Chapter 26
Hindi nagbibiro si Rafael nang sabihin niyang ito-tour niya ako sa mansyon.
Matapos ang nakakahiyang pangyayari sa harapan mismo ni madame ay dumiretso kami sa third floor kung nasaan ang kwarto ko. Sumunod lamang ako sa kaniya.
Tahimik kaming pumasok sa isang elevator. 5 floors ang mansyon kaya raw nagpa-install ng elevator ang madame. Mabuti na rin iyon lalo pa't napakataas ng mansyon na kung lalakarin at aakyatin ang hagdanan ay baka sumakit na ang tuhod ko sa ikalawang palapag pa lamang.
"Happy birthday, Meona." Marahang sabi ni Rafael nang sa wakas ay umandar ang elevator.
"Salamat," tugon ko, mainit pa rin ang ulo.
Dahil sa ginagawa niya ay maaari akong matanggal sa trabaho! Unang araw ko pa lang ngunit pakiramdam ko'y pinag-iisipan na ng madame kung dapat ba akong manatili rito o hindi!
"Are we okay?" Tanong niyabsa kalagitnaan ng pag-andar ng elevator.
Tumango lamang ako at kaagad na lumabas sa elevator nang makarating sa third floor. Hindi ko man kabisado ang lugar na ito ay naglakas loob pa rin akong maunang maglakad.
Narinig ko naman ang mabilis niyang mga yapak na palapit lalo sa'kin. Binilisan ko ang aking lakad para hindi niya akong maabutan.
Nakakuyom ang aking kamao habang pilit na pinipigil ang mga emosyon.
"Meona... you're going the wrong way," saad niya na tila nanghihina.
Napatigil naman ako at nilingon siya.
Lagpas na pala ako sa kwarto!
"This is your room," aniya at pinagbuksan ako ng pinto.
Nagmamartsa naman akong naglakad pabalik at padabog na pumasok sa kwarto—hindi siya pinapansin.
Napakaganda ng kwarto ko—parang hindi kwarto ng isang mahirap na kagaya ko. Sa sobrang lawak ay parang bahay na namin iyon. May sala, kusina, cr, at sarili pa akong kwarto.
Napasinghap ako nang mapagtantong dito ako maninirahan habang nagtatrabaho ako.
Kaya pala napakahigpit sa pagpapapasok ang madame ng mga employado nila dahil ganito naman pala kaganda ang nag-aantay sa amin. Kaya pala ang sabi ni Manong Gustin at Arnold kanina ay hindi ako magsisisi rito dahil parang may sariling bahay lang daw ako!
"I'm going to put these in your closet," ani Rafael sa likuran ko at dumiretso sa aking kwarto.
Kwarto sa loob ng aking kwarto?!
"Ako na, Sir Rafael." Sambit ko at kinuha mula sa kaniya ang dalawa kong bagahe.
Wala siyang nagawa dahil tila nabato siya sa kaniyang kinatatayuan.
"Meona, do we have a problem?" Tanong niya habang nakasunod sa akin.
"Wala po, sir." Sambit ko ay tuluyang pumasok sa "kwarto" sa loob ng aking kwarto.
Nakita ko kaagad ang closet kaya kaagad ko iyong binuksan.
Nang mabuksan ko iyon ay halos malaglag ang aking panga sa gulat. Isa iyong walk in closet! Hindi ko maiwasang mamangha dahil ang closet kung titingnan sa labas ay tila simpleng sabitan o lalagyan ng damit lamang ngunit nang buksan ko ay isa ring buong kwarto sa sobrang lawak!
BINABASA MO ANG
Strings In An Angel's Wings (Chains of Puppetry Series #1)
General FictionSTATUS : COMPLETE Meona's life is defined by her mother's manipulative and abusive behavior. From a young age, she's been entangled in a web of rules and emotional turmoil, constantly striving to follow her mother's orders so she can please her. How...