Warning: Sexual Assault
Chapter 55
It was past 6:00 PM nang makaalis ako sa lugar nila Manong Gardo para puntahan si Rica sa tulay para kunin at isama siya sa'kin. Nang biglang may humablot sa akin patungo sa madilim na eskinita malayo sa mga kabahayan.
"Bitawan mo 'ko! Tulong!" I screamed as loud as I can, pakiramdam ko'y nasusugatan na ang lalamunan ko.
I didn't care. Kahit mamatay ako kasisigaw at dahil sa panlalaban, wala akong pakialam.
"Shut up!"
Napadaing ako nang maramdaman ang kaniyang kamao na bumaon sa aking tiyan. Namilipit ako sa sakit, patuloy pa rin sa paghingi ng tulong.
"T-tulong..." I begged as I tried hard to fight and push him away.
Namuo ang mga luha sa aking mga mata nang marahas niya akong itulak sa sahig at ipinalibot ang kaniyang mga kamay sa aking leeg.
Sinubukan ko siyang sipain, itulak, suntukin, habang nakaupo siya sa aking tiyan, ngunit lahat ng iyon ay walang naging epekto sa halimaw sa ibabaw ko. Mas lalo lamang niyang hinigpitan ang pagkakasakal niya sa aking leeg.
"Kung pinagbigyan mo lang sana ako noon pa..."
Madilim, hindi ko siya nakikita. Pero sa pagkakataong iyon, ang nakakapanindig balahibo na boses na tila palaging may ipinapahiwatig, doon ko napagtanto kung sino ang halimaw sa ibabaw ko.
"Sisiguraduhin kong hindi ka na makakatanggi ngayon."
Alam ko na ang mga kayang gawin ni Sir Welson. Nakita ko iyon noon nang sa restaurant pa ako nagta-trabaho, pero akala ko ay titigil na siya lalo pa't hindi na ako nagta-trabaho roon. Pero mali ako... halimaw pa rin siya hanggang ngayon. Hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya.
Kahit hinang-hina na ay patuloy pa rin akong gumalaw sa ilalim niya. Sinusubukang sumipa, sumuntok, manulak—sinusubukang lumaban.
Unti-unti kong naramdaman ang pagkahilo at ang hirap sa paghinga.
"T-tulong..." Patuloy kong pagtawag, kahit na alam kong walang makakarinig sa akin.
'Panginoon, tulungan niyo po ako...' dasal ko dahil pakiramdam ko'y siya na lamang ang nakakarinig sa mga pagmamakaawa ko.
"Walang may tutulong sa'yo rito, Meona..." He whispered against my ear.
Mas lalong bumuhos ang aking mga luha nang mapagtantong marahil... ito na nga ang katapusan ko.
Rafael... Mahal na mahal kita. 'Wag mo sanang sisihin ang sarili mo sa mangyayari sa'kin.
Unti-unti ay wala ng hangin na nagawang makapasok sa katawan ko.
Mahal na mahal kita, Rafael.
Parang umiikot ang paningin ko, pero hindi ko iyon maramdaman. Namamanhid na ang buong katawan ko. Pakiramdam ko kahit na saksakin ako ay hindi ko na nararamdaman ang sakit.
Just as I was about to lose consciousness, I felt something.
Napakabilis ng pangyayari, dahil nang pakiramdam ko'y mamamatay na ako, na iyon na ang katapusan ko, bigla kong naramdaman ang paggaan ng ibabaw ko, tila wala ng nakaupo sa tiyan ko.
BINABASA MO ANG
Strings In An Angel's Wings (Chains of Puppetry Series #1)
General FictionSTATUS : COMPLETE Meona's life is defined by her mother's manipulative and abusive behavior. From a young age, she's been entangled in a web of rules and emotional turmoil, constantly striving to follow her mother's orders so she can please her. How...