Chapter 41
Ilang linggo na rin simula nang magsimula kaming lumabas sa t'wing day off namin. Matapos iyong unang beses ay ginawa na namin iyon kada linggo. Minsan ay pumunta kami sa isang perya, minsan naman ay kumakain kami sa karinderya, at minsan naman ay sa mall para lang mamasyal.
Sa lahat ng mga iyon ay laging kasama si Rafael. Hindi ko pa naitatanong sa kaniya kung bakit parang ang dami niyang oras lalo pa't base sa mga kwento ni Nat ay maraming kompanya raw ang pinapatakbo ni Rafael. Kaya raw nakapagtataka na may oras siyang sumama-sama sa amin.
Minsan ay pinipigilan ko siyang sumama ngunit masyado siyang makulit kaya sa huli ay pumapayag na lang ako lalo pa't gustong-gusto rin naman ni Jack na kasama si Rafael dahil nililibre niya kami palagi. Bukod doon ay parang nag-e-enjoy kasi siyang inisin sila ni Jake.
Ilang beses na akong tinanong ni Rafael kung... gusto kong lumabas na kaming dalawa lang kagaya ng pinag-usapan namin sa mall. Ngunit hindi ko maatim na tanggihan sila Summer at Jack sa t'wing aayain nila ako kada linggo na lumabas. Kaya sa huli ay kaming lima ang lumalabas ng magkakasama.
"Already done?" Tanong ni Rafael nang mapansing itiniklop ko ang librong binabasa.
Umiling ako. "Hindi pa... uh, hindi pa ako makapag-focus ngayon eh." Sambit ko.
Hindi man kami nakakalabas na kaming dalawa lang sa t'wing day off ko, araw-araw naman kaming nasa library. Siya ay nagtatrabaho sa kaniyang laptop at ako naman ay nagbabasa ng libro.
"Hm? Why?" Marahan siyang tumayo st iniwan ang kaniyang laptop para lumapit sa aking lamesa.
Nag-init ang pisngi ko nang tuluyan siyang umupo sa mahabang couch-katabi ko.
"Uh, m-may naisip lang ako..." Sambit ko at sinubukang ilayo sa kaniya ang libro.
"Hm?" He hummed, curious.
Isang ganoon niya lang ay alam ko ng gusto niyang malaman ang iniisip ko. Nag-aalala na naman.
"Uh, naisip ko lang na hindi pala tayo nakakalabas ng tayong dalawa lang. Sana ayos lang sa'yo..." Pag-amin ko.
Nag-iwas ako ng tingin, pakiramdam ko'y matutunaw ako sa aking kinauupuan.
Marahang hinaplos ng kaniyang kamay ang aking buhok. "You don't have to worry about that, Meona. It's fine with me as long as you're having fun with your friends. And besides, I still get to spend some quality time with you here in the library..." Aniya at marahang inabot ang kamay ko.
He kissed the scar on top of my right hand.
"This is even much more better than going out." Aniya at iginiya ang kamay ko sa kaniyang pisngi. "I can stare and be dazed by your beauty without anyone thinking that I'm loosing my mind. But I don't really care if they think that way, though, I will still gladly be dazed and be called crazy as long as it's because of you." He kissed my hand one more time before giving me a tender and reassuring smile.
Araw-araw kaming ganoon ni Rafael sa library. Magta-trabaho siya at ako naman ay magbabasa bilang pahinga na rin pagkatapos ng nakakapagod na trabaho. Tapos bigla siyang hihinto at lalapit sa'kin dahil gusto niyang makipag-usap. Sa huli ay hindi na namin natatapos ang aming ipinunta sa library dahil naubos na ang aming oras sa usapan.
BINABASA MO ANG
Strings In An Angel's Wings (Chains of Puppetry Series #1)
General FictionSTATUS : COMPLETE Meona's life is defined by her mother's manipulative and abusive behavior. From a young age, she's been entangled in a web of rules and emotional turmoil, constantly striving to follow her mother's orders so she can please her. How...