Chapter 43
“Huh?! Ipapakilala ka sa parents kahit wala namang kayo?!” hysterical na sambit ni Nat.
Namilog ang mga mata ko kasabay ng pagbalot ng pinaghalong kaba at kahihiyan sa mukha ko dahil sa lakas ng kaniyang boses.
Narinig kami ng aming ibang kasamahan sa kusina!
Sabay-sabay na napabaling ang mga ito sa amin.
“Ay, sorry,” si Nat at tinakpan ang kaniyang bibig.
Kinagat ko ang aking ibabang labi, napagtantong may punto siya.
“Nanligaw ba muna sa'yo?” tanong niya at marahas na hiniwa ang talong.
Napalunok ako bago umiling.
“Oh, tingnan mo?! Ang assuming naman masyado niyang Ra—” natigilan siya kasabay ng pamimilog ng mga mata, “niyang Ramon na 'yan!” aniya at awkward na ngumiti sa'kin.
Muntik na niyang masabi ang pangalan ni Rafael!
“Tanginang pangalan 'yan,” si Kevin habang naghihiwa ng karne.
“Oh, bakit? May mas maganda kang naisip?!” gigil na sambit ni Nat kay Kevin.
Bumuntong-hininga at umiling lamang ito.
“Tsk,” singhal ni Nat at marahas na tinusok ang kamatis.
Tama si Nat... hindi naman ako girlfriend ni Rafael. Hindi nga siya nanligaw sa'kin.
“'Wag ka ngang umepal! Nagki-kwento pa si Meona!” singhal nito kay Kevin. Bumaling siya sa'kin. “Hindi naman sa sulsulera ako ha, pero tama ba 'yon? Ni hindi niya nga clinarify kung ano ba kayo tapos ipapakilala ka na kaagad sa parents?” mas kalmado na niyang sabi.
“You don't have to be my girlfriend para ipakilala kita sa parents ko, Nat. Kung gusto ko at kung gusto mo rin, pwedeng-pwede kahit na hindi pa tayo o kahit na hindi kita nililigawan. As long as we both want it, it's fine. That's part of getting to know each other, Nathaira,” marahang sambit ni Kevin at kaswal na hinugasan ang hiniwang karne.
Halos malaglag sa lamesa ang panga ni Nat nang magsalita si Kevin. Maging ang mga chef na nakarinig ay napalingon sa'min at ngumisi!
“Wow,” si Nat, tila hindi makapaniwala. “Hindi na ikaw 'yong Kevin na nakilala ko.” Puno ng sarkasmo na sabi ni Nat.
Umiling lamang si Kevin.
“Anyway, may point siya. Pwede nga namang part ng getting to know each other phase 'yan. Pero 'di lang talaga ako makapaniwala na kahit ligaw man lang 'di nagawa?!”
“Hindi na uso 'yan!” sigaw ng isa naming kasamahan kung saan.
“Ulol! Maliit siguro tite mo kaya 'di ka marunong manligaw!” walang prenong sigaw ni Nat sa kasamahan namin.
“Tara sa banyo? Baka magulat ka sa makita mo ah?” hamon naman nito.
“Magugulat talaga ako 'no! 20 plus ka na pero tite mo 3 inches?!” bulyaw ni Nat.
Napasinghap ako kasabay ng panlalaki ng mga mata.
“Nathaira!” umalingawngaw ang boses ni Ms. Ariella kasabay ng tawanan ng mga kasamahan namin. “Dinig na dinig ang boses mo sa dining room!”
“Sorry, ma'am. Ginagalit ako eh.” Tila labag sa loob na paghingi niya ng tawad.
Pinaningkitan lamang siya ni Ms. Ariella bago lumabas ng kusina.
“'Wag kang magpapaniwala sa ugok na 'yon, Meona,” saad ni Nat, itinuturo ang nakasagutan niyang lalaki na ngayon ay masama na ang tingin sa kaniya. “Sabi nga 'di ba? If he wants to, he would! Kahit hindi niya sabihing ‘Meona, gusto kong manligaw’, ang kailangan niya lang ay iparamdam sa'yo 'yon. Ayos na 'yon basta tinatrato ka niya ng tama! Kasi for me lang ha, panliligaw na 'yon. Pero 'yong kakakilala niyo lang tapos ipapakilala ka kaagad? Naku!”
BINABASA MO ANG
Strings In An Angel's Wings (Chains of Puppetry Series #1)
Genel KurguSTATUS : COMPLETE Meona's life is defined by her mother's manipulative and abusive behavior. From a young age, she's been entangled in a web of rules and emotional turmoil, constantly striving to follow her mother's orders so she can please her. How...