..
Daniel
"Okay na siguro itsura ko ano?" Tanong ko kay Wilbert habang nakatingin sa salamin, nandito ako sa isang kwarto sa bahay ni Mang Karo na tinutuluyan ko.
"Yah, it's good. We'll be going na ba?" Tanong niya sa akin na nginitian ko naman agad.
Wala pa rin si Zayche rito dahil doon daw siya sa batangas muna matutulog dahil marami pa raw siyang aasikasuhin sa site. Oh diba, lagi akong updated ni mokong.
Tapos si Kyleen nasa Chick-Chicken, natulong kay Mang Karo dahil sabado ngayon ay marami ang nakain.
"Magpaalam muna ako kay Mang Karo." Saad ko kay Wilbert at kaagad na lumabas ng kwarto at bahay.
Naipaliwanag ko naman na nung una palang kila mang Karo ang tungkol kay Wilbert at mas pabor daw sila sa ganito dahil hindi na raw sila mag aalala sa kalagayan ko kapag busy silang lahat.
Pagkalabas ko ng bahay ay dumeretso agad ako sa kusina ng Chick-Chicken para magpaalam kay Mang Karo. Naabutan ko pa nga itong naglalagay ng manok sa kawali.
"Mang Karo, pawis na pawis na kayo ah! Nagpapahinga naman po ba kayo?" Bungad ko rito na kaagad naman itong napatingin sa akin.
"Aba, bihis na bihis ang dalaga namin!" Tukso nito sa akin kaya napaawang ang labi ko.
"Mang Karo!" Angil ko na tinawanan naman niya.
"Aalis ka na ba?" Tanong niya na tinanguan ko, "Oh siya ay mag iingat ha? Baka kung mapaano si baby, mahirap na. Ingatan mo ang sarili mo, nasaan ba si Wilbert nang masabihan nga iyon." Sumilip pa si Mang Karo sa likuran ko na sakto namang dating ni Wilbert.
"I'm here po, Mang Karo." Saad ni Wilbert at napalabi naman ako para magpigil ng ngiti dahil natutuwa talaga ako sa pagtawag ni Wilbert sa pangalan ni Mang Karo, rinig na rinig kasi ang accent nito.
"Oh nandiyan ka pala. Ano, you taking care Danile ha?" Sabi naman ni Mang Karo kaya sobra talaga ang pagpipigil ko ng tawa dahil sa english niya.
"Yes, po! I'll take care of him." Pag tango pa ni Wilbert dito na tinanguhan ni Mang Karo.
"Oh siya sige na, mag iingat ha?" Paalala ulit ni Mang Karo na nginitian ko na lang.
Bago kami lumabas ng Chick-Chicken ay dumaan muna kami sa counter para magpaalam kay Kyleen at nang makita ko si Kyleen natawa pa ako sa itsura dahil halatang pagod na siya, pinaalalahanan ko na lang siya na magpahinga agad mamaya pagsasara at bukas na niya intindihin yung ibang activities niya at tutulungan ko na lang.
Pagkatapos ko magpaalam kay Kyleen ay kaagad na rin kaming umalis ni Wilbert gamit parin yung kotse na galing kay Cole, hindi na rin niya kasi pinabalik ito at ang rason niya ay para hindi na raw kami mahirapan sa service.
Tahimik lang ako sa buong byahe, iniisip ko na rin yung palusot ko kay Caile dahil sigurado akong magagalit yun kasi hindi ko siya inabisuhan.
Pagkarating namin sa funeral ay kaagad akong bumaba ng sasakyan habang naghahanap ng pwesto si Wilbert para i-park yung kotse. Ako naman ay kaagad na lumasok ng funeral, maraming tao ang naririto, oo at sa itsura palang nila ay talagang mayaman na.
Palinga linga pa nga ako dahil hinahanap ko si Caile. Balak ko muna kasing kausapin siya baka magalit siya sa akin sa harap ng ibang tao, sabihin gumagawa pa ako ng eksena rito sa burol.
Makaraan ang ilang saglit ay napansin ko si Samuel, "Samuel." Tawag ko rito sabay kalabit sa kaniya kaya nagulat siya nang makita niya ako.
"Daniel? Anong ginagawa mo rito?" Nanlalaki ang matang tanong ni Samuel.
BINABASA MO ANG
Mafia Series #4: The Mafia's Psychopathy [BxB]
ActionMafia Series #4 : The Mafia's Psychopathy This is a work of fiction. Names, characters, business, song, places, events and incidents are either product of Author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living...