-64-

179 12 0
                                    

..

Zayche

Napapakagat labi ako habang nakaupo rito sa labas ng Delivery Room sa Hospital dito. Kanina pa nasa loob si Daniel dahil manganganak na ito. Sila Tito at Tita ay papunta palang dito dahil nasa Pilipinas sila nang makaramdam ng pananakit ng tiyan si Daniel.

Nanginginig parin ang katawan ko dahil sa nangyari kanina bago maidala si Daniel dito. Wala akong pasok sa trabaho ngayong araw at inaalagaan ko lang si Daniel kanina.

Grabe ang pagkataranta ko kanina dahil sa lakas ng sigaw ni Daniel. Sobra raw humihilab ang tiyan niya, pinaghahampas pa nga ako. Hindi naman siguro tatagal ng sobra ang panganganak ni Daniel dahil alam kong CS lang siya dahil complicated daw kapag normal delivery ang gagawin.

..

Makaraan ang halos isang oras ay isa isang lumabas ang mga nurse dala ang kung anong mga gamit, napatayo agad ako ng ang Doctor na ang lumabas. Naka suot parin ito nung sinusuot nila kapag nag-o-opera.

Lumapit ako sa Doctor at kaagad ko namang tinanong ito, "¿Cómo está, doctor? ¿Cómo está el bebé?" Tanong ko agad dito.

Nakita ko ang pagngiti ng Doctor sa akin sabay sabing, "Ambos están sanos y lo trasladarán a una habitación normal de inmediato". Sagot sa akin ng Doctor na ikinatango ko bago ito umalis.

Hindi ko masyado naintindihan ang sinabi ng Doctor dahil sa ang bilis nitong magsalita. Babago bago palang ako natututo ng Spanish, basta ang pagkakaintindi ko ay healthy ang bata!

Papasok na sana ako sa loob nang dumating ang isang nurse para may ipasulat sa akin kaya wala na akong nagawa kundi ang sumama sa kaniya.

Pagkatapos ko magsulat ay itinanong ko na sa kanila kung anong Hospital Room na pinagdalhan nila kay Daniel. Matapos kong malaman ay kaagad akong pumunta roon, nakatawag na rin ako sa bahay namin para magpadala ng mga gamit ni Daniel at nung baby.


Napangiti ako nang makapasok ako ng Hospital Room ni Daniel ay nakita kong mahimbing na natutulog si Daniel habang ang baby niya ay kakalapag lang ng nurse sa sarili nitong higaan.

Pinaalalahanan din ako ng nurse sa mga dapat kong gawin katulad na lang nung pagpapadede sa baby, itinuro niya sa akin ang tamang proseso sa pagtitimpla ng gatas at alin ang tamang gagamitin.

Medyo nahirapan pa nga akong intindihin nung una at mukhang naintindihan ng nurse iyon kaya nag-english na lang siya na ipinagpasalamat ko na lang.



"Cute." Nakangiti kong sambit nang makalapit ako sa pinaghihigaan nung baby, tulog ito at sobrang cute nito.

Hindi rin biro ang kaputian nito dahil parehas namang maputi ang magulang nito. Iba rin ang hulma ng mukha nito, halatang maraming papaiyaking admirer.

Natawa pa ako sa naisip ko dahil wala pa man itong isang oras sa mundo ay kung ano ano na ang iniisip ko.

Makaraan ang ilang saglit ay dumating na ang kasambahay namin dala dala ang iba pang mga gamit. Sinabihan ko na nga rin itong magdala ng pagkain dahil paggising ni Daniel ay kailangan nitong kumain.

Sobra rin akong naging abala dahil minsan ay tinatawag ako ng nurse, dami nilang pinapasulat na ewan. Tapos yung papel na kung anong pangalan ang ilalagay sa birth certificate ng baby.

Habang inaayos ko ang higaan ni Daniel dahil medyo nagulo ito kanina nung umayos ng higa siya ay nagulat ako ng biglang umiyak ang baby kaya agad agad akong lumapit dito.

Nagpatulong pa ako sa kasambahay namin na mabuhay yung baby dahil hindi pa ako maalam kung paano ito kukuhanin!

Nung mabuhat ko na yung baby ay para akong mangangalay dahil ang lambot nito at hindi ako sanay kaya niluluwagan ko ang pagbuhat dito, baka kasi maipit. Isa pa pinatimpla ko agad sa kasambahay namin yung gatas, mabuti nga at may alam pala ito sa ganito.


Mafia Series #4: The Mafia's Psychopathy [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon