Chapter 28

21.9K 333 16
                                    

Warning: flashbacks of abuse

Chapter 28

Init na init pa rin ang mga pisngi ko nang tuluyang makapasok sa kwarto. Pakiramdam ko'y sasabog ako nang dahil lamang sa interaksyon na iyon.

Gumapang ako patungo sa kulay puting kama at mahigpit na niyakap ang isang unan sabay isinubsob doon ang mukha ko.

Kasasabi ko lang na dapat ay hindi kami magpahalatang magkakilala kami eh!

Ano na lamang ang gagawin ko kung matanggal ako sa trabaho?

Napaahon ako ng marinig ang pava-vibrate ng cellphone ko na nakapatong sa mini drawer sa tabi ng kama ko.

May mga mensahe akong natanggap. Isa-isa ko iyong binuksan.

Summer:
Happy birthday, Meona! May regalo ako sa'yo kaso mukhang hindi ko muna 'yon mabibigay sa'yo. Marami kasing customers ang restaurant ngayon. Sorry :(

Ako:
salamat! tsaka ayos lang! kahit nga walang regalo ay ayos lang. ang importante ay maayos tayo at magkaibigan tayo ☺️

Summer:
Salamat at naiintindihan mo ako, Meona. Tama ka. Iyon ang importante. Masaya ako na kaibigan kita. Babalik na ako sa trabaho ha?

Ako:
sige! salamat ulit sa pagbati! ☺️

Summer:
Nag-message na sa'yo si Jake?

Napakunot ang aking noo at kaagad na chineck ang ibang messages. May mensahe nga roon si Jake!

Jake:
Happy birthday, Meona. (Summer told me to message you)

Ngumiti naman ako bago nag-reply kay Summer.

Ako:
oo, sabi niya happy birthday daw.

Summer:
Buti naman. Ayaw niya kasing mag-greet kanina.

Mahina ako natawa sa sinabi niya. Inutusan niya si Jake? At sinunod 'yon ni Jake? Mukhang mas nagkakasundo na sila ngayon. Noong una kasi ay lagi silang nag-aaway.

Binuksan ko ang iba pang mensahe.

Jack:
Happy birthday! Okay na 'yan wala ka namang pameryenda 🙄

Napanguso naman ako bago nagtipa ng reply.

Ako:
nasa trabaho kasi ako. pasensya na. babawi na lang ako sa susunod na linggo kung ayos lang 😟

Kinagat ko ang aking ibabang labi—nagui-guilty dahil hindi ko man lang naisipan na ilibre sila.

Jack:
Hoy joke lang ano ba naman 'to

Wala ka sigurong social media accounts 'no?

Social media accounts? Wala. Maliit lang ang storage ng cellphone ko at kapag nilalagyan ng maraming apps ay nagha-hang ito at halos hindi na mapindot. Sinubukan ko kasi noong mag-download ng mga online na babasahin.

Ako:
wala :(

Jack:
19 ka na wala ka pa ring social media?!

Hoy teka nagagalit na si Sir William haha

Marahan naman akong tumawa.

Siguro kapag magsimula na ako bukas ay hindi na rin ako makakapag-cellphone kaya mabuti na lang at nire-replyan ko sila ngayon.

Natigil ako sa pagtitipa ng reply para sana kay Jack nang magsimulang mag-ring ang cellphone ko mula sa numerong hindi naman naka-save sa contacts ko.

Hindi ko alam kung kanino ang numero pero sumasakit ang puso ko dahil sa matinding kalabog. Ayokong sagutin dahil hindi ko naman kilala ang may-ari ng numero pero may kung ano sa'kin na tila nagbibigay babala na may masamang mangyayari kung hindi ko iyon sasagutin.

Strings In An Angel's Wings (Chains of Puppetry Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon