Chapter 32

22.2K 307 9
                                    

Chapter 32

“Kamusta ang pang-aakit mo kay Leon?” Iyon ang bungad na tanong ni nanay nang sagutin ko ang kaniyang tawag.

Napalunok ako bago sumagot. “Ayos naman po, 'nay...” Pagsisinungaling ko.

Sorry po, 'nay, kung nagsisinungaling na naman ako.

“Mabuti naman. Oh, bukas ha? 'Yong sweldo mo, ihatid mo rito sa bahay at may kailangan akong bilhin.” Aniya at tuluyang ibinaba ang tawag.

Nanginginig ang mga kamay ay inilapag ko ang cellphone sa kama. Patihaya akong humiga at tinitigan ang kisame. Hindi ko pa nakakausap si madame tungkol doon.

“Let's talk again later. For now, you should take some rest. I'm sorry...”

Iyon ang sinabi ni Rafael bago pa man ako makasagot sa kaniyang tanong.

Imbes na isipin ang mga sinabi ni nanay ay pinag-isipan ko na lamang ang nga sinabi ni Rafael.

Ang sabi niya ay ayaw niyang... i-take advantage ako. Naiintindihan ko siya. Ang akala niya ay kumportable lamang ako sa kaniya dahil kaibigan ang turing namin sa isat-isa. At ayaw niyang maging kumportable ako sa kaniya dahil doon—sa pagkakaibigang iyon, dahil ang totoo ay... may gusto siya sa'kin—hindi lamang bilang kaibigan.

Gusto niyang maging kumportable ako sa kaniya kahit na alam kong may gusto siya sa'kin.

Sa tingin niya ay pangti-take advantage ang pananatili naming magkaibigan kahit na may nararamdaman na siya para sa'kin na hindi niya sinasabi.

Pero wala lang naman iyon sa akin. Wala naman akong... pakialam kung gusto niya ako kahit na magkaibigan lang kami. Tila labag sa batas pero... gusto ko ang pakiramdam kapag naiisip kong may gusto nga siya sa'kin.

Kinagat ko ang aking ibabang labi nang makaramdam ng kakaiba sa aking tiyan. Nag-iinit ang buong pisngi ko sa t'wing naiisip ko ang mga sinabi niya.

“Gusto... niya ako?” Hindi makapaniwala kong bulong sa sarili.

Pero... imposible iyon. Ano naman ang magugustuhan niya sa'kin? Wala namang... espesyal sa'kin. At isa pa, hindi niya ako kilalang lubusan.

“Hindi niya ako kilalang lubusan...” Kumirot ang dibdib ko nang may mapagtanto.

Kaya siguro nakakaramdam siya ng ganoon para sa'kin, dahil hindi niya pa alam ang mga nangyari sa nakaraan ko. Hindi niya alam kung sino ba talaga ako at kung anong klaseng pamilya ang kinalakihan ko.

Kapag nalaman niya kung gaano kadilim ang pamilyang pinagmulan ko, sigurado ako, siya mismo ang magtutulak sa'kin palayo. Ang isipin na balang araw ay itutulak niya rin ako palayo ay mas lalo lang nagpasakit sa puso ko.

Napabaling ako sa telepono nang makatanggap ng mga mensahe.

Summer:
Napag-usapan namin nila Jake at Jack kanina na lumabas bukas. 'Di ba day off mo, Meona? Gusto mo bang sumama sa'min?

Jack:
hoy, sumama ka ha 🤨

Marahan akong ngumiti dahil hindi pa rin pala ako kinakalimutan nila Summer. Ang sarap pala sa pakiramdam na kahit wala na ako roon ay naiisipan pa rin nila akong isama sa kanilang mga plano.

Isang linggo pa lamang ako rito pero miss na miss ko na sila.

Ako:
sige! sasama ako

Tumayo ako mula sa kama at dumiretso sa banyo upang maligo muli at magbihis sa uniporme ko bilang cook.

Mabuti na lamang at libre ang uniporme namin. Tatlong uniporme kasi ang nagagamit namin sa isang araw lamang.

“Meona, paabot ng carrots.” Ani Nathaira—Nat, na abala sa paghihiwa ng mga patatas.

Strings In An Angel's Wings (Chains of Puppetry Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon