Chapter 45

20.5K 273 21
                                    

Chapter 45

Mula sa malawak na sala ng mansyon, tanaw ko si Leon, naka-fitted black turtleneck sweater at itim na fitted pants, nakatiim ang bagang habang sinusundan ang nakangising si Ma'am Patrienne na naka-white tube top at mahabang palda.

"Magandang umaga po, Ma'am Patrienne," bati ni Nat nang nasa harap na namin siya.

"Magandang umaga po, ma'am," bati ko rin.

"Good morning, Nathaira. Good morning din..." she trailed off, hindi alam ang itatawag sa'kin.

"Uh, Meona po, ma'am."

Marahan siyang ngumiti at tumango.

"Good morning din, Meona," aniya na napangiti naman sa akin.

Si Ma'am Patrienne ang dumating pero pakiramdam ko ay siya pa ang nagwe-welcome sa amin.

"I'll leave the two of you muna. I think I need to rest for the day. Ang sakit ng balakang ko," natatawang saad nito.

Tumango naman kami kaagad ni Nathaira.

"Sure, ma'am. Ihahatid ko pa po ba kayo?" si Nat na mukhang alam na ang sagot ngunit tinatanong pa rin.

Umiling si Ma'am Patrienne.

"Thank you, pero hindi na, Nat. Sanay naman na ako rito," aniya at makabuluhang ngumiti.

Tumawa si Nat at tumango, parang nagkakaintindihan sila kahit hindi na magsalita.

"I'll rest na muna. I'll see you later," nag-flying kiss si Ma'am Patrienne sa amin bago tinungo ang elevator.

"Good morning, Sir Leon," bati naman ni Nat kay Leon.

"Good morning po, Sir Leon," bati ko naman, bahagyang nag-alangan pa dahil hindi ako sanay na tawagin siyang ganoon.

"Good morning," malamig na sambit niya at nilagpasan kami.

"Naku, ginalit na naman ata ni Ma'am Patrienne," humagikhik si Nat at marahas na hinampas ang braso ko.

Napanguso naman ako.

"Nathaira, 'di ba sabi mo hindi muna uuwi sila Leon?" kuryoso kong tanong.

"Nakalimutan ko. Birthday pala kasi ni Sir Leon bukas. Dito 'yon lagi nagce-celebrate kaya siguro umuwi muna," paliwanag niya na nagpatango naman sa'kin.

Maya-maya ay pinatawag kami ni Ms. Ariella sa kusina, may importante raw na sasabihin.

"Alam kong alam na ninyo 'to, pero ipapaalala ko lang in case nakalimutan niyo. Birthday na ng bunsong anak ng madame bukas. You know the drill, right? Today and tomorrow is going to be a hell busy day," anonsyo ni Ms. Ariella.

"Hay," si Nat at isinandal ang ulo niya sa balikat ni Kevin-tila pagod na agad kahit hindi pa kami nagsisimula sa trabaho.

"Magseryoso kayo, lalo pa't kayo ang in charge sa pagkain. Elegante ang mga bisita ng madame kaya siguraduhin ninyong hindi siya mapapahiya sa pagkain. Alam niyo kung gaano ka-importante sa madame ang mga kaarawan ng mga anak niya. So, you better not ruin it kung ayaw ninyong masisante."

"Yes, Ms. Ariella," halos sabay-sabay naming sambit.

Napalunok ako. Sa kaba ay halos nararamdaman ko na ang tibok ng puso sa lalamunan ko.

"Good," sambit ni Ms. Ariella bago kami inirapan saka lumabas ng kusina.

Umingay ang buntong hininga sa kusina, tila ba kanina pa nila pinipigilan ang paghinga. Maging ako ay napabuntong hininga nang tuluyang makaalis si Ms. Ariella.

Strings In An Angel's Wings (Chains of Puppetry Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon