ako sa parking lot dahil magpapaalam muna ako kay Caile.
Naglakad pa ako paikot sa funeral house dahil hindi ko makita kung nasaan si Caile. Sasabihin ko lang na uuwi na ako para malaman niya kasi baka kapag nawala ako bigla maghimutok yun.
"Ayun lang pala siya." Naiiling kong sabi pagkatapos kong makita si Caile sa likurang bahagi ng parking lot sa likod ng funeral house
Nagninigarilyo siya, halata naman sa usok na lumalabas sa bibig niya. Mukha ring may kausap siya dahil naririnig ko ng bahagya ang boses niya. Naglakad na lang ako palapit sa kaniya pero hindi pa ako nakakapapit masyado sa kanila eh napatago agad ako sa likod ng isang kotse dahil sa nakita kong kausap niya.
Hindi ko kilala yung lalaking kausap niya pero nakasuot iyon ng lab gown kaya hula ko ay isa iyong doctor. Medyo natatakpan din ng dilim mukha non kaya hindi ko siya makilala.
"You're really a psychopath, Caile, how could you kill him!?" Hindi makapaniwalang tanong nung lalaking naka puti na ikinagulat ko.
Kill him? May pinatay si Caile??? Eto na siguro yung sinasabi ni Cole, mukhang hindi talaga gumagawa ng kwento si Cole. Kinakabahan man ako sa mga malalaman ko ay pinili ko paring manatili dahil may naguudyok sa isip ko na alamin ang mga susunod pang sasabihin nila.
Narinig ko ang parang namamatay na apoy at nung sumilip ako ay nakita kong nakatingin sa baba si Caile at mukhang pinatay na niya yung sigarilyo.
"He deserves it." Matabang na sagot ni Caile at napansin ko ang pag iling nung lalaki.
Iniisip ko kung ano ba ang nagawa ng taong yun para masabi ni Caile na deserve nitong mamatay. Naniniwala kasi akong lahat tayo hindi deserve ang mamatay o patayin, unless isa ka g kriminal na sukdulan na ang kasamaan.
Nakinig pa ako dahil baka dumating yung pagkakataon na malaman kung sino ba ang tinutukoy nilang pinatay ni Caile.
Sumilip ulit ako at sa pag silip ko ay nakita ko ang lalaking nakaputi na sumulyap sa gawi ko at ngumisi. Dahil sa kaba ko ay kaagad akong napatago sa kotse.
"Still, he's your father, Caile." Saad nung lalaki na ikinasinghap ko.
Para akong naestatwa sa kinauupuan ko dahil sa narinig ko. Hindi ako makapaniwala na sa lahat ng taong malalaman kong pinatay ni Caile ay yung tatay pa nila, alam kong hindi niya biological father ang tatay nila ay kawalang respeto parin iyon!
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa nalaman kong ito ngayon. Nanginginig ang kamay ko habang nakatakip sa bibig ko, hindi ko na alam ang magiging reaction ko kapag nakaharap ko si Caile.
"Hindi ka pa ba lalabas diyan? Kanina pa kami tapos mag usap." Saad ng isang tinig kaya nanlaki ang mata kong napatingin sa lalaking nakatayo sa harapan ng kotse.
Dahil sa gulat ko ay agad akong napatayo at tumingin tingin sa paligid. Hinahanap si Caile dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa pagkakataon na to dahil nahuli akong nakikinig sa usapan nila.
"Don't worry, kanina pa nakaalis si Caile bago kita puntahan dito." Saad ng lalaki kaya napatingin ako sa kaniya.
Kinaway ko agad ang kamay ko nang paulit-ulit, "Wala akong narinig, promise!" Depensa ko agad kaya natawa siya.
"Chill, I don't care if you hear something or none." Saad niya at inilagay niya ang dalawang kamay niya sa bulsa ng slacks niya, "Pinuntahan lang kita rito to inform you na tapos na kami mag usap. Umuwi ka na at baka malaman pa ni Caile na narinig mo ang pinag usapan namin." Dugtong niya.
Napatitig ako sa kaniya dahil hindi ko maintindihan bakit niya sinasabi ito. Kausap lang nito si Caile kanina at paanong wala siyang pake kung malaman ko ang pinag usapan nila?
"Bakit?"
"Anong bakit?"
"Bakit okay lang sayo na malaman ko ang napag usapan niyo? Hindi ka ba natatakot na isumbong ko kayo?" Tanong ko sa kaniya kaya napataas ang kilay niya.
Ngumisi siya sa alin at naiiling na umupo sa hood ng kotse na pinagtataguan ko kanina. Nakatalikod siya sa akin at nakatingin sa kalangitan.
"Ano namang mapapala ko kung isumbong mo? First of all, hindi ako kasama sa ginawa niya kaya labas ako riyan. Second, wala akong pake kung makulong si Caile pero sana sa mental hospital at hindi sa presinto." Sagot ng lalaki sa akin at tumingin pa siya sa akin na may ngiti sa labi.
"Mental? Bakit?" Tanong ko ulit kaya napatingin na naman siya sa akin.
"Mukhang hindi mo talaga kilala si Caile." Aniya bago tumayo at humarap ulit sa akin, "Ganito na lang. If anything happens, I'll contact you and I'll show you how crazy that mother fucker." Sabi niya bago tumalikod at naglakad paalis, itinaas pa niya ang isang kamay niya habang nakaway, tanda nang pagpapaalam.
"Teka, paano mo ako maco-contact kung hindi ko pa binibigay number ko sayo?" Tanong ko sa kaniya kaya napatigil siya sa paglalakad bago tumingin sa akin.
"I have a lot ways to do that, my dear." Nasabi lang niya bago tuloy tuloy na naglakad na paalis.
Napatitig ako sa lalaking nakaputi na iyon. Hindi ko siya kilala pero masasabi kong hindi siya masamang tao. Magaan din siya kausap kahit na may pagkakaparehas ng reaction sila ni Caile, yung puro ngisi, ngisi.
Napaisip na rin ako sa sinabi niya, ganoon ba talaga mayayaman? May connections? Lahat ng gusto nila makukuha nila?
Napabuntong hininga na lang ako dahil sa daming pumapasok sa isip ko at dinagdagan pa nong lalaking iyon ang isipin ko, lalo na si Caile.
Paano niya nagawa ang bagay na yun? Hindi ko maintindihan bakit niya nagawa ang patayin ang sarili nilang ama. Sukdulan ba ang galit niya rito para gawan niya ng ganoong kasamang bagay? At ano ang dahilan niya bakit niya nagawa yun?
Isa pa sa isipin ko, alam kaya ni Clyde kung anong ginawa ng kuya niya? Paanong nasisikmura ni Caile ang magpakita na nagluluksa siya da pagkamatay ng ama nila, at yung pagstay stay niya sa burol nito.
Ayaw ko man maniwala pero parang sa nakikita ko, ibang klase na ang kasamaan ni Caile.
Ang tanong na lang ay...
Bakit sa rami kong nalaman ngayon ay hindi ko magawang kamuhian si Caile? Bakit may urge sa isip at puso ko na alamin ang dahilan ni Caile? Valid ba ang rason nito sa pagpatay sa kaniyang ama?
______<58>______
BINABASA MO ANG
Mafia Series #4: The Mafia's Psychopathy [BxB]
ActionMafia Series #4 : The Mafia's Psychopathy This is a work of fiction. Names, characters, business, song, places, events and incidents are either product of Author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living...