Chapter 29
"P-pasensya ka na." Iyon ang una kong nasabi nang magising sa kama ko kinabukasan.
Naka upo siya sa paanan ng kama habang pinagmamasdan ako.
"H-hindi na mauulit 'yon, pangako."
Nagmamadali akong bumaba sa aking kama ng hindi siya tinitingnan.
Tumigil ako sa kaniyang harapan.
Kinagat ko ang aking ibabang labi bago nagsalita. "Salamat, Rafael. Pasensya ka na rin at nakita mo iyon. Hindi ko intensyon na... istorbohin ka. Nagising siguro kita?"
Nanatiling nakatiim ang kaniyang bagang. Ang mga mata'y namumula habang direktang nakatitig sa'kin.
"Sorry," sambit ko at yumuko.
Naibaling ko ang aking tingin sa kamay niyang pumalibot sa pulsuan ko at bumaba para hawakan ang kamay ko.
Namilog ang mga mata ko ng haplusin niya ang malalaking marka sa ibabaw ng palad ko.
"What happened to these?" Aniya at hinawakan din ang kabila kong kamay.
"Uh," pinaso. "Aksidenteng napaso." Napalunok ako nang maalala ang totong nangyari.
Nagkasalubong ang kaniyang mga kilay. Gumalaw ang kaniyang adams apple senyales na napalunok siya.
"Ayos lang naman ako, Rafael." Pagsisiguro ko sa kaniya ng maalala ang mga sinabi niya kagabi.
Nasasaktan daw siya kapag... nasasaktan ako. Totoo ba 'yon? Bakit naman siya masasaktan para sa'kin.
Iginiya niya ang magkabila kong kamay sa tapat ng kaniyang mga labi. Unti-unti siyang lumapit at pinatakan ng halik ang ibabaw ng mga palad ko kung saan naroon ang aking mga peklat.
Napasingap ako sa kaniyang ginawa.
"I will not let anyone hurt you, ever again, Meona." Sambit niya na tila sumusumpa.
Kumalabog ang dibdib ko. "H-hindi... Wala namang... m-mananakit sa'kin."
He stood up from my bed, his height towering me.
"You'll be safe here. I promise you that." Bulong niya at muling hinaplos ang buhok ko.
Tumitig ako sa kaniyang mga mata—tila galit—tila nasasaktan—tila nangungusap. Ngunit sa kabila ng halo-halo niyang emosyon, ang kulay berde niyang mga mata ay nagpapaalala pa rin sa akin sa payapa at kulay asul na kalangitan.
Marahan niyang hinawakan at hinaplos ang pisngi ko—ang kaniyang mga mata'y namumungay akong pinapanood. Ihinilig ko doon ang aking ulo, muling dinadama ang kapayapaang hatid niya.
Napakapayapa niya...
4:20 AM
Masyado pa palang maaga.
"What do you want for breakfast, Meona?" Bigla niyang tanong nang ihahatid ko na siya palabas sa pinto ng aking silid.
"H-huh?"
BINABASA MO ANG
Strings In An Angel's Wings (Chains of Puppetry Series #1)
General FictionSTATUS : COMPLETE Meona's life is defined by her mother's manipulative and abusive behavior. From a young age, she's been entangled in a web of rules and emotional turmoil, constantly striving to follow her mother's orders so she can please her. How...