Chapter 56
I didn't know what to do. Buong byahe ay nanatili akong nakaupo roon, nakasandal ang ulo sa bintana ng kotse habang patuloy sa paghikbi.
Hindi ko alam kung paano ipo-proseso ang mga nangyari-ang mga nalaman ko.
Ilang beses kong tinanong si Chester at sinabing ipaliwanag niya sa'kin ang mga sinabi niya ngunit ni isang paliwanag ay wala akong nakuha mula sa kaniya. Ang sabi niya ay malalaman ko rin daw pagdating namin sa Italy.
"Matulog ka muna," sambit ni Chester sa kalagitnaan ng kaniyang pagmamaneho.
Hindi ako sumagot. Nanatili lamang akong ganoon ang ayos. Sa kaniyang tingin ba ay makakatulog pa ako matapos ang lahat ng nalaman ko?
"Are you hungry?"
Hindi ako sumagot. Wala na akong lakas upang magsalita pa. Kahit sa pag-iyak ay pagod na pagod na ako ngunit hindi ko magawang tumigil.
"You'll find out everything once we're in Italy. For now, take some rest."
Kahit gustuhin kong matulog at magpahinga ay hindi ko magawa. Natatakot ako na baka paggising ko, may mangyari na naman na kailangan kong malaman. Pakiramdam ko'y pinaglilihiman ako lagi ng mundo.
Napabuntong hininga na lamang si Chester nang makarating kami sa airport at hindi pa rin ako natutulog kahit na ilang beses niya iyong sinabi.
Bumaba kami sa harap ng airport. Kaagad kaming nilapitan ng limang mga nakaitim na lalaki. Matatangkad at tila hindi pa naaarawan sa sobrang puti.
Si Rafael, kabaliktaran siya ng mga lalaki sa harapan ko. Iyong si Rafael...moreno siya. Manang-mana kay Sir Lucius na parang binilad sa arawan kaya naging tan. Siya lang ang ganoon ang kulay sa kanilang magkakapatid dahil si Atlas at Leon ay nagmana ang maputing kutis kay madame.
Parang sinaksak muli ang puso ko nang maalala ang kaniyang maamong mukha. Kumirot ang dibdib ko kasabay ng pagbuhos lalo ng aking mga luha.
Rafael...
"Your nonno wants you to hurry, sir," saad ng isa sa kanila.
Napabaling sila sa akin nang patuloy akong humikbi.
"You've been crying for hours for goodness sake! How in the world can you shed that much tears?!" Chester massaged the bridge of his nose, as if calming himself down.
Mas lalo lamang akong napahikbi.
'Hindi ikaw ang dumaan sa mga pinagdaanan ko kaya hindi mo ako maiintindihan.' Ang gusto kong sabihin ngunit nalunod sa aking mga paghikbi ang aking boses.
Pumasok kami sa airport. Hinila ng isa sa mga matatangkad na lalaki ang handle ng IV bag ko. Inalalayan din ako ng isa sa mga lalaki.
Dire-diretso ang aming lakad habang iginigiya kami ng limang lalaki sa counter.
Kumunot ang noo ng babaeng nasa counter. Bumaling siya sa mga taong nakapila at abala pa sa pagpapa-check ng kanilang mga passport, bago muling bumaling sa amin.
"Excuse me, sir, but you need to first-"
Natigilan sa pagsasalita ang babae kasabay ng pamimilog ng kaniyang mga mata nang may ilapag na itim na card ang isa sa limang matatangkad na lalaki.
BINABASA MO ANG
Strings In An Angel's Wings (Chains of Puppetry Series #1)
General FictionSTATUS : COMPLETE Meona's life is defined by her mother's manipulative and abusive behavior. From a young age, she's been entangled in a web of rules and emotional turmoil, constantly striving to follow her mother's orders so she can please her. How...