Chapter 61

18K 275 157
                                    

Chapter 61

I couldn't sleep properly that night. Hindi mawala-wala sa isip ko ang sinabi niya at ang ginawa niyang pagwa-walk out!

Ano ang ibig niyang sabihin na hindi kami bagay? Nagseselos na naman ba siya?

"Huy! Okay ka lang?"

Napakurap ako nang marahas na tapikin ni Jack ang braso ko.

I glared at him.

He laughed.

"Lutang na lutang tayo, ah? 'Di mo makalimutan?" He waved his eyebrows while that annoying smirk was painted on his face.

Ako naman ngayon ang marahas na tumampal sa braso niya. Napaabante siya sa lakas ng pagkakatampal ko.

He groaned nang masakal siya ng tape measure. Sinusukatan na kasi siya para sa kaniyang suit na gagamitin bilang best man.

Humalakhak naman ako.

I contacted Madam Awra, ang isa sa mga best designers sa lugar, para gawin ang mga damit namin para sa kasal ni Summer.

Nauna kami ni Jack na pumunta sa kaniyang design studio upang mauna rin kaming matapos. Pagkatapos kasi nito ay pupunta pa kami sa mall upang maghanap ng inspiration para sa souvenir ng kasal nila Summer.

Nagkasundo na kasi kami na si Mira at Nathaira ang bahala sa invitation cards at sa pagtulong sa wedding design, kami naman ni Jack ang bahala sa mga damit at wedding souvenir.

"Next!" Sambit ni Madam Awra matapos niyang sukatan si Jack.

Lumapit naman kaagad ako.

"OMG," tila natatarantang sambit ni Madam Awra habang nakatitig sa kaniyang ballpen. "Oh no, wala na siyang tinta..." Iniyugyog niya ang kawawang ballpen at sinubukang isulat ulit pero wala na nga itong tinta. "Wait lang, kukuha lang ako, okay?" magiliw niyang sabi.

Ngumiti naman ako at tumango.

Lumabas si madam sa kwarto. Ako naman ay lumapit sa isang mannequin na nakasuot ng puting wedding gown.

"Ang ganda..." I breathed. Pinasadahan ko ng daliri ang damit, manghang-mangha sa pagkakagawa nito.

"Bilhin mo kaya para sa kasal niyo?" Ang nakangising si Jack sa tabi ko.

I glared at him.

Humalakhak muli siya.

Pareho kaming napabaling sa pinto ng kwarto nang makarinig kami ng yapak papasok. Akala ko si Madam Awra na, ngunit halos lumuwa ang mga mata ko nang makitang si Rafael iyon, may hawak na naka-hanger na suit sa kaniyang kamay.

Tinitigan niya ako ng ilang segundo, pagkatapos ay lumipat ang mga mata niya kay Jack, pagkatapos ay sa mannequin sa aming likuran, pagkatapos ay sa akin ulit.

Napalunok ako nang makita ang pagtitiim ng kaniyang bagang at ang paglalagablab ng kaniyang mga mata.

"What..." hinihingal niyang sambit.

Kaagad akong umabante at dumistansya kay Jack.

Ano ba 'yan! Nagseselos na naman siguro 'to!

"Lumabas muna si Madam Awra. Kumukuha lang ng ballpen," paliwanag ko dahil mukhang kung ano-ano na ang tumatakbo sa isip niya.

Magkasalubong na naman ang kaniyang mga kilay. Sa paraan ng pagkakatitig niya kay Jack ay parang pinapatay na niya ito sa isip niya.

"Uh, bakit ka nandito?" Kunyari ay kuryoso kong tanong, kahit na may ideya naman na ako na bibili siya ng suit.

Strings In An Angel's Wings (Chains of Puppetry Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon