Chapter 14
Matapos niyang gamutin ang pulso ko ay tahimik siyang nagmaneho patungo sa restaurant. Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong mali dahil bigla siyang natahimik sa huli kong sinabi. Alin doon ang mali? Ang sinabi ko bang magkaibigan kami?
Kinagat ko ang aking ibabang labi habang nakatingin sa aking mga kamay sa aking hita.
Oo nga naman. Bakit ko ba naman kasi naisip na magkaibigan kami? Waitress lang ako. Nagiging mabait lang siya sa'kin dahil mabait naman talaga siya—at siguro'y bilang pambawi dahil hindi maganda ang una naming pagkikita. Hindi kami magkaibigan. Ayun kila Jack ay CEO daw siya ng isa sa nga top companies sa buong mundo. Tapos magkakaroon lang siya ng kaibigang waitress na kagaya ko? Siguro'y nainsulto siya sa sinabi ko kanina.
Nang pagbuksan niya ako ng pinto ay tahimik akong bumaba dala-dala ang paper bag na may lamang soothing gel.
“S-salamat dito,” sambit ko at ipinakita ang paper bag. “Babayaran ko nalang sa sabado. Sa sabado pa kasi ang sahod ko.”
“You're welcome. You don't have to pay for it. Just use it to heal your wrists.” Sambit niya sa boses na tila buo na ang kaniyang disisyon.
Tumango ako. “Sige, salamat ulit. M-magtatrabaho na ako.”
“Okay... Do you have a restroom here?” Pahabol niyang tanong.
Tumango ako.
“Can you accompany me? I need to change.” Aniya at ipinakita ang kulay itim na damit sa kaniyang kamay.
Oo nga pala!
“S-sure! Dito,” sambit ko at tinungo ang restroom ng restaurant.
Balak ko sanang sa backdoor dumaan para hindi ako mapansin nang mga customers pero dahil nandito siya ay sige na lang lalo pa't nakakahiya naman kung sa backdoor ko siya padaanin.
Nang makapasok kami sa restaurant ay pinagtitinginan kami ng nga customers. Oh siguro siya lang ang balak nilang tingnan—hindi lang maiwasang mapatingin din sa'kin dahil kasama niya ako.
“Dito,” sambit ko at itinuro sa kaniya ang restroom.
Tumango naman siya. “Thanks,” aniya at tuluyang pumasok.
Kaagad naman akong dumiretso sa kusina nang makapasok na siya. Nag-aalab ang mga mata ni Sir William nang makita ako.
“Bakit ngayon ka lang?!” Gigil na tanong ni Sir William.
“Sorry po, sir. M-may nangyari p-po kasi... Pasensya na po.” Paliwanag ko.
“Bilisan mo at magtrabaho ka na!” Iritado niyang saad at bumalik sa trabaho.
“Meona, ayos ka lang?” Tanong ni Jack.
Tumango ako at marahang ngumiti.
“Meona, buti naman at andito ka na,” ani summer nang makita ako.
Ngumiti ako sa kaniya.
“Tulungan na kita,” si Jake at kinuha ang punong-puno na tray mula kay Summer. Hinayaan naman siya nito.
Siguro ay bati na sila?
BINABASA MO ANG
Strings In An Angel's Wings (Chains of Puppetry Series #1)
BeletrieSTATUS : COMPLETE Meona's life is defined by her mother's manipulative and abusive behavior. From a young age, she's been entangled in a web of rules and emotional turmoil, constantly striving to follow her mother's orders so she can please her. How...