Chapter 27

22.6K 359 23
                                    

Chapter 27

“Hm, this is the fifth floor's pool.” Aniya habang iginigiya ako palapit sa malawak na pool ng huling palapag.

Tumango naman ako. Kanina pa ako manghang-mangha sa mga nakikita sa mansyon. Inuna namin ang unang palapag, sunod ang ikalawa, tatlo, apat, at ngayon naman ang ikalima.

Sa sobrang daming mga magagandang bagay sa loob ng mansyon ay halos hindi ko na matandaan ang bawat isa sa mga ito. Tanging pagkamangha lamang ang nararamdaman ko.

Ang lahat ng palapag ng mansyon ay mayroong malalawak na swimming pool. Ngunit hindi lang iyon ang pinaka nagpapamangha sa akin.

Ang unang palapag ay may magandang gallery set. Naroon ang mga litrato ng pamilya nila Rafael. Ang kanilang mga mukha ay nasa malalaking picture frame na nakasabit sa pader.

Ang ikalawang palapag ay may art gallery kung saan nakasabit naman ang ibat-ibang mamahaling paintings na ayon kay Rafael ay galing pa raw sa ibang bansa. Ang iba ay binibili bilang souvenir sa bawat lugar na pinupuntahan ngunit karamihan daw ay binili nila mula sa auction. Naroon din ang kwarto ni Atlas Dela Vega at katabi nito ay ang art studio dahil mahilig itong magpinta.

Ang ikatlong palapag ay may boxing, gym, at billiard room. Doon naman mahilig manatili si Rafael kapag wala siyang ginagawa sabi niya. Naroon din daw ang kaniyang office para sa trabaho.

Nasa ikaapat na palapag naman ang kwarto ni Leon. Katabi nun ay music studio, gym, at mayroon ding kwarto para sa pagfi-figure skating! Ang sabi ni Rafael ay hindi raw ito mahilig mag figure skating ngunit ang best friend daw nito ay oo at pinagawa niya ito para rito.

Itong ikalimang palapag naman ay tila ang pinaka-simple ngunit makapigil hininga at nakakatakot kung sakaling maiiwan akong mag-isa lalo na t'wing gabi. Mayroong mga... costume ng isang knight. Kagaya ng mga nasa palasyo sa pelikula. Nakahilira ang mga ito. Ayon kay Rafael ay ito raw ang kwarto kung saan sila nagsasanay ng self defense nang mga bata pa sila at maging hanggang ngayon.

“I was a black belter when I was in high school,” kwento niya at ngumiti.

Black belter? Taekwondo ba?

Nag-iwas ako ng tingin bago tumango.

“Tapos na ba?” Tanong ko—kunyaring hindi ako manghang-mangha sa mga nakita.

Napakarami pang mga magagandang lugar sa mansyon ngunit hindi ko na maalala kung ano ang mga ito dahil masyado akong namamangha!

Umiling siya na nagpakunot naman sa aking noo.

“I still have something to show you. Come,” aniya ay iginiya akong muli sa elevator.

Bumuntong hininga ako. Heto na naman... hindi ko alam kung bakit pero parang hindi ako makahinga sa t'wing nasa loob ako ng elevator! Para bang kulang na kulang ang oxygen na naroon para sa aming dalawa!

“Meona?” Nag-aalalang tawag ni Rafael nang mapansing hindi ako sumusunod sa kaniya.

“Uh,” kaagad akong lumakad palapit sa kaniya.

“Hm, this is the last, okay? You can rest after this.” Aniya at pinindot ang number 3 sa elevator.

Pinanood ko naman siyang gawin iyon.

“Meona...” tawag niyang muli kaya napaangat ang aking tingin.

“H-huh?” Gulat kong tanong.

“Today is your birthday. Do you want us to go somewhere and celebrate? Let's go where you want with your friends.” Suhestiyon niya na kaagad ko namang inilingan.

Strings In An Angel's Wings (Chains of Puppetry Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon