Chapter 22
Nag-usap kami ng ilang oras tungkol sa mga patakaran at sa mga gawain ko sa bahay bago ako tuluyang umuwi. Pinapili niya ako ng kung anong department ang gusto ko kaya pinili ko ang sa pagluluto dahil nasanay na rin ako dahil sa pagtatrabaho sa restaurant. Bagama't hindi ako chef sa restaurant, nakikita ko naman si Chef Luis na nagluluto at sinusubukan ko minsan sa bahay kaya ako natuto.
Isang araw lang daw ang day off ko at iyon ay tuwing Linggo. Magkakaiba raw ang mga kwarto ng bawat departamento. Ang mga katulong ay nasa dalawang malalaking kwarto o 'maids' quarters' kung tawagin ni Manang Ariella. Kami namang mga cook ay may kaniya-kaniyang kwarto. Para raw kapag magkasakit ang isa sa amin, hindi kami magkahawaan dahil nararapat daw na malinis kami dahil sa pagluluto ang aming trabaho. Hindi raw kami pwedeng pumalpak dahil hindi basta-bastang mga tao ang mga bisita ni madame. Sabi rin ni Manang Ariella na sa isang 'spare guest room' na lang daw ako tutuloy imbes na sa mga katabing kwarto ng ibang mga cook dahil wala raw gumagamit doon.
Pinauwi muna ako ng madame para raw kuhanin ang mga gamit ko at makapaghanda para sa pagpasok ko kinabukasan.
Parang nakahiga ako sa ulap sa sobrang saya ko!
Habang nasa byahe ay chineck ko na ang mga mensaheng natanggap habang nag-a-apply. May minsahe si Summer, Jake, Jack, at Rafael. Ngunit sa kanilang apat ay si Rafael ang may pinakamarami.
Summer:
Meona, kamusta? Sana maging maayos ang kalabasan ng pag-a-apply moJake:
Summer told me to message you good luck.Jack:
Hoy! Good luck diyan ha! Kapag natanggap ka ilakad mo ako sa mga magaganda riyan 😉Mahina akong tumawa sa mensahe mula kay Jack bago ni-replyan silang tatlo. Inihuli ko ang kay Rafael dahil nasisiguro kong magiging mahaba ang aming pag-uusap.
Alas tres ng hapon ako nakauwi mula sa mansyon dahil inilibot pa nila ako roon para raw bukas sa pagsisimula ko ay alam ko na ang pasikot-sikot. Napakalawak ng mansyon na ilang beses akong naligaw sa mga papasukan, laso na ng magpaalam ako para mag banyo. Mabuti na lamang at mababait ang iba kong kasamahan at pinagtyagaan akong turuan. Sa tingin ko naman ay hindi ako mahihirapang makisama sa kanila.
Nang makababa ako mula sa tricycle ay kaagad akong umakyat sa aking kwarto, nagpapasalamat na wala pa rin si nanay ngunit nanlulumo dahil alam ko kung nasaan siya marahil.
Binuksan ko ang aking sling bag at kinuha mula roon ang baon kong tsokolate na bigay ni Rafael. Hindi ko iyon nakain kanina dahil wala akong panahon lalo pa't napakabilis ng mga pangyayari.
Nagsimula akong kainin iyon habang binabasa ang kaniyang mga mensahe.
Rafael:
Leon mentioned you're on a date. Is that true?
Are you still on your date?
Did you have lunch? I bought some donuts for you.
I heard from Jack that you like books. I can give you some of mine if you want.
Did your date make sure you had lunch? It's past 12.
It's 2:00 PM. Still on your date? :(
We'll meet later, right? At the restaurant?
I can't wait to see you, Meona
Napanguso ako nang mabasa ang napakadaming mensahe mula kay Rafael. Nag-iinit ang buong pisngi ko sa t'wing nababasang muli ang iba roon.
Paano ko ito re-replyan?
Ako:
hi ☺️Kinagat ko ang ibabang labi dahil sa hiyang nararamdaman. Sa dinami-dami ng mensahe niya ay hindi ko alam kung ano ang uunahin at mad lalong hindi ko alam kung paano ako sasagot.
BINABASA MO ANG
Strings In An Angel's Wings (Chains of Puppetry Series #1)
General FictionSTATUS : COMPLETE Meona's life is defined by her mother's manipulative and abusive behavior. From a young age, she's been entangled in a web of rules and emotional turmoil, constantly striving to follow her mother's orders so she can please her. How...