Chapter 64

19.3K 281 73
                                    

Chapter 64

"Ang ganda-ganda mo, Ate Meona!" Nasasabik na sambit ni Rica habang pinagmamasdan akong nakaharap sa salamin, malapad ang kaniyang ngiti.

Napatalon-talon pa siya nang tuluyan akong humarap sa kaniya.

I'm wearing a puff-sleeve A-line satin green dress that reaches down to my shoes. The puff sleeves are white, while the rest of the dress is satin green. A long white fabric tied in a ribbon design serves as the belt of my dress, with its ends also reaching the hem of the dress.

Marahan akong ngumiti at pinisil ang kaniyang pisngi.

"Salamat. Ang ganda-ganda mo rin, Rica..." Sambit ko na nagpahagikhik naman sa kaniya.

Bumaling ako kay Rafael na kanina pa nakasandal sa pintuan. He's wearing a black tuxedo suit like the rest of the guests at the wedding.

Kanina pa siya nakatingin sa'kin. Habang inaayos ko ang damit ko ay napansin ko ang kaniyang panay na pagdila at pagkagat sa kaniyang ibabang labi at ang mayat-mayang paggalaw ng kaniyang adams apple.

Pilit ko namang hindi iyon pinansin dahil sa t'wing nakikita kong ginagawa niya iyon habang nakatitig sa'kin na para bang masarap ako na pagkain at hindi na siya makapaghintay na kainin ako ay nag-iinit ang buong mukha ko.

Today is Jake and Summer's wedding.

In the past few days ay nanatili lamang kami ni Rafael sa kaniyang condo.

We agreed na hindi namin pipilitin ang kaniyang mga alaalang bumalik kaagad.

Ang sabi naman ng kaniyang doktor ay pwede raw naming puntahan magkasama ang mga lugar na memorable para kay Rafael bago siya nagka-amnesia. Maaari raw iyong makatulong para unti-unting bumalik ang kaniyang mga alaala. Napagkasunduan namin na sisimulan namin iyon pagkatapos ng kasal ni Summer at Jake.

ᝰ.

"Kinakabahan ako, Rafael..." Sambit ko nang tuluyan kaming makalabas sa office ng doktor ni Rafael.

Kaagad na binalot ng pag-aalala ang kaniyang mga mata.

"Why?" Marahan niya akong ikinulong sa kaniyang mga braso.

Isinandal ko naman ang aking pisngi sa kaniyang dibdib.

"Kaunti lang ang mga lugar na napuntahan natin noon, Rafael. Sa restaurant, sa mansyon, sa mall. Hindi ko nga alam kung memorable ba iyon. Paano kung mapuntahan na natin lahat ng 'yon, tapos hindi pa rin bumalik ang mga alaala mo?" Ipinalibot ko ang aking mga kamay sa kaniyang baywang.

"Don't say that. Anywhere with you is memorable." Bulong niya at marahang pinatakan ng halik ang tuktok ng aking ulo.

Bumalik na ang ilan sa kaniyang mga alaala tungkol sa akin, pero hindi pa ang lahat. Maging ang ilan sa mga alaala niya bago niya ako makilala ay hindi pa raw bumabalik.

"And it's okay even if I don't get all of my memories back. My memories of you is the memory that matters the most to me." Aniya at mahigpit akong niyakap.

Nag-init ang mukha ko dahil nasa gitna kami ng daan ng hospital kaya pinagtitinginan tuloy kami ng ibang mga nurse at pasyente.

Bahagyang kumirot ang dibdib ko nang tuluyang mapagtanto ang sinabi niya.

"Don't say that, Rafael..." saway ko at marahang humiwalay sa pagkakayakap niya. "Paano ang mama mo? Ang papa mo? Ang mga kapatid mo?"

Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa kaniyang mga mata. Kahit na sabihin niyang ako ang pinakamahalagang tao sa buhay niya, hindi niya maipagkakaila ang pagmamahal niya sa kaniyang pamilya. Alam kong lubhang mahalaga rin sa kaniya ang pamilya niya, kahit na ilang beses niyang sabihin sa'kin na kaya niya silang talikuran kung pipilitin nila siyang iwan ako.

Strings In An Angel's Wings (Chains of Puppetry Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon