Chapter 19

22.5K 348 127
                                    

Chapter 19

Ihinatid ako ni Rafael matapos naming mag-usap ni Leon. May dala siyang take out mula sa restaurant — bagay na hindi ko alam na pwede pala. Tumanggi na akong kumain dahil gusto ko na lamang na umuwi lalo pa't tila wala siyang balak na pag-usapan ang tungkol sa utang ko sa kaniya.

Tahimik lang kami buong byahe hanggang sa makarating kami sa bahay. “Salamat ulit, Rafael,” sambit ko at ngumiti.

Ibinigay niya sa'kin ang isa sa dalawang in-order niyang pagkain. Nagalit pa si Leon at Atlas dahil hindi man lang daw sila in-orderan. Maging ako ay nagulat dahil dalawa lamang ang dala niyang lunch boxes.

“You're welcome. Text me if you're going to eat your food,” bilin niya.

I tilt my head, nagtataka. “Uh, bakit?” Kuryoso kong tanong.

“Sasabay ako,” aniya at pumasok na sa kaniyang kotse.

Anong sasabay siya? Kumain?

“H-huh? Ano'ng ibig mong sabihin?”

“I'll eat with you,” aniya na nag-iwas ng tingin at binuhay ang sasakyan. “Take care, Meona. I...” Tila may sasabihin pa siya ngunit sa huli umiling at pinaandar ang sasakyan.

Hindi napigilang napangiti ako tuluyang tumango at pinagmasdan ang kaniyang sasakyan na umaalis na.

Nang gabing iyon ay wala ulit si nanay sa bahay, marahil ay sa hospital ulit siya nanatili. Oh 'di naman kaya ay inuubos ang perang nasa kaniya sa pagsusugal.

Kinagat ko ang aking ibabang labi para pigilan ang panginginig nito.

Para pagaanin ang loob ay kinuha ko ang inorder ni Rafael na pagkain. Hindi ko alam kung ano ang tawag doon dahil kakaiba nga naman ang mga pagkain sa restaurant, lalo pa't base sa iba-ibang bansa ang ilan sa menu namin.

Mayroon iyong malaking stake, mga gulay, at parang may syrup sa gilid. Hindi naman iyon ketchup.

Dinala ko ang pagkain sa kwarto dahil.. ayokong kumain sa kusina. Nang kakain na ako ay naalala ko ang bilin ni Rafael kaya naman tinext ko siya.

Ako:
hi! kakain na ako ☺️

Inilapag ko sa kama ang cellphone ngunit kalalapag ko pa lang ay nag vibrate na iyon.

Nag reply agad si Rafael!

Rafael:
Really? I'll join you.

Aniya at may sinend na litrato. Kumunot ang aking noo dahil hindi ko iyon makita.

Ako:
sige. hindi ko makita 'yong picture. nakapantawag na load lang ako. kakain na ako ha, nagugutom na ako eh.

Imporma ko sa kaniya bago inilapag nang tuluyan ang cellphone at nagsimulang kumain.

Napapikit ako sa sarap ng steak.

Ayos lang naman pala kahit na matagal magluto ang panggabing chef ng restaurant, masarap naman! Sulit ang paghihintay!

Ako:
masarap

Hindi pa ako natatapos magtipa ay nasend iyong mensahe ko nang aksidenteng mahagip ng daliri ko ang send button.

Napanguso ako at nagpatuloy sa pagtitipa ngunit nauna na siyang mag-reply.

Strings In An Angel's Wings (Chains of Puppetry Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon