Chapter 3
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.
Nagsimula kaming pagtinginan pa lalo ng customers.
Tinaasan niya ako ng kilay.
"We'll wait outside." Sabi ng kaniyang isang kapatid at nilagpasan siya palabas sa pinto ng restaurant. Tinapik naman siya sa braso ng isa pa niyang kapatid. Iyong nakatulala kahapon.
Nagtiim naman ang kaniyang bagang sa dalawa. Tinawanan naman siya ng mga ito.
"Follow me," sabi niya at tumalikod sa akin, akmang aalis na.
Nanatili akong nakatayo. Hindi alam kung susunod ba o hindi. Hindi niya sinabi sa'kin kung saan kami pupunta...
"What are you still doing there?!" Iritado nitong sabi, ang mga matay kulang na lang ay mag-apoy.
"Saan muna... tayo pupunta?" Tanong ko, bahagyang kinakabahan.
Ang kaninang paalis na ay muling pumasok, malalaki ang hakbang. "You said you want to talk to me alone, right? Let's go so we can fucking talk in a private area." Ramdam ko ang kaniyang pagpipigil na magalit at pagtaasan ako ng boses.
"Pero kasi... saan muna tayo pupunta..."
Tiningnan niya ako na tila hindi makapaniwala saka bumuntong hininga. "Sa building na katabi nitong restaurant. My car is parked there." Aniya, mas kalmado na ngayon.
"What's taking you guys so long?" Tanong ng kaniyang kapatid na nagbabasa ng... libro kahapon. Bumalik silang dalawa ng kaniyang kapatid sa loob ng restaurant katabi lang ng pintuan.
Mas lalo kaming pinagtinginan ng mga tao.
Tumango naman ako na kagat-kagat ang mga labi. "T-tayong... dalawa lang?" Hindi ko napigilan ang panginginig ng boses.
"Isn't that what you want?! So, why the heck do you sound scared?!" Bahagyang tumaas ang kaniyang boses.
Kinagat ko ang ibabang labi. Hindi alam kung ano ba ang dapat kong sabihin. Pero sa huli...
"G-galit ka eh..." Pag-amin ko na nakayuko pa rin.
Nabalot ng katahimikan ang buong restaurant. Maging ang tunog ng nga kubyertos ay hindi na marinig; tila ba tumigil silang lahat sa ginagawa.
Nag-angat ako ng tingin. Nakatingin si Mr. Dela Vega sa akin na may may... galit at... pagkamangha sa mga mata na para bang hindi siya makapaniwala. Tiningnan ko ang dalawa niyang kapatid sa likuran niya. Nagkatinginan ang dalawa bago malakas na humalakhak ang isa. Iyong nagbabasa ng libro.
Sa lakas ng tawa nito ay hindi na rin napigilan ng isa niyang kapatid ang marahang matawa at umiling.
"Bakit ka naman kasi galit, dude!" Sabi ng tawang-tawa na kapatid nito.
Masama namang tiningnan ni Mr. Dela Vega ang mga kapatid. Kaagad namang tumigil ang mga ito at tumikhim.
"If you want to talk to me alone, then follow me. If you're fucking worried that I'll do something to you, I fucking won't. We'll just fucking talk as you please." Aniya na may diin sa bawat salita bago ako tinalikuran.
BINABASA MO ANG
Strings In An Angel's Wings (Chains of Puppetry Series #1)
Aktuelle LiteraturSTATUS : COMPLETE Meona's life is defined by her mother's manipulative and abusive behavior. From a young age, she's been entangled in a web of rules and emotional turmoil, constantly striving to follow her mother's orders so she can please her. How...