Chapter 2
Nanatili akong nakatayo roon. Gusto kong umalis sa harapan niya, tumakbo, pero ang isip ko'y gustong-gusto na manatili sa harap ng lalaki at magmakaawa na patawarin ako at ibalik sa'kin ang aking trabaho.
Kagaya nang una ko siyang makita, magkasalubong ulit ang kaniyang mga kilay—busangot ang mukha. Tila galit na naman.
Pero hindi ko naman siya masisisi. Nasira ko nga naman ang kaniyang laptop at mukhang may lubhang mahalagang laman iyon lalo pa't bago nangyari iyon ay nakita kong marahas siyang natitipa habang ang mga mata'y nakatutok doon.
Nang magtama ang aming mga mata ay sa wakas bumalik ako sa reyalidad at kaagad akong gumilid para makadaan siya. Baka mas lalo lang siyang magalit sa'kin.
Nang nasa gilid na ako'y naghintay akong dumaan siya pero ilang segundo na ay hindi pa rin iyon nangyari. Sa kuryusidad ay nag-angat ako ng tingin.
Nakahawak ang isang kamay niya sa handle ng pintuan, at ang isa naman ay nakasiksik sa kaniyang bulsa. Nakasandal na siya sa pintuan habang ang mga mata'y nasa akin— at pinagtataasan ako ng kilay. Tila ba tinatanong ako kung ano pa ang ginagawa ko.
Ayaw na niya siguro talaga akong makita ulit. Ganoon nalang siguro ang kaniyang galit sa'kin.
Tumikhim ako at umatras lalo. Tinalikuran ko siya saka tahimik at nakayukong umalis.
Lumiko ako para sumilong nang mamataan ko si Sum sa likod ng restaurant, kasama ni Jack na nagtatapon ng basura.
Nang makita ako ni Summer ay kaagad siyang lumapit at mahigpit akong niyakap. “Meona? Kamusta ka? Ano'ng nangayri sa'yo?” Nag-aalala at bahagyang natataranta na tanong niya habang tinitingnan ang lagay ko.
Marahan akong ngumiti sa kaniya. “Ayos lang ako, Sum. Medyo napagod lang sa paghahanap ng bagong trabaho.” Paliwanag ko sa kaniya.
“Kumain ka na ba? Ang tamlay mong tingnan!” Si Jack na katatapos lang sa pagtatapon ng basura.
“Hindi pa nga eh, pero kaya ko pa naman.” Paninigurado ko sa kanila.
“Ano?! Halika, dito ka muna sa loob. Wala dito si Sir William.” Ani Summer at kaagad akong hinila papunta sa backdoor ng restaurant.
Oo nga naman— ang backdoor. Bakit kaya hindi ko iyon naisip kanina? Nakita niya pa tuloy ako... mas nagalit na naman tuloy siya sa'kin. Baka hindi na talaga ulit ako matanggap dito kung gano'n.
“Kumain ka na muna, Meon.” Marahang sabi ni Summer at nilapagan ako ng plato na may sari-saring pagkain.
“Ha? Hindi na. Gusto ko lang talagang makausap si sir. Mamaya nalang ako kaka—”
“Ano ka ba! Tingnan mo ang putla-putla mo! Mukha kang lantang gulay!” Si Chef Luis na nag-aalala rin.
Talaga?
Napasuri ako sa sarili ko dahil sa sinabi ni sir. Pinagmasdan ko ang sarili sa kutsara at oo nga, mukha nga akong lantang gulay. Medyo magulo na ang mahaba kong buhok at kitang-kita rin ang pagod sa aking mga mata.
Kawawa naman ako.
“May pera po ako rito. Iyong sweldo—”
BINABASA MO ANG
Strings In An Angel's Wings (Chains of Puppetry Series #1)
General FictionSTATUS : COMPLETE Meona's life is defined by her mother's manipulative and abusive behavior. From a young age, she's been entangled in a web of rules and emotional turmoil, constantly striving to follow her mother's orders so she can please her. How...