Chapter 11
Tahimik kaming lumabas ng restaurant matapos kong sabihin na gusto ko ng umuwi. Pinagbuksan niya muli ako ng pinto kaya dali-dali akong lumabas. Unti-unting namumuo ang hiya sa kalooban ko dahil nakatutok sa amin ang mga mata ng mga customers ng restaurant.
"Ah, p-pwede namang... h-hindi mo na ako ihatid. Magta-tricyle na lang ako. Maaga pa naman." Sa wakas ay sambit ko upang mabasag ang katahimikan.
Mula sa paglalakad sa likuran ko ay huminto siya sa harapan ko. Ngayong nasa harap ko siya, nakatayo na parang isang mataas na tore, doon ko lang napagtanto kung gaano siya katangkad.
Hanggang dibdib niya lang ako!
"At pwede rin naman kitang ihatid kasi maaga pa." Aniya na para bang binabara ako.
Napanguso naman ako. Inaaway niya ba ako?
"'Y-'yon nga... P-pero pwede rin naman na hindi na." Nag-iwas ako ng tingin ng humakbang siya dahilan para maging sobrang lapit niya sa'kin.
"Bakit hindi?" Tanong niya na tila isa iyon sa mga mahahalagang katanungan sa mundo na kailangan na kailangan ng kasagutan.
"Uh..."
"You let my brother drive you home but you refuse when I want to drive you home. Do I make you uncomfortable, Meona?" Nanindig ang mga balahibo ko nang mabanggit niya ang pangalan ko.
Napalunok ako dahil sa kanilang tatlong magkakapatid... siya lang talaga ang hindi ko kayang kausapin nang maayos.
Paano ba naman kasi, ang unang kita namin ay galit kaagad siya sa'kin. Nawalan pa ako ng trabaho. Pero si Leon at Atlas, naging mabait sila sa'kin no'ng araw na 'yon... hindi gaya niya. Pero sabagay... nasira ko nga naman iyong laptop niya kaya nararapat lang 'yon sa'kin.Sa kanilang tatlo, si Rafael Dela Vega ang tila may delekadong aura. Iyong tipo na kapag makasalubong mo siya sa daan, parang kusa kang lilihis para lang hindi siya mabangga.
Lalo na kung tititigan siya... para siyang iyong mga modelo sa magazine. Kumpara sa kaniyang dalawang kapatid, siya ang may pinaka matikas na pangangatawan. Kayumanggi siya—hindi kagaya ng kaniyang dalawang kapatid na mukhang hindi pa naarawan mula nang ipanganak.
Ang kaniyang panga ay maayos ang pagkakahulma. Matangos ang ilong, ang mga mata'y kulay kayumanggi, at ang kaniyang mga labi'y tila kinagat ng langgam kaya namumula. Ang salitang modelo ay para lamang sa kaniyang mukha. Kung isasali ang kaniyang katawan... tila isang insulto kung modelo pa rin ang gagamitin para ilarawan siya. Dahil sa kabuuan kung tititigan siya... papasa siya bilang isang karakter sa Greek Mythology.
May kamukha nga ang katawan niya sa mga karakter na naroon base sa mga librong nabasa ko. Mas maganda pa nga ang kaniya.
Siguro pwede siya bilang si Zeus.
Pero... paano ko naman nasabi na maganda ang katawan niya kung hindi ko pa naman iyon nakikita?
"Done checking me out, angel?"Napakurap-kurap ako nang mapagtantong nakatitig na pala ako sa kaniya!
Kaagad akong nag-iwas ng tingin.
Marahal siyang tumawa na nagpatindig naman lalo sa mga balahibo ko. "It seems like I do make you uncomfortable huh?" Aniya dahilan upang maibalik ang atensyon ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Strings In An Angel's Wings (Chains of Puppetry Series #1)
General FictionSTATUS : COMPLETE Meona's life is defined by her mother's manipulative and abusive behavior. From a young age, she's been entangled in a web of rules and emotional turmoil, constantly striving to follow her mother's orders so she can please her. How...