Prologue

69.6K 622 25
                                    

Prologue

Paano nga ba hinahabi ang kapalaran ng isang tao? Ano ang pamantayan ng tagapaglarawan sa bawat hiblang iniluluwal?

Ilang ulit ko na itong itinatanong sa sarili. Nakabatay ba ito sa mga kasalanan at kabutihang isinulat ng aking mga ninuno? O likas na bang mapait ang kapalarang inilaan para sa akin?

Simula nang mamulat ako ay unti-unti kong napagtanto kung gaano kalaki ang pinagkaiba ng tadhana ng iba kaysa sa tadhanang nakalaan sa akin.

Habang inaabot ko ang orders ng mga customers ay hindi ko maiwasang mamangha habang pinagmamasdan sila. Ang iba ay masayang tinatanggap ang kanilang mga orders at ang iba naman ay nanghihina. Tila ba kumakain lang ang mga ito dahil kailangan at hindi para parangalan ang sarili matapos ang nakakapagod na araw.

"Meon, pwedeng pakibigay 'to sa table number five?" Si Summer, katrabaho at kaibigan ko.

"Sige," sagot ko at marahang kinuha ang tray na may lamang pagkain mula sa nanginginig niyang mga kamay. "Ayos ka lang ba, Sum?" Nag-aalala kong tanong.

"Ah, oo naman! Medyo pagod lang kaya..." Nag-iwas siya ng tingin sabay kagat sa pang ibabang labi.

Ngumiti ako sa kaniya at tumango para ipaalam sa kaniya na naiintindihan ko.

Ngumiti naman siya pabalik sa'kin.

Tinungo ko ang table number five kung saan nakaupo ang tatlong nakaitim na suit na mga lalaki. Kahit nakaupo ay masasabi ko na kaagad na matatangkad ang mga ito. Dagdag pa na maliliit ang mga upuan at lamesa ng restaurant kaya lumalagpas ang nakaunat nilang mga paa.

Ang isa ay nakahilig sa upuan-malalim ang iniisip. Ang isa naman ay nakatutok sa kaniyang laptop, magkasalubong ang kilay na nagtitipa. Ang isa naman ay nakatutok ang mga mata sa kaniyang librong binabasa at habang kinakagat ang ibabang labi-tila nagpipigil sa pagngisi ngunit hindi niya ito magawang maitago. Nang tingnan ko ang libro ay kaagad na nag-init ang buong mukha nang makita ang cover nito.

Isang... magkasintahan na... naghahalikan at... ang babae ay may piring habang ang kamay ng lalaki ay... nakapalibot sa leeg ng babae.

Marahas kong ipinikit ang mga mata para burahin sa isip ang nakita.

Marahan akong tumikhim nang makarating ako sa kanilang table. "H-here are y-your orders, s-sir." Hindi ko napigilan ang panginginig ng boses lalo pa't sariwa pa sa aking isipan ang litrato na nakita kanina.

Isa-isa kong inilapag sa lamesa ang kanilang mga orders. Ang kaninang tulala ay tulala pa rin hanggang ngayon. Ang kaninang nagbabasa ng kaniyang libro ay makabuluhang tumingin sa akin nang mapansin na nakatingin ulit ako sa libro niya. Kaagad akong nag-iwas ng tingin. Nang ilalapag ko na ang huling juice ay biglang inilapag ng lalaki ang nakabuklat na libro kung saan may larawan ng parehong magkasintahan kanina, ngunit sa pagkakataong ito ay hindi lang sila naghahalikan!

Sa sobrang gulat ko ay nabitawan ko ang juice dahilan para matapon ito sa nakabukas na laptop ng isa pang lalaki!

"What the fuck?!" Sa sobrang lakas ng sigaw nito ay nabaling ang atensyon ng lahat sa amin. Maging ang aming manager ay dali-daling iniwan ang kausap na customer para lumapit sa amin!

"Sorry po! Sorry po!" Paulit-ulit kong paghingi ng tawad at kaagad na kinuha ang tissue sa gilid para punasan ang nabasang laptop.

"Do you really fucking think that will help?!" Mas malakas nitong sigaw.

Nangilid ang mga luha ko sa pagkakasigaw niya. Humingi ulit ako ng tawad at nagpatuloy pa rin sa pagpupunas ng basang-basang pindutan ng laptop kahit alam kong wala iyong magagawa lalo pa't nagpapatay bukas na ito. Mukha na itong sirang TV!

Strings In An Angel's Wings (Chains of Puppetry Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon