Chapter 18
“Ano'ng ibig mong sabihin?” Naguguluhan kong tanong.
“That... guy you were with last night. I saw you give him the soothing gel I bought for you.” Sambit niya—mabibigat ang paghinga na tila kinokontrol ang sarili.
Namilog ang mga mata ko nang mapagtanto ang kaniyang tinutukoy. “Ah, si Jack? Masakit din kasi ang katawan niya dahil sa trabaho kaya binigyan ko siya nung bigay mo. Tatlo naman iyon. Hindi ko naman mauubos 'yon kaya akala ko... ayos lang na bigyan ko siya.”
Tumalikod siya sa'kin, “Damn!” mahina niyang saad at tumingala.
“Pasensya na. Hindi ko alam na bawal palang ibigay 'yong iba. H-hayaan mo at papalitan ko na lang.” Sambit ko bahagyang nanlulumo.
Sumisikip ang dibdib ko sa 'di ko maipaliwanag na dahilan. Gusto ko lang naman na bigyan din noon si Jack kasi masakit din ang katawan niya lalo pa't siya pala ang sumalo ng mga tray na dapat ako ang maghahatid noong na-late ako dahil sa nangyari sa bangko.
Humarap siya sa'kin—tila nagsisisi sa sinabi. “I'm sorry,” aniya at tiningnan ako. “I didn't mean to offend you. I just... it's just that I bought those soothing gels for you. It kinda hurt when you easily give one to that boy.” Aniya na para bang nagsisisi sa sinabi kanina.
Naguguluhan akong tumango. “Pero bakit... ka masasaktan na binigay ko 'yong isang soothing gel kay Jack? Bawal?” Tanong ko.
Kinagat niya ang kaniyang ibabang labi bago ako tiningnan. “If you want to give him one, tell me. I'll give him some money so he can buy one himself. You didn't have to give him the ones I bought for you.” Aniya at nag-iwas ng tingin.
Sentimental siya?
“May pera naman si Jack. Kaya naman niyang bumili kahit 'di mo siya bigyan. Sadyang sumakit lang talaga ang katawan niya no'n at hindi naman pwedeng bibili pa siya sa malayo kaya ibinigay ko na lang iyong isa sa mga binili mo.” Paliwanag ko.
Mabigat ang paghinga ay tumango siya na parang naiintindihan iyong sinabi ko.
“Iyon na ba... ang nagpapainit sa ulo mo?” Nag-aalangan kong tanong.
Tiningnan niya ako na parang na-offend siya sa tanong ko. “Na ba...” Pag-uulit niya at kinagat ang ibabang labi.
“Huh? Bakit?”
“Do you... perhaps like that boy?” Tila hirap na hirap niyang tanong.
“Huh?” Namilog ang mga mata ko dahil sa kaniyang biglaang tanong.
“Fuck!” Pabulong niyang mura. “Don't answer that.” Aniya at bumuntong hininga.
Ayos lang ba siya?
“I'm sorry, I know it's personal. Don't answer that.” He said and apologetically smiled.
Ayan na naman 'yong ngiti niya.
“Hindi, ayos lang. Si Jack ba? Oo, gusto ko siya. Mabait kasi siya sa'kin. Siya 'yong una kong naging kaibigan bago sila Summer at Jake eh.” Sambit ko habang nag-iinit ang buong mukha. Paano ba naman kasi kung ano-ano lang ang naitatanong niya.
BINABASA MO ANG
Strings In An Angel's Wings (Chains of Puppetry Series #1)
General FictionSTATUS : COMPLETE Meona's life is defined by her mother's manipulative and abusive behavior. From a young age, she's been entangled in a web of rules and emotional turmoil, constantly striving to follow her mother's orders so she can please her. How...