Chapter 58

16.7K 249 40
                                    

Chapter 58

"Nonno, kailan po ako pwedeng bumalik sa Pilipinas?"

"When you're ready."

Iyon ang usapan namin ni lolo, ilang taon na ang nakalipas. Kapag handa na ako, saka ako babalik sa Pilipinas. Kaya sa mga nakalipas na mga taon ay nag-aral ako ng mabuti at nagpatuloy ako sa pagpapa-therapy ko kay Doc. Alliah.

Ang sabi ko sa sarili ko ay hindi ko maaaring harapin ang mga naiwan ko sa Pilipinas kung hindi pa ako handa; dahil ayokong muli na namang tumakbo. Kaya kahit na gaano ko pa ka-gustong makita at malaman ang kalagayan ni Rafael ay pilit kong pinigilan ang sarili ko. Gusto kong sa pagbalik ko ay may lakas ng loob na ako para hindi takbuhan ang mga problema ko.

Pero kagaya ng kung gaano ako palaging pinaglalaruan ng tadhana, hindi na ito nag-antay pa na ako ang pumunta sa Pilipinas.

Mahigpit akong napahawak sa scrubs ko. I slowly inhaled and exhaled to try and calm myself down. Parang sumali sa karera ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito. Namuo ang mga pawis sa aking noo at leeg kahit na napapaligiran naman kami ng aircon.

Napaka-gwapo niya pa rin hanggang ngayon. Well defined jaw na laging nagtitiim lalo na kapag nakikita niya si Jack, thick eyebrows na palaging magkasalubong, high nosebridge na walang ibang ginawa kun'di amuyin ang kamay at leeg ko, pink full lips na namumula kapag kinakagat ko noon, and of course, those deep brown eyes of his na laging nakatitig sa'kin kapag magkasama kami na para bang kinakabisado niya ang bawat parte ko na kaniyang nakikita.

His body also became bulkier. Especially his arms. His biceps there got bigger na naiipit na iyon sa suot niyang black suit. Kahit natatabunan ay kitang-kita pa rin ang hulma nun.

When he started speaking on the microphone, parang unti-unti akong binabawian ng buhay sa kagustuhang lumapit at yakapin siya. Nakaupo lang ako, nakatingala sa kaniya, hindi pa rin makapaniwala sa nakikita.

Paanong nandito siya? Bakit sa lahat ng hospital na pwede siyang mag-donate ay rito pa talaga sa hospital kung saan ako nagta-trabaho? Hindi pa rin pala tinitigilan ng tadhana ang pakikipaglaro sa'kin hanggang ngayon.

"Why are you crying?"

Napakurap-kurap ako nang marinig ang marahang bulong ni Mira.

"H-huh?"

Itinuro niya ang mukha ko.

Kaagad kong kinapa ang mukha ko at doon napagtanto na basang-basa pala iyon dahil sa mga luha! Kaagad kong kinuha ang panyo mula sa bulsa ng scrubs ko at pinunasan ang mga iyon.

"Thank you."

Naibalik ko ang aking tingin sa stage nang marinig ang pagtatapos ng speech ni Rafael. Ngunit isang malaking pagkakamali ang ginawa ko, dahil nang lumingon ako ay nakatingin na rin pala siya sa'kin.

Even from the distance, I saw how his brown eyes dilated, his mouth open, his chest, heavily moving up and down.

"Mister Dela Vega?" Tawag sa kaniya ni Dr. Harrison nang hindi pa rin siya gumalaw kahit na tapos na ang kaniyang speech.

Namilog lalo ang mga mata ko kasabay ng lubhang pagtibok ng puso ko nang magsimula siyang maglakad pababa sa stage, ang kaniyang mga mata'y nakatitig sa'kin. Tila ba nawawala siya sa reyalidad.

"Mister Dela—"

Nalunod sa sigawan ang tibok ng puso ko nang biglang napahinto si Rafael sa paglalakad, napahawak sa kaniyang ulo habang kunot ang noo na tila ba namimilipit sa sakit, bago tuluyang nawalan ng malay.

"What happened?!" Natatarantang tanong ni Mira nang pagtulungang buhatin si Rafael patungo sa isa sa mga kwarto ng hospital.

Nanatili akong nakaupo, walang mga salitang lumalabas sa bibig ko. Patuloy lamang ang pagtulo ng aking mga luha, tinatanong ang sarili kung ano'ng nangyari. Kinailangan pa akong hilain ni Mira bago ako tuluyang makatayo.

Strings In An Angel's Wings (Chains of Puppetry Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon