Chapter 54

16K 217 14
                                    

Chapter 54

Paulit-ulit na nag-ring ang cellphone ko nang araw na 'yon, ngunit paulit-ulit ko rin iyong ibinaba. Sunod-sunod na mga tawag at texts ang natanggap ko mula kila Summer, Jack, at Nat, pero ni isa sa mga iyon ay hindi ko sinagot.

Summer:
Meona, may nabalitaan kami. Totoo ba 'yon? Nasa'n ka ngayon?

Jack:
nasa'n ka?

tangina sagutin mo ang tawag, meona

Summer:
Meona, sagutin mo ang tawag ko, please. Punta ka rito sa'min.

Please, Meona. Alam kong nag-aalala ka lang na madamay kami kaya hindi mo sinasagot ang tawag namin, pero wala kaming pakialam sa kanila. Please. Dito ka nalang sa'min.

Nat:
Asan ka ngayon? Magkita tayo.

Meona, sorry hindi kita nalapitan kanina. Natakot kasi ako baka tanggalin ako ni madame sa trabaho.

Pupuntahan kita. Maghihintay ako sa may lawa sa gubat. Walang makakakita sa'tin doon. May lola ako roon. Pwedeng doon ka muna. Mabait 'yon.

Meona, please

Summer:
Hindi kami natatakot, Meona. Nasa'n ka? Pupuntahan ka namin.

Jack:
pumunta kami sa bahay niyo. tangina sa nanay mo.

asa'n ka? pupuntahan ka namin.

tangina meona asan ka? mamamatay na ako sa pag-aalala!

"Ate, bakit ka umiiyak?" Tanong sa akin ni Rica, ang batang nagtitinda ng sampaguita na nagsama sa akin sa kanilang tahanan.

Kaagad kong pinahid ang mga luhang kanina pa pala tumutulo.

Umiling ako at pilit na ngumiti.

"Wala 'to, Rica..." Pagsisinungaling ko. "Tulog ka na, ulit." sambit ko dahil nakahiga siya ngayon sa aking mga hita.

Unti-unting namuo ang mga luha sa kaniyang mga mata. Mula sa pagkakahiga ay umupo siya sa tabi ko at mahigpit akong niyakap.

Tuluyang bumuhos ang aking mga luha.

"Sorry, ate..." aniya habang yakap-yakap ako.

"Sorry saan? Wala ka namang kasalanan eh." Sambit ko, pilit na sinusubukang pigilan ang paghikbi.

"K-kasi, dito lang kita nadala. Wala rin kasi akong bahay..."

Tuluyan akong nadurog.

"Ano ka ba... Sobrang nagpapasalamat nga si ate sa'yo eh... Kung hindi mo ako dinala rito, ede sa kalsada ako matutulog? Tingnan mo oh, umuulan. Kung hindi mo ako dinala rito, mababasa ako sa kalsada. Pero rito, may silungan ako."

"K-kahit na... Hindi ka bagay rito. Sorry, ate... Ito lang ang kaya ko..." Umiiyak niyang sambit sa aking dibdib.

Mas lalong bumuhos ang aking mga luha. Sobrang laki ng itinulong niya sa'kin. Siya na nga ang tumulong, pero siya pa ngayon ang nagso-sorry? Siguro... siguro isang beses siyang tumulong pero hindi iyon pinahalagahan. Siguro, pinaramdam sa batang 'to na hindi sapat ang ginawa niya. Kaya siguro ngayon, akala niya kulang ang ginawa niyang pagtulong niya sa'kin.

"Sobrang nagpapasalamat ako sa'yo, Rica... Napakalaking bagay ng ginawa mo para kay ate, kaya 'wag kang mag sorry, ha? Buong buhay akong magpapasalamat sa'yo... 'Wag ka ng umiyak..."

Strings In An Angel's Wings (Chains of Puppetry Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon