Chapter 5

27.2K 479 23
                                    

Chapter 5

"Leon Matthew Dela Vega, Leon na lang," Pakilala sa akin ng mahilig magbasa ng libro sabay abot ng kaniyang kamay.

Ngumiti ako at tinanggap ang kaniyang kamay, "Meona," sambit ko naman.

"Tyson Atlas. Call me Atlas." Pakilala naman ng laging nakatulala.

Ngumiti ako at tinanggap din ang kaniyang kamay at inulit ang aking pangalan. "Meona."

Binalingan ko ng tingin ang laging galit na Dela Vega—nag-aantay na siya naman ang magpakilala.

Bagkus na magpakilala ay nanatili lamang siyang nakatingin sa akin habang nakakunot ang noo.

Umiwas ako ng tingin sabay napayuko. Siguro ay galit pa rin siya sa'kin.

Ano nga ulit 'yong pangalan niya? Rafael? First name ba o second name niya iyon?

"Meona," tawag sa akin ni Leon kaya kaagad ko siyang binalingan. "umupo ka muna." Aniya.

Namilog ang aking mga mata at kaagad na umiling. "Hindi na, Leon. Babalik na rin po kasi ako sa kusina. Gusto ko lang po talagang magpasalamat ulit."

"Ah, I see... You have a lot of customers today." Sambit niya ulit at tumingin sa paligid. Napatingin din ako roon. Namilog ang mga mata ko dahil natataranta na sila Jack at Jake sa pagse-serve! Maging si Summer ay hindi na alam kung ano ang uunahin sa mga lamesa.

Kaagad kong ibinalik ang atensyon kay Leon. "Babalik na po ako sa trabaho. 'Wag niyo na pong bayaran ang orders niyo ha. Ako na po ang magbabayad."

Nakangiting tumango sa akin si Leon kaya ngumiti rin ako pabalik bago tuluyang bumalik sa kusina para tumulong. Napansin ko pa ang pagbaling ni Leon sa masungit niyang kapatid at ang pagguhit ng malapad na ngisi sa kaniyang mga labi.

"Meona, saan ka ba nanggaling?!" Si Sir William na kaagad akong inabutan ng dalawang tray pagkapasok na pagkapasok ko sa kusina.

"Ah, may order lang po na hinatid." Paliwanag ko naman ngunit hindi na niya iyon napansin dahil sa pagmamadaling tulungan ang ibang empleyado sa paglalagay ng mga pagkain sa tray.

"Kailangan na nating magdagdag ng mg empleyado!" Aniya habang naabala sa paghahanda ng mga ise-serve.

Dali-dali naman akong lumabas ng kusina at isa-isang inihatid ang mga order.

Namataan ko si Summer na nasa table ng mga Dela Vega. Naikunot ko ang aking noo dahil galing palang ako roon at wala naman silang dinagdag sa order nila.

May nangyari ba?!

Dali-dali akong lumapit kay Summer lalo na nang mapansing nakayuko siya na parang ayaw niya silang tingnan.

Hindi ko alam kung bakit pero umakyat ang init mula sa aking mga kamay patungo sa aking noo. Kunot noo ko siyang tinawag.

"Summer..."

Mula sa pagkakayuko ay nag-angat siya ng tingin sa'kin.

"Meona," si Leon Dela Vega na bahagyang napaahon sa pagkakaupo.

Strings In An Angel's Wings (Chains of Puppetry Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon