Chapter 16

23.9K 328 49
                                    

Trigger Warning: Abuse

Chapter 16

Hindi ko akalain na ang simpleng paliwanag na kagaya ng kay Rafael ay kayang pagaanin ang kalooban ko.

Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi niya o nagsisinungaling lang siya para hindi na ako magalit. Pero alin man doon, ang sarap sa pakiramdam na may gagawa ng paraan nang sagano'n ay hindi na ako magalit. Ang sarap pala sa pakiramdam na malaman na may mga tao palang may pakialam sa naramdaman ko. Bagay na parang hindi ko maramdaman mula sa sarili kong pamilya.

“'Wag kang mag-inarte hindi ka espesyal!”

Iyon ang lagi kong naririnig kay nanay. Sa t'wing iiyak ako dahil kinuha ni ate ang laruan ko, o dahil sinadya niyang sirain ang laruan ko dahil sira na iyong kaniya, o dahil gumagawa siya ng kwento para magalit si nanay sa'kin, o kung ituturo niya ako lagi bilang may kasalanan sa lahat, iyon ang sasabihin niya sa'kin t'wing magre-react ako. Sa t'wing magagalit, iiyak, o malulungkot, iyon lagi ang sasabihin niya. Hindi ako espesyal kaya wala akong karapatang magdamdam. Tila iyon ang pinapahiwatig niya sa t'wing sasabihin niya iyon sa'kin.

“I'm sorry if I made you feel and think that way.” Dagdag niya sa nauna niyang sinabi.

Tumango ako kahit na ako lang naman ang nasa kwarto. “H-hindi... A-ayos lang. Wala naman akong karapatang magalit. Pasensya na. T-tsaka hindi ako galit.” Paliwanag ko—bahagyang nakakaramdam ng kahihiyan sa inasta.

“Really?” Saad niya na naman na mukhang hindi na naman naniniwala.

“Hindi nga!” Sambit ko na bahagyang naiirita na naman.

Ang kulit-kulit kasi! 'Di nga ako galit!

Marahan siyang tumawa sa kabilang linya na nagpanguso naman sa'kin. “Okay... Do like chocolates?” Bigla niyang tanong.

Gusto ko nga ba ang mga chocolates? Minsan lang akong nakakakain nun dahil may mga mas mahahalagang bagay akong pinaglalaanan ng pera kaya hindi ako sigurado. Pero... kung mayroon ay kakain naman ako.

“Siguro,” hindi sigurado kong sambit.

“You're not sure? Are you into sweets?” Pahabol niya muling tanong.

“Hindi ako sigurado pero kapag mayroon ay kumakain naman ako.”

“Okay, I'll buy a few boxes so you can try them.”

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. “Ha? Hindi na! Bibili na lang ako. Mags-sweldo naman na ako eh.”

“No, I'll buy them for you. You can keep your salary.” Aniya—sa tono ay tila buo na ang disisyon.

“Madadagdagan ang utang ko sa'yo...”

“Stop thinking that everything I do for you needs payment, okay? You don't have to pay for anything. You can actually have all my riches if you want.” Aniya at marahang tumawa sa huling sinabi.

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Talaga? Pero nakakahiya 'yon! Pero biro lang naman iyon.

“I'll buy you sweets tomorrow. I'll give it to you at the restaurant.”

Strings In An Angel's Wings (Chains of Puppetry Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon