Chapter 40
Ang akala ko noong una, sa tuwing sinasabi ng mga karakter sa mga librong aking binabasa na nakakaramdam sila ng 'butterflies in their stomach,' ay pagmamalabis lamang nila ito. Ngunit ngayon, habang nakapalibot ang mga kamay ni Rafael sa aking baywang at ang kaniyang baba ay nasa aking balikat, tila sa isang iglap lang ay nagbago kaagad ang aking pananaw!
"Let's stay here and talk," he softly said, his voice spreading vibrations to my neck.
Marahas kong ipinikit ang aking mga mata kasabay ng pagkagat ko sa aking ibabang labi.
"Hm, what's making you upset, Meona?"
"W-wala!" sambit ko at sinubukang tunguhin ang pinto ng CR.
Kumalabog ang aking dibdib nang hindi man lang ako makagalaw palayo sa kinatatayuan ko.
"Rafael!"
"Hindi tayo lalabas dito hangga't hindi nawawala ang tampo mo," sambit niya at marahang binitawan ang baywang ko.
Kumalabog lalo ang dibdib ko nang maramdaman ang paglakad niya patungo sa aking unahan.
"W-wala nga!" Sinubukan kong pataasin ang aking boses upang takutin siya.
Napanguso siya.
Kinuyom ko ang aking mga kamay.
"Uuwi na—ah!" napahiyaw ako nang bigla niya akong buhatin at paupuin sa counter ng CR. "Rafael!" hiyaw ko sa gulat dahil biglaan niyang hinawakan ang baywang ko saka ako binuhat nang walang kahirap-hirap gamit lamang ang isang kamay!
Kinagat ko ang aking ibabang labi nang kunin niya ang paper bag na nasa kandungan ko. Muntik pa iyong mahulog kanina.
Binalingan niya ako ng tingin. His eyes are directed to mine, as if scanning my face and trying to read me.
A few seconds later, his eyes became soft as he leaned in.
"Sorry, baby..." he whispered.
He reached for my right hand before bringing it up to his lips and planting a soft kiss on it.
"What did I do, baby?" marahan niyang tanong.
Iginiya niya ang mga kamay ko patungo sa kaniyang pisngi. He leaned into my palm as he closed his eyes—as if letting himself feel the touch of my hand.
Namilog ang mga mata ko habang pinagmamasdan siya. He was asking me as if he's so devoted to finding out the answer.
Napalunok ako. "W-wala kang g-ginawa, Rafael..." sambit ko, nanginginig ang boses.
"Then why are you suddenly upset?" he asked, then placed another kiss on the top of my palm.
"I-I'm not upset, Rafael... W-wala naman akong k-karapatang makaramdam ng ganoon..." nag-iwas ako ng tingin nang unti-unting pumasok sa isipan ko ang mga senaryo na maaari niyang gawin kasama ang ibang babae.
Nanlabo ang aking mga mata dahil sa mga luhang namumuo.
Ito na naman!
"Of course you have... You feel what you feel, Meona. It's a characteristic of a human being. Even an angel like you has the right to your emotions..."
Nag-iwas ako ng tingin dahil sa kaniyang mga nakakapasong mga mata.
Bakit siya ganito? Bakit niya laging pinaparamdam sa'kin ang mga bagay na akala ko hindi ko pwedeng maramdaman?!
His other hand reached for my chin and slowly made my head turn and face him.
"What's making you upset, Meona?" he asked again, this time, much more gently.
Pakiramdam ko'y matutunaw ako.
"Umalis lang ako para bumili ng mga kailangan para makapagbihis ka. Pagbalik ko, malungkot ka na..." His hand in my chin traveled to my cheek.
Ipinikit ko ang aking mga mata at marahang ihinilig ang aking ulo sa kaniyang kamay.
"N-naisip ko lang..." panimula ko. Nilunok ko ang kung ano mang bukol na namumuo sa aking lalamunan. "K-kung ganito ka rin ba... s-sa ibang babae?"
"Hm?" mas lumapit siya, tila nagtataka sa tinatanong ko.
"Kapag ba... may ibang babae n-na kailangan din n-ng sanitary pad... bibilhan mo rin ba sila?" buong tapang kong tanong.
Tinitigan niya ako, tila pinag-iisipan nang maayos ang kaniyang isasagot. He blinked before he kissed my hand and answered. "Of course..."
Kung kanina ay kumakapit pa ang puso ko, ngayon ay tuluyan na itong nalaglag at nabasag sa libo-libong piraso.
Nag-iwas ako ng tingin. Binawi ko ang kamay ko mula sa kaniyang pagkakahawak.
"Uuwi na ako..." sambit ko at sinubukang bumaba mula sa counter, ngunit agad akong ibinalik sa pwesto ng kaniyang braso. "A-ang sabi ko, u-uuwi na ako, Rafael!"
Tuluyang bumuhos ang mga luha mula sa aking mga mata.
"Baby..." he called and tried to reach for my cheek.
Kaagad kong iniwas ang sarili mula sa kaniyang kamay.
"'W-'wag mo na a-akong tawaging g-ganiyan!" humihikbi kong sambit. "M-marami naman p-pala kami!" Sinubukan ko siyang itulak ngunit kaagad niyang nahuli ang mga pulso ko.
"Baby... what are you talking about?" marahan niyang tanong na tila hindi talaga alam ang nangyayari.
"A-ang sabi mo gusto mo ako!" halos hindi ako makahinga dahil sa sunod-sunod na paghikbi.
"But I do..."
"S-sinungaling!" humikbi muli ako. "G-ganito ka nga rin s-sa iba eh! H-hindi n-naman pala ako espesyal!"
"What?"
Marahas kong inagaw ang mga kamay ko mula sa kaniya. "Uuwi n-na ako!"
"Baby, if you mean buying an emergency sanitary pad for another girl, of course, I'll do it if I have no other choice. What if her dress also gets stained? And she's alone? And she has no friend to call?"
Humikbi lalo ako.
Akala ko ay espesyal ako dahil sa ginawa niya!
"But... I will never treat them the way I treat you, Meona..." he whispered as he cupped my cheek while his thumb wiped my cheek.
Parang bata akong nag-angat ng tingin sa kaniya.
"I will buy them the damn emergency sanitary pad, but I will never touch them the way I touch you..." His hand touched my cheek the way he always does it. Gentle and full of emotions. "My eyes will never look at them the way it looks at you like they have their own mind, getting dazed by your beauty. They can never make my brain remember everything about them, but you... with just the mention of your name... my brain recognizes because that's the name of the most important person in its owner's life. My heart..." he held my right hand and made it touch his chest. "They can never make my heart beat the way it consciously beats for you."
He made me touch his chest and feel his beating heart—his heart that's beating like he just came from a marathon.
"My body... They can never heal me. But you... just the thought of your existence is already healing for me. What more if you're in front of me... no matter how tired my body gets, it will always find its rest with you. They can never make me feel at peace the way you do. They can never make me go crazy in love like you do."
Inabot niya ang ulo ko at marahang hinaplos ang aking buhok.
"So, no, baby... I will never treat them the way I treat you. This mind, these eyes, this heart, this body... has only one owner; you."
Marahan niyang pinatakan ng halik ang aking noo.
"Special treatment is for my baby only..."
BINABASA MO ANG
Strings In An Angel's Wings (Chains of Puppetry Series #1)
General FictionSTATUS : COMPLETE Meona's life is defined by her mother's manipulative and abusive behavior. From a young age, she's been entangled in a web of rules and emotional turmoil, constantly striving to follow her mother's orders so she can please her. How...