Chapter 37
Matapos naming kumain ay naglibot kami sa mall para humanap ng magandang lalaruin. Natigil ako sa harap ng isang malawak na parte ng mall kung saan may mga bumper cars. Ang akala ko ay sa mga carnival lang nakikita ang mga ganito!
Mga bata pa kami nang huli kaming sumakay sa ganito. Noong dinala kami ni tatay sa carnival noong fiesta sa dati naming tinitirahan.
"Meona?"
Napakurap-kurap ako nang marinig ang marahang pagtawag ni Rafael. Ang kaniyang boses ay puno ng pag-aalala.
"H-huh?"
"Do you want to ride there?" Tanong niya, pinupunto ang bumper cars.
Namilog ang mga mata ko kasabay ng aking pag-iling. "H-hindi na! P-pambata lang ata 'yan..." Sambit ko at nag-iwas ng tingin.
Walang mga naglalaro sa bumper cars ngayon. Siguro ay dahil karamihan sa mga narito sa mall ay mga matatanda na at hindi na naglalaro sa mga ganito.
"Hm, let's go there." Aniya at hinawakan ang pulso ko.
Kinagat ko ang aking ibabang labi habang patungo kami roon. Pinagtitinginan kami ng mga taong kasabay naming maglakad kanina.
"Hoy! Ano'ng gagawin natin diyan?!" Pagsisigaw ni Jack nang mapansing hindi na kami nakasunod sa kaniya. Pati kasi si Jake at Summer ay sumunod sa amin.
Ngumisi si Jake sa kaniya. Napasimangot naman si Jack at nagmamartsang lumapit sa amin.
"Libre mo?" Pabirong tanong ni Jack kay Rafael habang namimili siya ng kaniyang sasakyan.
Nakakagulat na pinayagan kami ng may-ari na gamitin ang mga bumper cars lalo pa't medyo maliit ang mga ito.
"Kay Meona 'yang pink," parinig ni Rafael kay Jack na mukhang pinag-i-interesan ang pink na bumper car.
"Tinitingnan ko lang!" Depensa ni Jack at kaagad na tinungo ang blue na bumper car.
Mahina akong tumawa nang tawanan siya ni Jake. Inabot ni Jake ang dalawang pulang bumper cars at hinila iyon para sa kaniya at kay Summer. Si Rafael naman ay hinila rin ang isa pang pink na bumper car.
Nag-init ng nga pisngi ko nang mapagtantong pareho ang kulay ng aming bumper cars.
"Third wheeling lang muna ako," bulong-bulong ni Jack sa gilid habang sumasakay sa bumper car.
Kinagat ko ang aking ibabang labi habang sumasakay sa sarili kong bumper car. Marahan akong humawak sa maliit na manibela nito. Nag-init ang puso ko dahil sa pamilyar na pakiramdam.
"Ah!" Napatili ako nang biglang banggain ni Jack ang sasakyan ko.
Humalakhak siya at umatras bago mabilis na pinaabante ang sinasakyan, dahilan para mabangga ulit ako.
Napatili muli ako at sinubukang tumakas ngunit hindi ko na maalala kung paano kontrolin ang bumper car ko!
Humalakhak ulit si Jack at umabanteng muli. Natataranta kong inikot-ikot ang manibela ng bumper car ko ngunit huli na dahil palapit na siya sa'kin! Mariin akong pumikit—hinahanda na ang sarili para sa impact ng pagbangga sa'kin ni Jack.
BINABASA MO ANG
Strings In An Angel's Wings (Chains of Puppetry Series #1)
General FictionSTATUS : COMPLETE Meona's life is defined by her mother's manipulative and abusive behavior. From a young age, she's been entangled in a web of rules and emotional turmoil, constantly striving to follow her mother's orders so she can please her. How...