Chapter 46

17.5K 221 22
                                    

Chapter 46

Marahan akong pinainom ni Rafael ng malamig na tubig. He's sitting beside me, gently caressing my back while whispering gentle and reassuring words.

“You're safe here...” marahan niyang bulong habang umiinom ako ng tubig.

Tumango ako at nanginginig ang mga kamay ay ibinalik sa kaniya ang baso. Tinanggap niya iyon at inilagay sa lamesa sa tapat ng couch ng kaniyang kwarto.

Bumaling siya sa'kin, namumungay ang mga mata.

“Come here,” aniya at binuksan ang mga kamay.

Marahan akong gumapang patungo sa kaniya, nangingilid muli ang mga luha. Ipinalibot niya ang mga kamay sa'kin, mahigpit akong niyakap.

“Calm down, baby... I'm here. I won't leave...” marahan niyang pinatakan ng halik ang aking noo.

Napahikbi ako sa sobrang init ng kaniyang yakap.

Mas lalo kong ipinikit ang aking mga mata, ang mga luha ay nagbabadya na namang tumulo.

Tama si Nat. Sa mga nangyari kay Rafael, napakaswerte ko na nasa buhay ko ngayon si Rafael. Ang maisip na posible siyang mawala... na hindi ko na siya makikita ulit... ang sakit-sakit. Ayoko.

“Baby...” he scooped me so he could hug me tighter.

Napahagulhol lalo ako.

“A-ang sabi sa'kin ni Nat...i-ilang beses daw... kayong napahamak...” hagulhol ko nang maalala lahat ng mga sinabi ni Nat. Parang binibiyak ang puso ko.

“Why would she tell you that?” marahan ngunit dinig ko ang puot na nanunuot sa kaniyang boses.

Umiling ako sa kaniyang dibdib.

“W-wala siyang... kasalanan, Rafael. A-ako ang nagtanong...”

“But still! Damn it!” mas hinigpitan niya lalo ang kaniyang pagyakap sa'kin, para bang anumang oras ay maaari akong dumulas palayo sa kaniya kung hindi niya gagawin iyon, ang kaniyang mukha ay ibinabaon sa leeg ko. “Is that why you're crying?”

I nod. “N-natatakot ako... Ayaw ko... ayaw kong... maiwan na naman, Rafael. Ayaw kong maiwan ulit...” humagulhol ako nang maalala kung gaano kasakit noong tuluyan kaming mamulat na hindi na babalik si tatay.

“I won't leave you, baby... I'm safe here. Hindi ako mawawala... Don't worry about me, please... Ayokong nasasaktan ka...” he was...begging me. Ramdam ko ang pagpatak ng mainit niyang luha sa aking leeg habang mahigpit akong niyayakap.

“H-hindi ko gustong maiwan ulit, Rafael... Ayaw kong mawala ka...”

“I know, baby... I know... That's why I won't leave. I will never leave you. Even death wouldn't be able to stop me... Even if I die, one word from you...begging me to come back, I will do everything to be with you again... I will conquer everything just so I can go back to you... I will always find my way back to you, my love...”

Mas lalo akong napahagulhol sa narinig.

“I had never been scared of dying before, Meona. I never feared it. That's why when Leon was beaten up while we were in that truck, I didn't hesitate to try and save him, even if I knew that I could die... I didn't care. As long as I could save him, I didn't care. Because I never feared it. Not until now... seeing your tears, seeing you crying... afraid of losing me, baby, I have never been so scared in my entire life. I have never feared death until now... I have never felt the will to live longer until now... Because, baby... nothing breaks my heart more than when you break yours... My heart is stringed to yours... a heartbreak of yours is a tripled heartbreak of mine. If losing me will make you cry like this, then I'm gonna do everything for me to live as long as you want me to. For as long as you want me to be by your side, I will be here... So don't be scared, because your Rafael will never leave you. I will always be here, baby.”

That morning was a blur to me. Hindi ako nakasama kila Nat at Kevin sa pamimili ng prutas dahil sa nangyari kaninang umaga. Hapon na nang magising ako, nasa gilid ko si Rafael, nakaupo sa maliit na upuan at ang ulo'y nakahiga sa aking kama, hawak-hawak niya ang kamay ko.

Marahan akong ngumiti at hinaplos ang kaniyang buhok. Pinagmamasdan ko siya, may kung ano sa aking puso na tumatalon sa saya.

Kahit tulog ay tila galit pa rin siya. Paano ba naman, napakatikas ng mga features niya sa mukha. Lalo na ang kaniyang makapal na kilay at hulmadong panga.

Ramdam ko pa rin ang bigat sa aking dibdib dahil sa nangyari kanina, ngunit mas magaan na ngayon kumpara kanina na pakiramdam ko'y hindi ako makakaahon sa bigat.

Habang pinagmamasdan siyang tahimik na natutulog, ang kaniyang pisngi ay nakapatong sa kamay ko, mas lalo kong napagtanto kung gaano siya kapayapa. Kahit simpleng pagtitig sa kaniya ay nagdadala sa'kin ng katahimikan... para bang ligtas ako kapag nariyan siya... dahil hindi niya ako iiwan. Dahil dito lamang siya sa tabi ko.

“Rafael...” marahan kong tawag sa kaniya. Sigurado akong hindi siya kumportable sa pwesto niya, kaya mas mabuti kung sa kama ko rin siya mahihiga.

Marahan siyang dumaing—ipinabaon lalo ang mukha niya sa kamay ko, ginagawa iyong unan.

Marahan akong ngumiti. Nag-iinit ang puso ko.

“Rafael, dito ka na lang matulog,” tawag ko sa kaniya, gamit ang isang kamay ay sinuklay ko ang kaniyang buhok.

Unti-unting dumilat ang kaniyang mga mata. Namumula ang mga ito—parang kanina pa siya umiiyak.

Nang magtama ang aming mga tingin ay kaagad siyang tumayo at umupo sa aking kama. Mahigpit niya akong niyakap.

“I'm sorry...” he gently whispered. Pinatakan niya ng halik ang ulo ko.

“Wala kang dapat na ihingi ng tawad, Rafael. Kasalanan ko... ako ang nagtanong kay Nathaira.”

“No...” he breathed, parang ayaw niyang akuin ko ang kasalanan. “If I had just told you about it earlier, you wouldn't be scared like that. You could've had more time to process it. I could've hugged you while I told you about it...”

Umiling ako.

“Wala kang kasalanan, Rafael... At salamat, dahil hindi mo ako iniiwan...” sambit ko, bahagyang kimikirot ang dibdib.

Marahan siyang ngumiti. Inangat niya ang kamay ko patungo sa kaniyang mga labi. Pinatakan niya iyon ng malalambot na halik.

“You're my whole heart, Meona. Have you ever seen someone live without their heart?”

Ala una y medya nang makapag-desisyon akong bumaba upang magtrabaho. Nakailang pigil si Rafael, ngunit sa huli ay pumayag din.

“But you're not yet feeling well...” inabot niya ang pisngi ko, marahan akong hinahaplos doon.

Ngumiti ako at ihinilig doon ang pisngi ko. “Maayos na ang pakiramdam ko, Rafael... Ito ang gusto ko. Gusto kong... tumulong para sa birthday ni Leon...”

“Are you sure?”

Tumango ako. Napatitig siya sa mga mata ko, tila binabasa na naman ako. Sa huli ay marahan na lamang siyang ngumiti at tumango.

“Salamat, Rafael...” sambit ko, nakahilig pa rin ang pisngi ko sa kaniyang kamay.

“You don't have to thank me, baby...” marahan niyang hinalikan ang kamay ko. “If that's what you want... If it will make you happy...”

Tumango ako, ramdam ang init na bumabalot sa puso ko.

“'Wag... mo'kong iwan ha?” tumitig ako sa kaniya, puno siguro ng emosyon ang mga mata ko dahil lumambot lalo ang ekspresyon niya.

“Never,” bulong niya at marahang pinatakan ng halik ang kamay ko.

Strings In An Angel's Wings (Chains of Puppetry Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon